**Hazel's POV** "Nga pala, Danica, diba sabi mo may trabaho tayo ngayon kay Alexa?" tanong ko kay Danica nang makapasok kaming tatlo sa condo niya at dumiretso kami sa sala at doon naupo. "Oonga, Beshie, yun nga kasi ang sabi sa akin ng manager ni Alexa, eh kaso kaninang umaga, biglang tumawag at nag-cancel. Hindi ba sinabi sayo ni Baks? Tinawagan ko siya kaninang umaga na cancel yun, ah. Busy kasi ako kaya sabi ko siya nalang magsabi sayo," sagot naman nito sa akin. Tumingin ako kay Baks, sabay taas ng dalawang kilay ko, dahil ang lokong bakla wala man lang sinabi sa akin. "Sorry, Girl, nakalimutan ko," wika ni Baks sa akin at nag-sign peace pa sa akin. "So, what is our plan? Will we accept the offer contract?" tanong ko kay Danica at Baks. "Not, Beshie, because Baks doesn't want to,

