bc

Cause Of Death

book_age16+
1.2K
FOLLOW
3.1K
READ
revenge
suicide
curse
badgirl
scary
cheating
horror
spiritual
model
selfish
like
intro-logo
Blurb

"Never cheat on someone who is good to you, karma will hit you real hard."

What will happen if someone dies because of you? Will you feel guilty? Sad? Scarlett Buenavidez brings scar and bad luck to their lives. Those men that died because of her will never let Scarlett be happy in her entire life. What is Karma? Let's find out!

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"Go, Scar! Yes girl, you got it!" "Party!!" Kahit sobrang lakas ng tugtog ng DJ ngayon dito sa bar ay rinig ko pa rin ang mga sigawan ng mga kasama ko rito ngayon sa Royal Club. Patuloy lamang ang pagsa-sayaw ko sa gitna ng dance floor habang pinapalibutan ako ng mga lalaki sa paligid. Gusto ko 'to, ang makuha ang mga atensyon ng maraming tao. Nang mapagod ay bumalik ako sa table namin ni Ashley, ang nag-iisang bestfriend ko.  "Ano? Napagod ka na?" bungad niya sa akin saka ako inabutan ng shot. Tinaasan ko siya ng kilay saka umupo at ininom ang inabot niya. "How about you? Akala ko ba sasayaw ka, pero hindi mo naman ako sinamahan sa gitna," kunwari ay tampo na sambit ko. "Sinamahan kitang sumayaw sa dance floor pero wala akong sinabi na sasamahan kita sa gitna mismo, ano! Nakakahiya, ang dami pang nakapalibot sa iyo na lalaki walang hiya ka talaga." Natawa na lang ako sa mga pinagsasabi niya. Actually, pinaalam ko lang talaga si Ashley sa parents niya ngayon para lang masamahan ako dito. She's also a party girl but not as wild as I am. This was the first time na makapasok siya sa ganitong klaseng club. Umiinom lang kami before sa mga normal bar, without DJ and dance floors. Her parents was so strict na mapapa-sana all na lang ako dahil ang parents ko ay hindi gano'n. Hinahayaan lang naman nila ako na gawin ang lahat ng gusto ko. Kahit saan man ako pumunta, uminom man ako magdamag, mag-lakwatsya, mag-lagas ng pera, ay wala pa rin silang pakialam. Masaya naman dahil hindi ko nararanasang masakal sa mga magulang ko, besides I am an only child kaya spoiled.  "Just have some fun, Ash. Tumingin ka sa paligid, maraming gwapo rito kaya mamingwit ka na," pang-aasar ko sa kaniya. "Anong oras ba tayo uuwi? May klase pa talaga tayo bukas." I rolled my eyes, "Ano ka ba, don't worry about it. Three in the afternoon pa ang class natin kaya pwede tayong umuwi mamaya mga three AM." Napailing na lang siya at hindi na pumalag pa. Alam naman niya na susulitin talaga namin ang party na 'to hanggang sa mag-close ang club.  First year college pa lang kami at kasisimula pa lang ng pasukan namin last month. We are taking up a BS tourism management course. We've been friends since highschool kaya close na close na talaga kami ni Ash na hanggang college ay magkasama kami.  Kumuha ulit ako ng shot ko at tumingin sa paligid. Sobrang daming tao ang nagsasaya sa dance floor. Ang iba ay basa na ang mga suot na damit dahil sa alak na natatapon sa kanila at ang iba ay dahil sa pawis. Solid ang tugtugan ng DJ at ganitong party talaga ang masarap puntahan. Nilibot ko ang paningin ko sa bawat table sa buong lugar, naghahanap ng target. Tumayo ako nang makita ang gusto ko. "Ano? May nahanap ka na? Ikaw talaga, hindi pwede na wala kang lalaki na mabingwit sa tuwing pupunta ka sa mga bar!" sigaw sa akin ni Ashley. Tinungga ko ang huling shot saka siya kinindatan, "Well, you know me. Bye girl, I'll see you later!" Hinalikan ko siya sa pisngi saka nilapitan ang lalaking nakita ko sa kabilang table kanina. Sakto ay may dumaan na waiter at may dalang wine kaya kumuha ako ng dalawa saka tinignan ang lalaking natipuhan ko na papalapit sa waiter. Mabilis kong inabot ang hawak kong baso, "Would you mind if you take mine?" tila nang-aakit na tanong ko. Napangisi siya saka kinuha ang baso na hawak ko, "Sure, no problem."  Tumingin ako sa baba kung saan maraming nagsasayawan. Inaasahan ko nang hindi siya aalis sa tabi ko kaya naman nakisilip rin siya sa baba at mas lalong dumikit sa akin. "So, what's your name cutie?" tanong niya. Nilingon ko siya saka nginitian, "You can call me baby if you want," pang-aasar ko. Natawa naman siya sa sinabi ko, "Aggressive huh." "Scarlett Buenavidez at your service." Inilahad ko ang kamay ko sa kaniya saka niya ito tinanggap para makipag-shakehands. "What kind of service can you offer, hmm?" Bahagya akong napailing dahil sa kalokohan niya, "What's yours?" "Paul Medina, it's an honor to meet you." Umakto siya na makikipag-cheers sa akin ng baso kaya inilapit ko ang baso ko sa baso niya para mag-cheers. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid dahil nakaramdam ako nang pagka-bored kay Paul. Nang may nakita akong gwapong lalaki sa dance floor ay mabilis kong tinalikuran si Paul ngunit hinawakan niya ang kamay ko. "Hey, saan ka pupunta?" tanong nito. Pilit akong ngumiti, "I will just go to my friend. See you later," paalam ko. Akala ko ay pakakawalan na niya ako ngunit hindi niya binitawan ang kamay ko. "Yes?" inosenteng tanong ko sa kaniya. "Can we talk first? Punta tayo sa tahimik na lugar," aniya. Natawa ako saka inalis ang kamay ko na hawak niya, "Sorry, but that's not my style. Got to go!" Tumakbo na ako palayo sa kaniya para hindi na niya ako mapigilan pa. Hindi ko trip ang mga ganoong lalaki, masyado silang agresibo. Kahit papaano ay namimili ako ng mga lalaking lalandiin ko 'no. Bumaba ako at hinanap sa dance floor ang lalaking nakita ko kanina. Pinapalibutan siya ng mga babae ngayon kaya naman mabilis akong nakisiksik sa kanila at umaktong sumasayaw. Nang nasa harapan na ako nung lalaki ay napatingin siya sa akin. Hinawakan niya ang baywang ko kaya nakagat ko ang labi ko. Dahan-dahan niyang inilapit sa akin ang mukha niya, natuwa kaagad ako sa naisip na posibleng mangyari.  Pinikit ko ang mga mata ko saka hinintay ang gagawin niya ngunit isang bulong ang narinig ko. "You are not my type miss, I'm sorry." Hindi ako kaagad nakagalaw sa sinabi niyang 'yon. Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Umalis siya sa dance floor kaya mabilis ko siyang sinundan. Hinawakan ko ang braso niya saka pwersahan siyang iniharap sa akin. "Tell me, you don't mean that do you?" Tinaasan ko siya ng kilay, "Sorry, but yeah I really mean it. Maraming lalaki rito, Miss. Pwedeng sila na lang ang guluhin mo." Iiling-iling niya akong tinalikuran kaya sinamaan ko siya ng tingin.  Padabog akong pumunta sa pwesto namin ni Ashley saka uminom ng alak. Gulat naman ang mukha ni Ashley nang laklakin ko ang isang bote, "Hoy, hoy! Anong ginagawa mo? Hindi kita kayang iuwi kapag nalasing ka!" awat niya sa akin. Hindi ko siya pinansin at padabog na nilapag ang bote sa lamesa. "Ugh! This was the first time someone rejected my beautt! Like, what the hell? Is he gay?!" sigaw ko. Gusto kong ilabas ang inis ko ngayon. Umupo ako at hinarap si Ashley, "Sino ba? Nireject ka? Anong nangyari?" sunod-sunod na tanong niya sa akin. "Hell, yeah! He rejected me. Hinawakan niya ang baywang ko and I thought he was about to kiss me, pero binulungan niya lang ako! He said that I am not his type, tss. Bading siguro 'yon. Imagine, he rejected my pretty face? Ugh, damn him!" Nakita ko si Ashley na sinesenyasan akong huwag maingay habang nagsasalita ako. May tinitignan siya sa likod niya at para bang natataranta siya na ewan. Anong nangyayari rito? Tinaasan ko siya ng kilay, "Anong meron?" "Huwag kang lilingon." Huli na ang lahat dahil nilingon ko na kung ano ang tinitignan niya sa likuran ko. Halos magsisi ako dahil hindi ko pa siya sinunod. Nakita ko roon na nakatayo at nakangisi sa akin ang lalaking tumanggi sa akin kanina! Sa itsura ng mukha niya, halatang narinig niya ang kung ano mang sinabi ko kay Ashley. "Bading pala ha..."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Possessive Boss (R18+ COMPLETED)

read
5.3M
bc

OWNED BY THE BILLIONAIRE'S BODYGUARD: MATTHEW MONDRAGON

read
51.7K
bc

Pregnant By The Ultimate Womanizer (Tagalog/Taglish)

read
598.7K
bc

POSSESIVE MINE

read
971.9K
bc

The Innocent Wife

read
3.4M
bc

MELISSE: The broken wife ( TAGALOG) (Completed)

read
216.8K
bc

College Series 1 : Feisty Friday (R18 Tagalog)

read
186.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook