bc

No Boyfriend Since Break'up No Girlfriend Since Break'up [18+]

book_age18+
265
FOLLOW
4.6K
READ
another world
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

Hazel Dimaguiba ang babaeng (NBSB)

No Boyfriend Since Break'up.

Mula ng lokohin siya ng kanyang last ex-boyfriend na si Kenneth ay hirap na siyang magtiwala muli sa mga lalaking nagkaka gusto sa kanya, pakiramdam kasi niya ay hindi para sa kanya ang lovelife na may happy ending, dalawang beses na kasi siyang niloko at same reason lang kung bakit sila naghihiwalay. Well nahuhuli lang naman niya ang mga gag* nyang ex-boyfriend na nakikipag s*x sa ibang babae.

Kevin Cruz Flore. Mayaman, gwapo, at may abs ehmmm, kaya lang ay may pagka suplado, katulad ni Hazel ay isa rin pala itong (NGSB)

No Girlfriend Since Break'up.

What will happen when NBSB and NGSB meet? is it possible for them to get together? because they have the same experience with their exes?

ARAT NA!! Alamin natin ang story ng dalawang NBSB at NGSB

chap-preview
Free preview
CHAPTER-1
**Hazel's POV** "Hoy, girl, nakita ko pala yung ex mo kanina, si Kenneth," wika sa akin ng kaibigan kong bakla na si Rica, na ang totoong pangalan ay Ricardo Ulysses Lopez. "Oh, ano ngayon, Ricardo Ulysses Lopez?" mariing tanong ko sa kanya. Kapag may hindi ako nagugustuhan na sinasabi niya o ginagawa niya, tinatawag ko siya sa tunay na pangalan o buong pangalan niya. Ayaw kasi niyang tinatawag siya ng Ricardo dahil ang lakas daw maka-lalaki. "HAHAHAHAHA," tawa ni Danica nang banggitin ang pangalan ni baks. Si Danica ang isa ko pang kaibigan. Mga kaibigan ko sila since college pa lang kami, ibig sabihin, 5 taon na kaming magkakaibigan. Si Danica Cruz Flores ay isang tunay na babae at si Rica naman ay pa-girl na gay. "Girl, panira ka ng araw, sa totoo lang. Isang oras akong nag-makeup tapos tatawagin mo lang akong Ricardo. Ang bastos, huh," reklamo ni Rica sa akin. "Pero by the way, Rica, saan mo nakita yung ex ni beshie?" tanong ni Danica kay Rica. "Saan pa, edi sa sarili ninyong mall, sa CF's Mall," sagot naman ni Rica. "Gaga, hindi naman sa amin 'yon, sa pinsan ko 'yon. Pinagkatiwala lang niya sa dad ko dahil yung pinsan ko nasa America at may business din kasi siya doon na inaasikaso," wika naman ni Danica. "Naku, girl, parang inyo na rin 'yon noh kasi Cruz Flores mall, so dala-dala mo 'yong name," wika naman ni Rica. Actually, mayaman kasi ang buong angkan ni Danica, lalo na yung totoong may-ari ng mall na pinagkatiwala sa kanyang ama. Kami naman ni Rica ay normal lang, hindi mayaman, hindi rin naman mahirap—sakto lang. Nandito nga pala kami ngayon sa condo ni Danica, dahil inaayos namin ang mga kuha namin sa photo shoot sa naging trabaho namin noong isang araw sa debut birthday ng kakilala rin niya. Well, photographer kaming dalawa ni Danica. Dito namin inaayos ang mga kuha naming pictures sa condo niya dahil may sariling studio siya, kumpleto siya sa mga gamit bilang photographer. Nandito rin si Rica dahil make-up artist naman siya, sobrang galing din niya pagdating sa pagme-make up. Kaya siya rin ang nirekomenda ni Danica doon sa kakilala niya na nag-debut birthday. Marami rin ang nakakakilala sa kanya bilang magaling na make-up artist. Yung ibang artista nga ay minsan kinukuha rin siya. Kay Danica dumaan ang bayad sa amin pag may natatapos kaming trabaho. Tapos siya na ang bahala mag-deposit sa bank account ko at kay Rica. Minsan nakakasama talaga namin sa trabaho si Rica, lalo na kung ganitong event ng debut, wedding, at sa birthday ng mga mayayaman. Bukod sa pagiging photographer, isa rin akong bartender sa kilalang bar na tinatawag na Moon's Bar, ang pinakasikat na bar dito sa Manila. "Ewan ko sa'yo, bakla ka," wika ni Danica kay Rica. "Pero wait, alam niyo, iba na naman ang kasama noong ex mo, Hazel," wika ni Rica sabay hawak pa sa may baba niya. "Ano pa bang inaasahan niyo sa taong babaero? At isa pa, bakit niyo ba siya pinag-uusapan?" asik ko sa dalawang kaibigan ko. Nagtinginan pa talaga silang dalawa saka tumingin sa akin. "Naka-move on ka na ba talaga, beshie?" sabay na tanong ng dalawa sa akin kaya napa-tingin ako sa kanila na nasa harap ko silang nakatayo habang ako naman ay nakaupo sa may sofa. Tinignan ko sila sabay taas ng isa kong kilay. "Its almost 3 years since we separated! Kaya oo ang sagot ko sa inyong dalawa," matigas na sagot ko sabay tayo at pumunta sa may desk table para tignan ulit ang mga kuha ng photo shoot namin ni Danica. Pagkaupo ko, pinaikot ko ang upuan at humarap sa kanila, nakatitig pa rin silang dalawa sa akin. "What?" asik ko sa kanila dahil naiirita na ako sa paraan ng pagtitig nila sa akin. "Kung naka-move on ka na, bakit hanggang ngayon wala ka pang jowa kahit may mga manliligaw ka naman?" tanong ni Rica sabay upo sa may sofa. "Oo nga, beshie, mukhang tuluyan ka nang naging man-hater," sabi naman ni Danica sabay halukipkip. "Ayoko lang masaktan. Tama na yung dalawang beses," wika ko sa dalawa. "So ano 'yan, forever single na lang ang peg mo?" tanong naman ni Rica. "Wag ka mag-alala, Rica, magbo-boyfriend rin ako pag may jowa ka na rin for good!" wika ko kay Rica sabay ngisi. "Ouccch, girl, masyadong personal," wika ni Rica sabay hawak pa niya sa dibdib niya na parang nasaktan sa sinabi ko. Ngumisi naman ako habang si Danica ay tawa naman ng tawa na lalong kinainis ni Rica. "Alam mo, girl, kaya siguro pinagpalit ka kasi wala man lang silang s*x life sa'yo. Kasi isipin mo, si Gabriel, yung unang naging fafa mo, nahuli mong nakapatong sa ibang babae. Tapos kay Kenneth, ganon din, nahuli mo rin siyang nakapatong sa ibang babae. Kaya advice ko sa'yo, pag nagka-jowa ka, girl, magpapatong ka na para hindi ka ipagpalit. Tignan mo itong si Danica, masaya sa lovelife kasi may s*x life sila ni fafa Lance. Ay, kilig ako sa'yo, girl, Danica," mahabang wika ni Rica. Si Danica naman ay tawang-tawa pa rin. Sa bagay, may boyfriend kasi at mahigit 2 taon na sila ngayon ni Lance. Si Rica naman ay nahawa na sa tawa ni Danica. Ako naman ay kinuha ko ang isang folder sa may table at binato ko kay Rica, sapol ang dibdib niya. Sadyang doon ko talaga patamaan. "Alam mo, Ricardo, ang baboy ng bibig mo. Yang s*x na sinasabi mo ay gagawin ko lang pag kasal na ako. Ngayon, yung dalawang ex ko, problema na nila 'yon kung hindi nila mahintay ang gusto ko. At least ngayon alam ko na hindi nila deserve ang katulad ko. Hindi ako 'yong nawalan kundi sila," mahabang sabi ko kay Rica. "Alam mo, girl, okay lang sa akin na saktan mo ako ng physical, pero yung tawagin mo akong Ricardo, my God girl, parang awa mo na, bugbugin mo na lang ako kesa tawagin mo akong ganyan," wika ni Rica na pinapaypayan pa ang mukha gamit ang kamay. "Alam niyo guys, tama na 'yan. It’s 6:35 PM, punta na lang tayo sa CF's Mall. Total magwi-withdraw ako para madeposit ko ang pera ninyo sa account ninyo," wika ni Danica at tumayo na at lumabas na ng studio room niya. "Let's go, girl," sabi naman ni Rica at sumunod na ito kay Danica. Nasa byahe kami ngayon papunta sa CF's Mall. Nasa front seat ako at si Rica naman ay nasa back seat sa likod ni Danica. Pagdating namin sa mall, sinamahan muna namin si Danica mag-withdraw at mag-deposit sa account namin ni bakla. "Ang yaman talaga ng pinsan mo, girl, Danica. Ito kaya ang pinaka malaking mall dito sa Manila. Itong pag-aari ng pinsan mo," wika ni Rica kay Danica. "Totoo 'yan, baks. Sa lahat ng Cruz Flores, siya ang pinaka-mayaman. Kulang ang salitang millionaire. I think he’s not a millionaire, he’s a billionaire," wika naman ni Danica habang ako ay nakikinig lang sa pag-uusap ng dalawa. Nakupo, kami ngayon sa gilid dahil hinihintay namin matapos ang nauna sa amin na nagwi-withdraw rin. "Ayy, ang bongga naman niya, girl. Swerte naman pala ng asawa niya kung ganon," wika pa ni Rica. Nagulat pa siya nang batukan siya ni Danica. "Ouch, girl! Anong problema mo at nambabatok ka? My God, nakakaloka ka, girl," reklamo naman ni Rica sabay himas niya sa may batok niya. "Loka ka kasi, baks. Para sabihin ko sa'yo, binatang single ang pinsan ko. And take note, alam mo bang katulad di siya ni beshie Hazel? Kung si beshie Hazel NBSB, si couz naman NGSB," natatawang wika naman ni Danica habang tumingin pa sa akin ang gaga. "Damay niyo naman ako sa kalokohan ng pag-uusap niyo, Danica," asik ko rito. Beshie ang tawagan namin ni Danica, ang tawag naman namin kay Rica ay baks, na nangangahulugang bakla. At si Rica naman ay tinatawag kaming girl ni Danica. "Oo nga naman, girl Danica. Paano naging NBSB itong si girl Hazel, eh dalawang beses na nga siyang niloko?" pigil-tawa ng bakla at talagang itinuro pa ako. Siyempre, binatukan ko siya dahil nasa gitna namin siya ni Danica. "Ouch, girl! Ano ba yan? Ang brutal nyo sa akin. Sa totoo lang, kanina pa kayo ahh. Lalo ka na, girl Hazel. Nasa condo pa lang tayo ni Danica, nananakit ka na." asik ni baks sa amin habang ngumunguso pa. "NBSB yan si Beshie Hazel, baks. No boyfriend since break-up." "HAHAHAHAHA." sabay tawa ng dalawa. Ako naman ay tumayo at tinitigan ko sila ng masama. "Oh, relax girl. Umupo ka nga, baka manakit ka na naman." wika ni Baks, sabay hila sa kamay ko at pinaupo ako. "Pero totoo, girl? Ibig sabihin, yung pinsan mong billionaire, no girlfriend since break-up din?" seryosong tanong ni baks kay Danica. "Yes, baks, exactly." sagot naman ni Danica.Akalain mo iyon, meron din palang kaseng malas ko sa lovelife. Akala ko kasi nag-iisa nalang ako sa mundong ito. bulong ko sa sarili ko. "Kung si beshie Hazel nahuling nakapatong sa ibang babae ang dalawang ex niya, si couz naman nabuntis ng iba ang girlfriend niya. Ang pinagkaiba lang nila ni Couz at ni beshie si beshie Hazel, dalawang beses na siya na-heartbroken, yung pinsan ko naman ay isang beses lang. Dahil sobrang loyal pag nagmahal, kaya nga umabot sila ng 5 years nung ex niya. Hindi nga ako makapaniwala na nagawa iyon ng ex niya sa pinsan ko." mahabang wika ni Danica. Napapatango nalang ako sa mga sinasabi niya habang hindi naman ako nakatingin sa dalawa. Pakiramdam ko nasasaktan ako sa mga naririnig ko kay Danica. Sobrang sakit kasi ng maloko noh.Halos magwala na ako nang mahuli ko si Kenneth sa panloloko niya sa akin. Ano pa kaya yung pinsan ni Danica, tapos 5 years pa ang pinag-samahan nila, samantalang kami ni Kenneth dalawang taon lang. Bulong ko sa sarili ko. "Ang sad naman pala ng sinapit ng pinsan mo, girl. Akala ko kasi si Hazel lang ang malakas pagdating sa love, meron pa palang mas higit sa kanya." sabi naman ni baks, kaya tinitigan ko siya ng masama at napa-atras pa ito sa pagkakaupo niya papunta kay Danica. "Yeah, baks, it's true. Hanggang ngayon nga, pakiramdam ko dinadamdam pa rin niya ang nangyari sa kanila nung ex niya." malungkot na sabi ni Danica. "Paano mo naman nasabi 'yan, girl? Eh diba matagal-tagal mo nang hindi nakakasama dahil umalis siya ng Pilipinas? Kaya nga ang daddy mo ang nag-handle sa business niya dito sa Pilipinas." usisa pa ng baklang tsismosa. "Hello, baks, last month lang kami nag-bakasyon sa America at doon kami tumuloy sa kanila. Ang daming nagbago sa kanya mula nang masaktan siya. Naging bugnotin daw siya, sabi ni tita, at ang suplado na daw niya. Nawala na yung pinsan ko na sweet at masayahin. Ang laki ng epekto sa kanya ng ginawa ng ex niya." Napapa-tango nalang si baks sa mga sinasabi ni Danica tungkol sa pinsan niya.Hindi ko alam, pero gusto kong maiyak sa mga sinabi ni Danica tungkol sa nangyari sa pinsan niya. Hindi ko siya masisisi kung nabago ang ugali niya dahil sa ginawa ng ex niya sa kanya. Kahit ako, naramdaman kong nabago ako mula nung nangyari sa amin ni Kenneth. Tulad nalang ng takot. Takot akong magmahal ulit dahil pakiramdam ko lahat ng nanliligaw sa akin ay sasaktan lang ako. Dati hindi naman ako ganon mag-isip, pero dahil dalawang beses na akong niloko at mismong ako pa ang nakakakita, binago ako ng mga pangyayaring iyon. "Hayyy, how I wish na sana pagtagpuin kami ng tadhana ng pinsan mo, girl. And I will promise na pag naging jowa ko siya, hinding-hindi ako magpapabuntis sa iba. Magiging loyal ako sa kanya." malanding wika ni baks, kaya napa-tingin ako sa kanya. Habang yakap-yakap niya ang sarili niya, kilig na kilig sa sariling pinag-sasabi niya. Napatawa naman kami ni Danica at binatokan pa namin siya ng sabay dahil sa daydream niya. "Aray!" malakas na sigaw niya ng mabatukan namin siya. "Grabe na talaga sa akin." "Gaga ka kasi, baks. First of all, hindi ka mabubuntis dahil wala kang bahay-bata. Second, babae nga hindi niya pinapansin, kahit babae na yung lumalapit at nagpapansin sa kanya. Kaya ikaw, wag ka puro tulog sa umaga dahil nanaginip ka ng malabo." mabang wika ni Danica kay baks, kaya napanguso nalang si baks. "Malay mo naman, girl. Baka ayaw na niya sa babae at ang gusto na niya ay binabae." wika uli ni baks, sabay tawa. "Hoy girl Hazel, okay ka lang? Parang tahimik ka ahh." tanong sa akin ni baks. Dahil sa totoo lang, natahimik ako sa mga pinag-uusapan nilang dalawa."Oo, okay lang ako. Nagugutom lang ako. Hindi pa tayo nagdi-dinner. Anong oras na, oh." sabi ko nalang. "Oo nga noh, malapit na pala mag-9pm." wika ni baks, sabay tingin sa relo niya. "Oh, I'm next. Jan lang kayo, mabilis lang ito." wika ni Danica dahil siya na ang susunod sa pila ng mga nagwi-withdraw. "Bilisan mo, girl. Kanina pa tayo dito, nakakagutom." reklamo ni baks. "Sige, after nito kain muna tayo bago mag-ikot sa mall." sagot naman ni Danica at tumayo na siya para mag-withdraw.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

MAGDALENA (SPG)

read
31.5K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

His Obsession

read
105.0K
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
104.5K
bc

HIDING MY BOSS' HEIRS | SPG

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook