CHAPTER-2

2208 Words
**Hazel's POV** 11:45 PM kinuha ko sa may bag ko ang cellphone ko ng mag ring ito, nang makita ko na si Danica ang tumatawag ay agad ko naman sinagot. "Hi beshie asan ka?" Masiglang tanong sa akin ng kaibigan ko sa kabilang linya ng sagotin ko ang tawag nito. "Nasa labas ng moon's bar kaka-out ko lang, bakit?"Tanong ko naman rito. "Well may trabaho tayo bukas." Sabi naman niya. "Nice to hear that, so anong trabaho yan beshie?" Tanong ko sa kanya. "Isang model fashion beshie." "Ohh so sino itong model na ito?" Kunot noong tanong ko. "Well the only one Alexa Ruccero beshie and take note kinausap ako ng manager niya na baka daw pwede tayong makipag contrata sa kanila for 2 years." Wika ni Danica. Alexa Ruccero is a famous model fashion, kilala siya ng lahat dahil siya lang naman ang nag momodel ng iba't ibang sikat na brands outfit sa pilipinas, and also she's model ng mga sikat na mga designer, minsan nga ay kinukuha rin siya mag model sa labas ng bansa. "Sa akin wala naman problema beshie basta kasama kita then why not."Wika ko naman. "Your so sweet beshie, and kakausapin kona rin si baks, dahil ang sabi nag hahanap din daw sila ng make artist, so i'm going to ask baks kung gusto nya, para sama sama na tayong tatlo sa isang trabaho, so now bye muna at tatawagan kolang si baks!" Mahabang wika ni Danica. "Sige beshie bye!" Tugon ko. At binaba kona ang tawag. Pagka tapos namin mag usap ni Danica ay pumasok na ako sa kotse ko para makauwi narin dahil mag aalas dose narin ng gabi, almost 20 minutes ang binabyahe ko mula sa moon's bar hanggang sa bahay, pero pag traffic minsan inaabot na ako ng 30 to 35 minutes. Pagdating ko sa bahay ay naabotan ko si mama na kausap si papa sa skype, yes skype dahil nasa ibang bansa si papa at engineer siya doon. Si mama naman ay accountant pero pinatigil siya ni papa sa kanyang work dahil malaki naman daw ang sahod niya sa singapore, and me bilang photographer at bartender ay nakatapos din ako ng course na nursing at lisensyado ako bilang nurse, ayuko lang muna mag take ng trabaho bilang nurse dahil mas fashion ko ang pagiging photographer, and i'm also nature photographer, kaya minsan pag wala kaming trabaho ni Danica as together ay nag ha-hiking ako mag isa sa iba't ibang lugar para lang kumuha ng magandang picture ng mother nature. Sa moon's bar kasi ay every weekend lang ang pasok ko doon, minsan nga ay hindi pa ako pumapasok buti nalang at kakilala ko rin ang may ari kaya walang problema, parang raket ko lang din kasi ang pagiging bartendern ko. "Hi pa!" Bati ko sa papa ko na nasa video call at tumabi pa ako kay mama sa inuupuan nyang sofa. "Hi baby how are you?" Dad ask me. "I'm good pa, how about you? how's your work?" I ask him back. "Ayos lang anak ito namimiss kona kayo ng mama mo." Sagot ni papa at nalungkot pa ang mukha niya. Ako naman ay napatingin kay mama na malungkot na din, dalawang taon narin kasi hindi nakaka uwi si papa. "Kailan kaba magbabakasyon dito pa?" Seryoso kong tanong. "Sa susunod na taon pa anak." "Next year? eh kaka-bagong taon lang pa, february palang ngayon." Wika ko kay papa. "Ganon talaga anak marami kasing trabaho si papa dito kaya busy talaga." Wika naman ni papa "Bakit kasi pumunta pa kayo jan pa, Okay naman tayo dito, i finish my school now, and mama also she have a good work and you too also, so you dont need to be a workaholic pa, please come back here, wala naman tayong mabigat na problema para lumayo pa kayo." Seryosong sabi ko kay papa. "Don't worry baby isang taon lang at uuwi na ako and promise hindi na ako aalis ulit pag maka uwi ako." Wika ni papa kaya nagka tinginan kami ni mama ng may kasamang matamis na ngiti. "Talagang dito ka lang nakikinig sa anak mo". Wika naman ni mama kay papa. "Pa i have to go, inaantok na po ako." Paalam ko sa papa ko. "Okay baby goodnight." Wika ni papa sa akin. "Take care pa. miss you, love you." Malambing na sabi ko sabay flying kiss kopa sa kanya. "I love you too, miss you both." Wika ni papa at nag flying kiss din ito sa amin dalawa ni mama. "Goodnight ma." Wika ko sa mama ko at hinalikan kona siya sa pisngi niya. "Goodnight dear, sweet dreams." Tugon ni mama sa akin. Pagka pasok ko ng kwarto ko ay binagsak ko ang likod ko sa may kama ko at i-dinipa ang dalawang kamay ko, nilibot ko ang mga mata ko sa loob ng kwarto ko natutuwa ako pag nandito ako sa loob ng kama ko pakiramdam ko kasi nasa loob ako ng gubat dahil naka palibot lang naman sa pader ko ng kwarto ko ang lahat ng kuha kong litrato na puro mother nature sa pag hahiking ko. 5:20am ay ginising ako ng isang tawag, sobrang antok pa ako dahil late narin ako natulog kagabi, wala pang 8hours ang tulog ko, kinuha ko ang cellphone ko sa may table sa tabi ng kama ko. Pambihira naman ang Ricardo na ito ohh ang aga tumawag. Bulong ko sa aking sarili. "Ricardo ano ba ang aga aga pa!" Reklamo ko agad ng masagot ko ang tawag ni baks. "Ang aga aga din sinisira mo ang araw ko girl." Asik nito dahil hindi niya nagustohan ang pag tawag ko sa kanya ng Ricardo. "Bakit ba ang aga mong tumawag? Wala pang 8hours ang tulog ko baks?" Reklamo ko ulit sa kanya. "Naku irl bumangon ka jan at nasa labas ako ng house nyo, tara na jogging tayo" Wika nito, nasa iisang village lang kasi kami ni baks kaya magkalapit lang ang bahay namin. "My god pwede ba bukas nalang baks antok pa talaga ako." wika ko. "Ayy no girl nandito na ako sa labas ng bahay niyo kaya go na bangon na." "Bwesit ka talaga Ricardo, kung bakit ba kasi nasa iisang village pa tayo, kailan kaba lilipat ng hindi mo ako na iistorbo." Pagbibiro ko sa kanya Maya maya pa ay bangon na ako para samahan ang baklang nasa labas. "I'm sorry girl dahil forever nato kaya bilisan mona jan." Wika ng baklang palaka. "Ito na Ricardo sandali lang at magbibihas lang ako ng pang jogging ko"Asik ko kay baks. "Girl parang awa mona tigilan mo ako sa kakatawag mo ng Ricardo sa akin, masyadong brutal promise." asik ni baks sa akin. "Sige na bye hintayin mo ako jan sa labas." Wika ko kay baks sabay baba ko sa cellphone. "Ang aga aga baks!" Iritang wika ko kay baks ng maka labas ako ng bahay, ang bakla naka pink pa ang outfit pang jogging. "Hay naku girl alanganin naman na mag jogging tayo ng tanghaling tapat, nakaka loka yon noh, mag isip ka nga" Tugon naman ni baks sa akin. "Sa susunod pwede ba lumipat kana ng bahay mo lagi mo nalang ginugulo ang tulog ko." Iritableng wika ko parin sa kaibigan ko habang nag jogging na kami. "Ayos lang naman lumipat ako girl basta bigyan mo ako ng bahay, o di kaya buhatin mo yung bahay ko tapos ilipat mo sa mars, pag nagawa mo yon forever na matatahimik ang umaga mo." Pang aasar na sabi naman ni baks at tumawa pa ang bakla na para bang demonyo, kaya binatokan ko siya. "ARAYYY!! girl ano ba naman yan?" Reklamo ni baks at napa kamot pa sya sa batok niya. "Pupunta kaba kay Danica ngayon?" Tanong ko kay baks, pero ang lokong bakla hindi maka sagot dahil naka tingin lang naman sa mga lalaking nakaka salubong namin na nag jojoging din, dahil naka tingin din naman ito sa amin. Well alam ko naman na ako ang tinitignan nila, asa naman tong baklang ito na siya ang tinitignan, eh sa araw araw namin nag jojoging eh ganito lagi ang eksena, naka jogging outfit din naman ako na kulay black na jogging pants at white sando na may towel pang naka sabit sa balikat ko and with white garter hairband. "Hi Hazel!" Bati sa akin ng naka salubong namin ni kaks pero hindi ko man lang ito tinignan, at si baks nalang ang nag wave hand rito. "Grabe ka girl ang gwapo na non pero hindi mo man lang pinansin." Bulong sa akin ni baks, maya maya pa ay huminto ako kaya napa hinto rin si baks at humarap ito sa akin kaya pinitik ko ang tainga niya. "ARAY!!! girl" Daing ni baks matapos ko pitikin ang tainga niya. "Narinig moba yung tanong ko sayo?" Mariing tanong ko kay baks. "Ano ba yon girl." Tanong pa ng baklang palaka dahil hindi nga niya narinig ang tanong ko sa kanya kanina. "Ang sabi ko kung pupunta kaba ngayon kay Danica?" Ulit ko sa tanong kay baks. "Hindi ko sure girl dahil may me-make-up'an ako mamayang 3pm."Sagot ni baks sa akin. "Nakausap kana ba niya tungko kay Alexa Ruccero?" Tanong kopa kay baks, habang nag jogging na ulit kami. "Oo girl" Maikling sagot nito. "So ano daw mag kakasama ba tayo sa trabaho tatlo kay Alexa?" Tanong ko muli. "Oo girl pero sina-suggest ko kay girl Danica na wag nalang mag contrata, mahirap na." Seryosong wika ni baks kaya napa hinto uli ako at maging siya ay huminto rin at humarap sa akin. "Anong ibig mo sabihin bakla?" Tanong kopa sa kanya. habang nagpupunas ako ng pawis sa may batok at leeg ko. "Knowing Alexa Ruccero, mayabang, maarte plus walang maka sundo sa mga nagiging photographer niya at sa mga make up artist, kaya ayuko ng may contract girl lalo na kung kay Alexa, at least pag ako inano nya pwede ko siya gantihan. " Mariing wika ni baks at tinaas pa ang isang kilay. "Baka nagiging judge mental ka lang bakla, eh hindi mo pa nga siya nakakasama sa trabaho." Sabi ko rito. "Hello girl gumagamit kaba ng social media?" Tanong sa akin ng bakla. "Minsan!" Maikling sagot ko sabay upo sa may gilid kung saan may upuan na pang dalawang tao at umupo naman sa tabi ko si bakla. "Kaya naman pala eh, check mo social media niya makikita mo doon karamihan puro bad comment sa kanya." Baks said. "At talagang ginawa mo pa akong stalker." Saad ko sa kanya. "Baklang tohh, Hindi naman noh sinasabi ko lang sayo para aware ka kung sino ba yong makaka sama natin sa trabaho." "Wala akong pakialam sa kanya basta wag lang din niya ako pakialam pag maka trabaho ko siya at lalong wag niya gagamitin ang ugali niya sa akin kung totoo nga yang sinasabi mo, dahil hindi ako nag papa-api wala sa vocabulary ko ang magpa-api," seryosong wika ko kay Baks. "Kaya nga yes na yes ako kay Danica ng kausapin niya ako. Kasi alam kung nanjan ka, and knowing you hindi nag papa-api, pero ayoko parin makipag contrata sa manager ng babaeng yon girl," wika naman ni Baks, alam kasi nila ni Danica na ang pinaka ayaw ka sa lahat ay apiin ako o isa sa kanila na kaibigan ko. "Anong sabi ni Danica nong sabihin mong ayaw mo ng contrata?" tanong ko pa muli kay Baks. "Well, kakausapin daw niya ang manager ni Alex. Kung pwede daw na wala nalang contrata, kaya pag maaga ako matatapos sa gagawin ko mamaya pupunta ako ng condo niya, you want to go with me?" tanong nito. "Sige tawagan mo ako kung pupunta ka, sasama ako." Saad ko kay baks at tumayo na para bumalik sa bahay dahil mataas narin ang araw, at sumunod naman sa akin si baks. "Sige girl kotse ko nalang gamitin ntin, puntahan kita mamaya sa bahay nyo pag sure ng makaka punta ako." Sabi nito, minsan kasi pag sabay kami pumupunta sa condo ni Danica at ay iisang kotse lang ang sinasakyan namin, kundi kotse ko ay kotse niya dahil magka lapit lang naman ang bahay namin. Nang makarating kami sa tapat ng bahay namin, nagpaalam na rin siya para umuwi. Dahil wala naman akong gagawin ngayong araw, balak kong pumunta sa paborito kong lugar sa river park sa labas ng village, kung saan may malawak na ilog at pasyalan din ng ilang taga-rito sa loob ng village. Hilig ko kasi tumambay sa tawid ng ilog na 'yon dahil tahimik at medyo magubat pero safe naman dahil may ilang taga-bantay doon. Wala masyadong nagpunta roon dahil baka daw delikado, lalo't may ilang puno na naglalakihan. Natatakot lang naman sila dahil medyo madilim sa parte na iyon, pero kung susubukan ng iba ay makikita nila kung gaano kaganda sa parte ng river park na 'yon. Sabi pa nga nila ay may ilog pa sa dulo ng gubat na iyon pero pinagbabawal pumasok doon; ewan ko lang kung bakit. Minsan na akong nagpaalam sa isang taga-bantay doon pero hindi ako pinayagan na pumasok. Tuwing pupunta ako roon, lagi na lang akong nakikiusap kung pwede akong pumunta, pero ayaw talaga akong payagan. Mamaya, susubukan kong muli magpaalam pag pumunta ako roon at baka sakaling payagan na ako ni kuyang taga-bantay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD