**Hazel's POV**
"Kuya baka naman pwede niyo na akong payagan na masilip itong dulo ng gubat?" Pakiusap ko kay kuya na taga bantay. Dahil nandito ako ngayon sa tawid ilog ng River park.
"Ma'am ganda hindi nga po pwede lalo na ngayon privite property na po yon!" Wika sa akin ni kuya, kaya nangunot ang noo ko.
"Privte property?" Ulit ko sa sabi ni kuya, dahil hindi ako maka paniwala na naging privite property ang dulo ng gubat na ito. Ang alam ko kasi bawal lang dahil baka mapanganib kasi magubat na masyado sa loob.
"Oo ma'am ganda may bumili raw kasi ng property na yon kaya lalong bawal na pasokin, kaya hindi ko po kayo pwedeng payagan dahil ako rin ang nautosan na magbantay dito para walang makapasok sa loob." Pagpapa liwanag ni kuya sa akin.
"Kahit 5 minutes lang kuya kukuha lang ako ng ilang picture." Pakiusap kopa ulit kay kuya.
"Sorry talaga ma'am ganda." Malungkot na wika ni Kuya.
"Sino po ba ang naka bili ng lugar na yom kuya?" Tanong ko kay kuya.
"Hindi ko rin po alam ma'am ganda, pero nakita ko siya nong isang araw mukhang binata pa, at ang alam ko bagong uwi siya dito sa pilipinas, galing daw kasi ng america." Sagot naman ni kuya at napa tango nalang ako.
Bakit naman pag iinteresan ng taong yon ang dulo ng gubat na ito? tapos ayon kay kuya binata pa daw, sino kaya siya? Bulong ko sa aking sarili.
"Sige kuya salamat po una na ako." Paalam ko kay kuya Bert.
"Sige ma'am ganda ingat po, pasensya na po ulit!" Malungkot na wika ni Kuya dahil hindi ako napag bigyan, matagal na kasi ako nakikiusap sa kanya na baka pwede ko masilip ang dulo ng gubat pero hindi niya ako mapag bigyan. At naiintindihan ko naman yom dahil ginagawa lang naman niya ang trabaho niya.
"Okay lang kuya, pero ito number ko tawagan mo ako kung dumalaw dito yung may ari ng property sa kanya ako mismo mag papaalam para masilip ko yong loob." Masayang wika ko kay kuya bert at inabot ko sa kanya ang calling card ko, hindi talaga ako titigil hanggat hindi ko nakikita ang loob at dulo ng gubat na ito.
"Sige ma'am ganda tatawagan kita agad." Masayang tugon naman a ni kuya bert sa akin, at tuloyan na akong nag paalam sa kanya, sumakay narin ako ng bangka patawid sa may park kung saan may mga ilang taong namamasyal din doon.
"Salamat kuya Jojo." Pasasalamat ko kay kuya Jojo ng maihatid niya ako sa park, inabotan korin sya ng bayad ko. Si kuya Jojo ay suki niya ako pagdating sa pag tawid sa ilog, mga apat siguro sila dito na taga sagwan ng bangka papunta sa tawid ng ilog, may mga ilang namamasyal din kasi dito na gustong pumunta sa tawid para mamasyal mga nasa 45 years old na rin itong si kuya Jojo na sa tingin ko ay kaedad niya rin si kuya bert na taga bantay sa gubat.
"Salamat din ma'am Hazel. Ano naka pasok kaba sa dulo ng gubat?" Tanong sa akin ni kuya Jojo, dahil alam na alam na niya na tuwing pupunta ako sa dito ay nakikiusap ako kay kuya bert na baka pwede ko silipin ang loob at dulo ng gubat sa tawid. Mag kaibigan din kasi si kuya Jojo at kuya Bert.
"Hindi nga po kuya Jojo." Malungkot na sagot ko kay kuya jojo.
"Naku ma'am Hazel, mas mahihirapan kana nyan na maka pasok pa doon, lalo na ngayon may bagong nag mamay-ari na. Sa tingin ko binata pa ang nakabili non mukhang galit pa sa mundo ang dilim kasi ng itsura." Saad na kuya Jojo habang hinihili niya ang bangka niya para itali.
"Pano niyo po nasabi kuya Jo?" Gulat na tanong ko kay kuya Jojo.
"Matagal karin kasi hindi naka pasyal dito ma'am kaya hindi mo rin nalaman agad na may naka bili na ng dulo ng gubat na gusto mong puntahan. Nong isang araw nga pumunta ulit ang naka bili non at may apat na kasama, basi sa mga itsura nila ay mukhang mga engineer pa, may balak ata mag patayo ng bahay sa loob eh mukhang napaka yaman din ng binatang yon." Mahabang wika ni kuya Jo,
"Pano mo naman nalaman na binata nga yon kuya Jojo?" Tanong kopa kay kuya jojo habang tinatali niya ang bangka niya.
"Narinig ko kasi doon sa kasama nyang engineer ma'am, sa bangka ko kasi sumakay yong isang engineer at yong bumili ng dulo ng gubat, siguro mga kaedaran mo siya ma'am Hazel. Tinawanan pa nga siya nong engineer kasi daw bakit daw siya mag papatayo ng bahay sa loob ng gubat." Mahabang wika ni kuya jojo, at napa tango tango nalang ako, buti nalang talaga may pagka daldal itong si kuya Jojo kaya nakwento niya sa akin.
Ang weird naman ata ng lalaking yon Bulong ko sa aking sarili.
"Sige po kuya Jojo mauna na ako salamat uli." Paalam ko kay kuya Jojo at naglakad na ako paalis dahil 5pm na ng hapon.
"Sige ma'am Hazel ingat." Hiyaw sa akin ni kuya Jojo at tinaas kolang ang isang kamay ko bilang tugon sa kanya.
Habang nag lalakad ako pauwi sa bahay ay hindi ko alam kung bakit hindi mawala wala sa isip ko yong mga na kwento sa akin ni Kuya Jojo. Dahil nasa malapit naman sa labas ng village ang river park ay hindi na ako gumamit pa ng sasakyan ko.
Papaano kaya ako makaka pasok sa gubat na yon? ngayon bago na ang nag mamay ari non. Bulong ko sa aking isip.
PEEP
PEEP
PEEP
Nagulat ako ng bigla may sunod sunod na bumosina na sasakyan sa may gilid ko
"Bwesit ka Ricardo." Mariing wika ko kay baks dahil siya lang naman ang bumosina sa akin.
"Yuckkk girl" Diring diri na wika ni baks dahil sa pag banggit ko ng pangalan niya.
"Alam mo malayo palang tanaw na tanaw kona na malalim ang iniisip mo girl, hulaan ko galing ka sa tawid ng piver park at hindi ka pinayagan ni kuya bantay na maka pasok doon sa gusto mong pasukin na gubat noh?" Wika ni baks habang mabagal niya pinapa takbo ang kotse niya dahil sumasabay siya sa lakad ko. Alam na alam kasi niya pag wala akong gingawa nandoon ako sa river park pag hapon, minsan kasi pag wala kaming ginagawa ay dalawa kaming pumupunta doon.
"Ganon na nga." Malungkot na sagot ko kay baks, at hindi kona lang sinabi na may bagong nag mamay ari na ng gubat na yon.
"Sabi na nga ba," Wika naman nito.
"Tuloy ba tayo kay Danica ngayon?" Tanong ko kay baks at nilingon ko siya.
"Yes girl uwi lang ako para maligo dahil hagard na ang beauty ko, susunduin kita after." Wika ni baks sa akin at tumango lang ako.
"Okay Seeya later girl" Paalam ni baks at mabilis ng pinatakbo ang sasakyan niya, sakto naman sa pag tapat ko sa bahay namin dahil ang lokong bakla hindi man lang ako inalok na sumakay.
"Anak nanjan kana pala halika kain tayo!" Alok sa akin ni mama ng makapasok ako sa bahay, nasa sala siya nanonood ng TV habang may pagkain sa lamesa na chocolate cake at juice.
"Hindi na ma, pupunta pa kami ni baks kay Danica" Wika ko kay mama.
"Bakit may trabaho ba kayo?" Tanong sa akin ni mama.
"Pag uusapan pa namin ma kung tatanggapin namin, ito kasing si baks umaarte dahil si Alexa Ruccero ang makakasama namin kung sakali" Sagot ko kay mama.
"Yung sikat na model? Sa bagay maraming haka haka sa model na yon dear. Hindi daw maganda ang ugali anak, kaya maiging pag usapan niyo nga ng maayos yan." Wika ni mama.Hindi na ako mag tataka kung bakit alam ni mama ang tungkol sa haka haka na yon dahil mula ng umalis si papa ay natutu syang mag f*******: minsan kasi sa masseger sila nag uusap ni papa kaya ginawan ko siya ng sarili nyang account. Kaya pati si papa ay ginawan kona rin, nakakatuwa nga dahil si papa, ako at si mama lang ang friend, tapos si mama naman ay si papa at ako lang din ang friend,
kung gaano ako kamalas pag dating sa mga naging boyfriend ko noon ay ganon naman ako kaswerte sa mga parents ko, kaya nga minsan hindi ko maiwasan mainggit kay mama, paano si papa yung first love ni mama tapos ito na rin yong last love niya, samantalang ako naka dalawang boyfriend na wala pa rin.
"Hay naku ma, kaka-f*******: niyo mas update pa kayo sa akin. Wag kasi kayo mag like ng mag like sa mga page na yan kung ano ano tuloy ang nalalaman niyo at nababasa niyo. Isa pa hindi naman po tayo sure ma, kung totoo ang mga nasa comment na yan, mamaya nakaka husga na tayo ng tao tapos hindi naman pala totoo." Saad ko kay mama. Itoo ang pinaka gusto ko kay mama open kami sa isa't isa, kaya kong sabihin sa kanya kung ano yung gusto kong sabihin, lalo na pag may dinadamdam akong mabigat sa loob ko sa kanya ako unang tumatakbo, napaka supportive din niya sa lahat ng gusto ko, kaya nga nong lokohin ako ni Kenneth ay hindi ako nahirapan na kalimutan siya dahil sa pag alalay ni mama sa akin at pagbibigay niya ng payo sa akin. Oo nasaktan ako at halos mag wala ako araw araw dahil sa bwesit kong ex pero dahil sa mga payo ni mama naging matatag ako at natutu akong tanggapin ang lahat sa amin ni Kenneth. Ika nga ni mama maigi nga yong maaga palang ay nalaman ko kaagad na hindi siya ang lalaking karapat dapat para sa akin, hindi man daw ako tulad niya na first love palang niya ay nakita na agad niya ang lalaking karapat dapat para sa kanya ay naniniwala naman siya na wala sa first o second yan baka nga daw nasa third pa yong lalaking karapat dapat para sa akin.
Ang problema nga lang hirap na ako buksan ulit ang puso ko para mga lalaking nagkaka gusto sa akin.
"Ano kaba anak hindi ko naman siya hinuhusgahan sinasabi kolang yong mga nababasa ko, nga pala doon ba kayo matutulog ni Rica?" Tanong sa akin ni mama.
"Hindi kopa alam ma, tatawagan nalang po kita kapag doon kami matutulog ni baks." Sagot ko kay mama. Dahil minsan kasi ay doon kami natutulog ni baks sa condo ni Danica, minsan nga ako lang mag isa ang natutulog doon pag ayaw ni baks matulog doon, may mga damit rin kami ni baks na naka stock doon para kung doon kami matutulog hindi na namin proproblemahin pa ang isusuot namin. Malaki kasi ang condo ni Danica at may tatlong kwarto.
"Sige basta tumawag ka kaagad huh!" Bilin sa akin ni mama.
"Oo ma, sige po at mag bibihis mona ako susunduin kasi ako ni baks dito, kotse kasi niya ang gagamitin namin." Paalam ko kay mama at bumeso mona ako sa kanya bago pumasok sa kwarto ko.
Sino kaya ang Mr Weird na yon? Tanong ko sa aking sarili na ang tinutukoy ko ay ang lalaking gustong tumira sa gubat na gusto kung puntahan pero hindi ko magawa gawa. Sana lang talaga ay wag akong makalimutan ni kuya Bert na tawagan pag pumunta ulit si Mr Weird doon, para makapag paalam ako ng personal, gustong gusto ko talaga na pumunta sa lugar na yon at makakuha ng kahit ilang picture lang, siguro naman papayagan ako ni Mr Weird wala naman masama sa gusto ko at gagawin ko.
"Kahit isang beses lang, isang apak lang sa lugar na yon at maka kuha lang ng ilang picture okay na sa akin yon." Wika ko sa sarili ko habang nasa tapat ako ng shower. Pagka tapos kong maligo ay agad na akong nag bihis.
Pantalon,robber shoes, sando na pinatungan ko ng red stripe na long sleeve polo, ganito lagi ang ayos ko dahil dito ako kumportable at naka lugay na buhok hanggang balikat kolang, at simpre ang camera ko na laging naka sabit sa leeg ko, at shoulder bag na tama lang ang laki para sa cellphone at wallet ko, hindi kasi ako mahilig mag make up kaya wala akong dala dala na make up sa bag ko, dahil para sa akin mas maganda ako pag walang make up, gumagamit naman ako ng make up pero pag may okasyon lang, hindi ko rin kailangan mag lipstick dahil natural na mapupula ang mga labi ko.