Kahit nakauwi na ako ay hindi pa rin natigil ang kakaisip ko simula nang makita ko ang wallpaper ni Byron kanina. Nagklase na ako at lahat kanina ay tanging ‘yon lang ang nasa utak ko. Buong hapon ay wala akong ginawa kung ‘di ang maging lutang. Pinipilit ko ang sarili ko na makinig sa professor namin pero hindi ko naman magawa dahil lumilipad sa iba ang utak ko. Kahit noong nasa byahe din kami ni Byron papunta sa campus ay tahimik lamang ako. Hindi na rin naman ako kinausap pa ni Byron noon at nagpasalamat lang ako noong naihatid na niya ako sa room namin. Sobrang dami na ngayon ang bumabagabag sa akin. Kaya pala gano’n na lang ring ang pagtulong sa akin ni Byron. Hindi ko naman binibigyan ng malisya dahil akala ko ay dahil concern lang siya sa akin bilang kaibigan kaya nagagawa niya an

