Chapter 2

1173 Words
Hindi ako nakakilos kaagad nang makita ko siya sa likod pero kalaunan ay naka-recover rin ako. "Why? Am I wrong? You rejected me, kaya ano sa tingin mo ang iisipin ko tungkol sayo?" mataray na tanong ko. Nilapitan niya ako at katulad kanina, inilapit niya muli ang mukha niya sa akin. "Bakit? Hindi ba pwedeng ayoko lang talaga sa pustura at mukha mo? Matuto kang tumanggap ng rejections dahil hindi naman lahat ay magugustuhan ka." Tinapik niya ang balikat ko na para bang nagbibigay siya sa akin ng advice. Inis ko 'yon na inalis at sinamaan siya ng tingin. "Gay!" sigaw ko pa pero hindi na niya ako pinansin at nagdere-deretso palayo sa amin. "Hayaan mo na siya, nasaan na ba 'yung lalaki na nakita mo kanina?" tanong ni Ashley. "Ayoko do'n, masyadong manyak ang datingan. Sayang ang ka-gwapuhan kung ganoon naman ang ugali," sagot ko. Nag-inom na lang kaming dalawa dahil tutal, pagod na rin ako kakasayaw sa dance floor. "Tama 'yan, lumayo ka na kasi sa mga lalaki. Mabubuhay ka naman kahit wala sila. Sarap kayang maging single." "I just want to have fun, Ash. Kilala mo naman ako, solong anak lang tapos wala pang time sa akin sila mom and dad. Ang boring ng buhay ko kaya dito lang ako sumasaya." Napabuntong hinga si Ashley sa akin, "Sabagay, bakit ba hindi pa ako nasanay sa ugali mo." Ganito lang ang buhay ko araw-araw. Kapag umaga ay nasa mall, sa hapon ay nasa campus dahil pang-hapon hanggang 8:00 ng gabi ang klase namin ni Ashley. Tourism students kami at first year college pa lamang. Si Ashley ang tinuturing kong kapatid ko dahil mag-kasundo kami sa lahat ng bagay. Alam niya rin ang tungkol sa lahat ng mga kagaguhan at kalandian ko sa buhay at open kami sa isa't-isa. Wala na akong iba pang kaibigan bukod kay Ashley. May mga nakakasama ako sa inuman ngunit hindi ko sila kinokonsidera na kaibigan. Sa gabi ay lagi akong nasa club o 'di kaya sa mga inuman basta may mag-aaya sa akin. Kinabukasan ay sobrang sakit ng ulo ko pagka-gising. Bumaba ako ng bahay at mabuti na lang, may naka-handa na agad na pagkain at pang-patanggal ng hangover ko. Wala na rin naman sila mom and dad sa bahay dahil nasa business na sila. Sobrang laki ng bahay namin pero napakatahimik. Tanging mga kasambahay lamang ang kasama ko, sanay na rin sila na kinabukasan ay may hangover ako kaya bago pa ako magising ay inihahanda na nila ang pagkain ko. Nag-ring any phone ko kaya tinignan ko kung sino ang tumatawag and it's Ashley, "What?" maarteng tanong ko. ["Ano, ayos ka na ba? May play tayo ngayon gaga ka, nasaan ka na? Baka balak mong pumasok ng ala-una mismo ng hapon ha?"] bungad niya sa akin. Napatingin ako sa orasan at alas-onse pa lang ng tanghali at 1:00pm ang unang klase namin. "Anong play ang sinasabi mo?" Hinilot ko ang sentido ko dahil nasakit pa rin ang ulo ko dahil sa hangover na nakuha ko dahil sa kakainom ng alak. Kasalanan 'to nung bading kagabi, dahil sa kaniya kaya napa-inom ako ng marami. ["Ikaw ang bida sa play na 'yon, ano ka ba! Saulo mo pa ba ang script mo, ha? Ayan alak pa more!"] "Ah, oo tanda ko na. Alam ko script ko, nakain lang ako ngayon tapos mag-aayos na ako bago pumasok. Chat na lang ako kapag on the way na ako." ["Sige, dalian mo kumilos! Basta bago mag ala-una e narito ka na." "Sure, bye." Pinatay ko na ang tawag saka ipinagpatuloy ang pagkain. Dahil seryoso na si Ashley, binilisan ko ang pagkilos ko. Dinala ko ang kotse ko dahil deretso party ako mamayang gabi pagkatapos ng klase. May dala akong pang-awra na damit pang club at inilagay iyon sa loob ng kotse ko. Nag-chat ako kay Ashley na papasok na ako. Mabilis lamang at naka-punta na ako sa classroom. Ang tangkad ko tapos ang taas pa ng heels ko na para bang rarampa ako sa stage. "Late ka na naman. Imbis na kanina pa sana tayo nakapag-prepare, pero dahil sayo nasayang lang ang oras namin. Ang usapan ay dapat 10:00am ay narito na ang lahat, maga-ala una na tapos ngayon ka lang dumating?" pagbubunganga ng leader ng grupo namin. Napairap ako, "Sino ba kasing may sabi na ako ang gawin mong bida sa play na 'to? Ako ba?" sarkastikong tanong ko. Kararating ko lang pero bumubunganga agad siya. Ganito naman ang mga kaklase namin ni Ashley, akala mo may nagawa akong kasalanan sa kanila at mukhang galit na galit sa akin. Kaya kami lang ni Ashley ang magkasundo, e. Mahilig rin gumawa ng issue ang mga kaklase namin. "Tss, let's start the rehearsal," sambit niya. Hindi na siya pumalag sa akin dahil alam naman niya na hindi ko ginusto maging bida. Pasalamat pa nga siya at sinaulo ko ang script na ginawa niya at uma-attend ako sa mga practice kahit na dapat nakikipag-party na lang ako no'n. Mayroon kami ngayong live role play kung saan labanan ng bawat section ng tourism students. Hindi naman sa pagmamayabang, pero sa tingin ng mga kaklase ko ay ako ang nangingibabaw ang ganda sa section namin kaya naman ako ang pinanglaban sa play na 'to. Ipapakita lang namin kung paano kami aakto bilang isang ganap na flight attendant in the future. Matapos ang rehearsal ay nagpalit na kami ng mga outfits namin na katulad ng mga flight attendants ngayon. Pumunta na kami sa gymnasium after mag-palit. "Kinakabahan ka ba? Sure ka ba na hindi mo makakalimutan ang mga lines mo? Grade nating lahat ay nakasalalay sayo dahil sayo ang spotlight!" Bahagya kong binatukan si Ashley dahil napaka-OA niya. "Duh, wala ka bang tiwala sa akin? I'm Scarlett Buenavidez! I can do everything. Relax, okay? Saulo ko ang lahat. Hindi ko rin gustong mapahiya ang sarili ko 'no!" "Mabuti naman kung gano'n. Ang ganda mo talaga sa uniform ng flight attendant. Tapos ang tangkad mo pa kaya mukha kang nagta-trabaho na talaga," puri niya sa akin. "Let's take a picture later," aya ko. Nang makarating sa gym ay marami nang tao. Ang mga college students from different courses ay nandoon pati na rin ang mga makakalaban namin. Iba't'-ibang kulay ng uniform ng FA ang makikita sa loob. Kulay dilaw sa section namin habang sa iba ay dark green ang uniform, may red din. Handang-handa na ang lahat ngayon. Una kaming magpe-perform kaya naman excited na ang lahat.  "Balita ko ay lalaki ang host ngayong araw," bulong sa akin ni Ashley, "Gwapo ba?" tanong ko. Nagkibit balikat lamang siya saka kami napatingin sa stage dahil umakyat na ang host na tinutukoy niya. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko kung sino ang host na 'yon.  "Good afternoon, everyone! I will be your host for today's event, let me introduce myself first..." tumigil muna siya sa pagsasalita at tinignan ako. Hindi ako pwedeng magkamali, sa akin talaga siya nakatingin ngayon. Ngumisi muna siya na para bang inaasar niya ako. "I am Byron Mediran, your host for today."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD