* *Hazel's POV* * "Grabe, naloka ako sa mga nalaman natin today," maarteng sabi ni Baks nang makapasok kami sa isang restaurant. Alas-nwebe na ng gabi, at naisipan namin kumain muna bago umuwi. "Sinabi mo pa, Baks," sagot naman ni Danica nang makaupo na kami. "Parang ayoko na makipagtrabaho sa kanya. Feeling ko, ito na ang huling trabaho ko kasama siya," sabi ni Baks. "Are you serious?" tanong ko kay Baks. "Oo naman, girl. Ang hirap kaya makasama siya," sagot ni Baks sabay senyas sa waiter. Isa-isa naming sinabi ang mga order namin nang makalapit na ito. "Ewan ko ba sa inyo, masyado niyong iniisip ang mga nalaman natin ngayon. Eh, wala na rin naman sa akin 'yun. At isa pa, hindi niya siguro alam na girlfriend ako ni Gabriel noong mga panahon na 'yun. Malay natin, isa rin siya sa mga

