“Bravo! I like your grand entrance earlier! I love how you made a strong first impression to everyone. You really deserve to be chosen as the representative of Mr. and Ms. Campus of District for this year. And I am so grateful to you for choosing me as your handler and accepting my offer. Come and have a seat.” Matapos akong ipakilala ni Jazz sa mga models kanina ay dinala niya na ako rito ngayon sa office niya. Umupo naman ako sa harapan ng lamesa niya saka inilibot ang paningin ko sa buong office niya. Ang mga mata ko ay dumako sa iba’t-ibang trophies na nakalagay sa paligid at iba’t-ibang klase ng awards mula sa iba’t-ibang contest na sinalihan niya at sinalihan ng mga na-handle niya. I also did some research about Jazz last night. Nalaman ko na ilang taon na siyang sunod-sunod na nan

