"Byron, huh," bulong ko. Bahagya akong pinalo ni Ashley, "Sis, ayan ba 'yung sinabihan mong bading kagabi? Gosh, ang gwapo pala talaga ano. Hindi ko masyadong natitigan ang mukha niya kagabi dahil madilim sa Royal Club pero hindi naman siya mukhang bading!" tila kinikilig pa na sambit niya.
"I don't care about his gender," inis na sabi ko. Natawa naman siya sa reaksyon ko, "Sus, ayan alam mo na pangalan niya. Byron Racasa daw. For sure, magiging target mo na 'yan," pang-aasar pa niya.
"You're wrong. He is not my type. Besides, hindi ako nagi-stay sa isang lalaki 'no. Na-gwapuhan ako sa kaniya kagabi because of alcohol, but now that I am normal nag-bago na ang isip ko." Hindi na ako pinansin pa ni Ashley at nakinig na lang sa host na si Byron.
"So today, we will witness the battle between these beautiful first year tourism students. I can't wait to see how will they act in their future jobs. Let's not waste any more time. Let us now welcome, BSTM one!"
Nagpalakpakan ang mga tao nang tawagin na ang section namin. Tumayo kami at nag-punta na sa stage. Aakto kami na nasa loob ng eroplano at ang iba kong kaklase ay magiging passengers tapos kami ang mga flight attendants. Ang ibang lalaki naman ay aaktong piloto. Ginawa namin ang mga safety drills na dapat malaman ng mga passengers. Dahil ako ang bida, halos ako lagi ang nagsasalita.
Nakakapagod dahil ang daming kailangan naming ipakita. Nang matapos ang performance namin ay nagpalakpakan ang mga tao. Bumaba kami ng stage saka bumalik sa pwesto namin. "May we call on the next contestant, BSTM two!"
Pagkasigaw ni Byron ng susunod na magpe-perform ay napansin kong bumaba siya sa stage at naglakad papunta sa pwesto namin. Umiwas ako ng tingin sa kaniya at itinuon ang tingin ko sa stage. Wala naman akong pakialam sa kaniya, kaya bakit ko siya papansinin. Nakita ko sa peripheral vision ko na sa pwesto namin siya nakatingin. Malapit ako sa dulong upuan kaya naman nilapitan niya ako.
"Snobber ka na pala ngayon?" tanong niya sa akin. Nanatili akong nakatingin sa stage at hindi siya pinansin. Baka mamaya hindi naman pala ako ang kinakausap niya, sabihan pa akong assuming. Narinig kong bahagya siyang tumawa, "Parang hindi tayo nagsayaw kagabi, a?"
Inis ko siyang nilingon, "Problema mo?" masungit na tanong ko. Kumuha siya ng isang bakanteng upuan at tumabi sa akin. "Wala akong kakilala dito e, gusto lang naman kitang kausapin."
"Well, ako ba tinanong mo kung gusto kitang kausap?"
"Ano ba ang gusto mo sa akin? Hindi pa ba sapat na nakakausap mo ako?" bakas sa tono ng boses niya ang pang-aasar. Tinaasan ko naman siya ng kilay.
"Wag kang feeling."
"Ikaw nga 'tong feeling kagabi na akala mo lahat magkakagusto sa'yo sa isang tingin lang." Kinunutan ko siya ng noo dahil sa kakulitan niya, "Pwede ba, umalis ka sa tabi ko. Gusto kong manood sa mga kalaban namin, istobo ka," taboy ko sa kaniya pero mas lalong siyang lumapit sa akin.
"Balita ko ay famous ka raw dito. Ano ang mangyayari kapag inakbayan kita dito ngayon?" Sinamaan ko kaagad siya ng tingin dahil sa sinabi niya, "Don't you even dare," banta ko.
"Why? Afraid, hmm?"
"You know what, hindi ko alam kung ano ang trip mo ngayon pero wala ako sa mood. If this is about what happened last night, I won't say sorry for saying that you're gay."
Hindi talaga siya nagpaawat at inakbayan niya ako. Inilapit niya ang mukha niya sa akin, hindi naman ako umiwas. Kinulbit ako ni Ashley nang makita ang agwat ng mukha namin kaya nilingon ko siya. Itinuro niya ang paligid, wala na pala sa stage ang atensyon ng karamihan ngayon dahil nasa aming dalawa na.
"Girl, 'wag ka dito magkalat. Baka nakakalimutan mo, nasa campus tayo at wala ka sa club," bulong sa akin ni Ashley. Inalis ko ang pagkaka-akbay sa akin ni Byron.
"Since our host is currently busy right now, let me be the one to be the host for now. Thank you for the wonderful performance from BSTM two, next is BSTM three!" Ang isang prof na namin ang naging host sa stage kaya napatingin ako kay Byron, "Great, I am already in the spotlight because of you."
"Ayaw mo no'n? Mas lalo kang sisikat dahil sa akin?" pang-aasar niya.
Narinig ko na ang mga bulungan ng mga kababaihan sa paligid namin. Issue na naman 'to!
"Grabe, hanggang dito sa campus may kalandian."
"Hindi ko na kinakaya ang kaharutan ni Scarlett. Walang pinipiling lugar."
"Baka akala niya nasa club or bar siya ngayon? What a low class girl."
Napairap na lang ako dahil sa mga narinig ko. Sanay na rin naman ako na ganyan sila. Iba na ang mga utak ng kabataan ngayon, lahat na ng bagay ay issue. Kahit walang mali sa kilos mo, gagawan at gagawan ka nila ng issue. Hindi ko alam kung bakit ba ganito sa Pinas, mukhang nagkamali si Rizal na ang kabataan ang pag-asa ng bayan. Dahil ang mga kabataan ngayon, imbis na nagtutulungan paangat sila pa ang naghihilahan pababa. Sigurado naman ako na narinig rin ni Byron ang mga sinasabi nila tungkol sa akin. Umayos siya ng upo at ngumiti sa akin, "See you again," paalam niya. Tumayo siya at umalis sa tabi ko.
"Grabe, close pala kayo no'n?" bulong ni Ashley. "Close? Nakita mo nga ang nangyari sa amin kagabi e, niloloko mo ba ako Ash?" inis na sambit ko. Nakakairita si Byron at nakakairita rin ang mga babae na narito. Masyadong ma-issue lagi, pakialam ba nila sa buhay ko?
"Aba, nagulantang din ako na bigla ka niyang inakbayan. Kakaloka kayo ha. Host lang siya kanina tapos naging instant boyfriend mo na." Hindi ko na lang pinansin si Ashley. Tumayo na ako at akmang lalabas na ng gym dahil tinatamad na ako manood nang marinig ko muli ang boses ni Byron na nasa stage.
"I'm back guys! I just want to clarify some things, Scarlett is my friend. No issues, please. I don't want to hear bad things about Scarlett, she's a nice woman. She doesn't deserve to be gossip like that, especially girls at the back. Don't make an issue about her moves, it's her life and not yours. You better shut your mouth if you want to save yourself."