Chapter 6

1358 Words
Nakatayo si Gibo sa gitna ng sala habang nakatitig kay Maricel. Ang mga mata niya ay puno ng galit, sakit, at pagkalito. Si Maricel naman ay nakatayo malapit sa pinto, halatang kinakabahan. Hindi niya alam kung saan magsisimula. Biglang natawa si Gibo—isang tawang walang saya. “Three years, Maricel.” Napayuko ang babae. “Tatlong taon akong naghanap sa’yo,” sabi niya, halos pabulong pero puno ng bigat ang boses. Unti-unti siyang naglakad palapit. “Pinahanap kita kung saan-saan. Gumastos ako ng milyon para lang mahanap ka.” Napahawak siya sa ulo niya, halatang hindi pa rin makapaniwala. “Tapos malalaman ko lang… dito ka lang pala sa Cabuyao.” Napakuyom ang kamao niya. “Malapit lang pala.” Hindi sumagot si Maricel. Pero hindi pa tapos si Gibo. Sunod-sunod na lumabas ang mga tanong na matagal nang kinikimkim sa dibdib niya. “Bakit ka umalis?” “May nagawa ba akong mali?” “May kulang ba sa’kin?” “Hindi ba kita minahal ng tama?” Isa-isa niyang binato ang mga tanong. “Kung may problema tayo, bakit hindi mo sinabi?” “Kung ayaw mo na sa’kin, bakit hindi mo sinabi sa mukha ko?” Unti-unting namumuo ang luha sa mata ni Maricel. Pero hindi pa rin siya nagsasalita. Mas lalo lang nagalit si Gibo. “Alam mo ba kung gaano ako nabaliw kakaisip?” Napahampas siya sa mesa. “Bawat araw iniisip ko—what if?” “What if may nagawa akong mali?” “What if may nasabi akong nakasakit sa’yo?” “What if hindi kita naalagaan ng maayos?” Lumalim ang boses niya. “What if may nangyaring masama sa’yo?” Napapikit siya sandali. “Tapos ngayon…” Mabigat ang mga sumunod niyang salita. “May anak pala tayo.” Napahawak si Maricel sa dibdib niya. “Tatlong taon…” Napailing si Gibo. “Tatlong taon mong itinago sa’kin ang anak ko.” Napatingin siya sa paligid ng maliit na bahay. Sa simpleng sofa. Sa lumang mesa. Sa mga laruan sa gilid ng sahig. Halatang simple lang ang buhay nila. “Ganito pala ang buhay mo ngayon,” sabi niya. May halong sakit at galit sa boses niya. “Mas pinili mo ‘to?” “Iniwan mo ang lahat para dito?” Napatingin siya kay Maricel. “At para saan?” “Para itago sa’kin ang anak ko?” Unti-unting tumulo ang luha ni Maricel. “Gibo…” Pero agad siyang pinutol ng lalaki. “Huwag.” Humigpit ang kamao niya. “Wala akong narinig na kahit anong paliwanag sa loob ng tatlong taon.” Mabigat ang boses niya nang muling magsalita. “Alam mo ba kung gaano kasakit malaman na may anak ka pala… pero hindi mo man lang nakita lumaki?” Nanginginig na ang boses niya. “Hindi ko nakita ang unang ngiti niya.” “Hindi ko nakita ang unang lakad niya.” “Hindi ko narinig ang unang salita niya.” Napapikit siya habang pinipigilan ang emosyon. “Tapos ngayon…” Dahan-dahan siyang tumingin kay Maricel. “Lalabas ako sa CCTV ng mall ko…” “at makikita ko na may anak na pala ako.” Tahimik ang buong bahay. Ang tanging maririnig ay ang mahina at pigil na pag-iyak ni Maricel. Pero sa sandaling iyon— may maliit na boses ang narinig mula sa likod ng bahay. “Mama?” Napalingon silang dalawa. Sa pintuan ng kwarto ay nakatayo ang isang maliit na batang lalaki. Hawak nito ang laruang fire truck. Si Gabi. Napatingin siya kay Maricel. “Mama… sino po siya?” Unti-unting napalingon ang bata kay Gibo. Nagkatinginan sila. At sa unang pagkakataon— nakita ni Gibo nang harapan ang anak niya. Tumigil ang mundo niya. Hindi siya makapagsalita. Habang si Gabi naman ay nakatitig lang sa kanya… puno ng inosenteng pagtataka. Tahimik ang loob ng bahay matapos makita ni Gibo ang bata. Agad na nagsalita si Maricel, pilit pinipigilan ang emosyon. “Gabi… go to your room muna ah. May kinakausap lang si mama. Lalabas ka lang kapag sinabi ko, okay ba ‘yon anak?” Tumango ang bata. “Okay po mama. Sige po, doon lang ako sa kwarto.” Hawak ang laruan niyang fire truck ay dahan-dahan siyang pumasok sa maliit na kwarto. Pagkasara ng pinto ay bumigat ang hangin sa loob ng bahay. Dahan-dahang lumapit si Maricel kay Gibo. Hinawakan niya ang braso ng lalaki. “Look… I’m sorry.” Mahina ang boses niya. “Mali ako. Sorry… hindi ko sinasadya.” Unti-unting tumulo ang luha sa mga mata niya. Pinipigilan niya kanina pa, pero hindi na niya kinaya. Napatingin si Gibo sa kanya. Gusto pa sana niyang magalit. Gusto pa sana niyang maglabas ng sama ng loob. Pero nang makita niyang umiiyak si Maricel… parang may kung anong humila sa puso niya. Hindi niya magawang ituloy ang galit. Huminga nang malalim si Maricel bago muling nagsalita. “Gibo… magulo ang utak ko noon.” Napapikit siya sandali. “Alam mo namang namatay ang mama ko, diba?” Tahimik na nakinig si Gibo. “Ilang buwan lang ang lumipas… nalaman kong nalulong sa alak at sugal si papa.” Napahawak siya sa dibdib niya. “Kaya ako umuwi dito sa Cabuyao.” Dahan-dahan niyang pinunasan ang luha niya. “Yung naipon kong pera… ginamit ko para bayaran ang utang ni papa.” “Yung natira… ginamit ko para mag negosyo.” Napatingin siya sa paligid ng bahay. “Para may pangtustos kami sa pang araw-araw… at para unti-unting mabayaran ang natitirang utang.” Mahina siyang napatawa. “Tatlong taon… nagtulungan kami ni papa sa lahat.” Tumulo muli ang luha niya. “I’m sorry.” Napatingin siya kay Gibo. “Alam kong unfair sa’yo.” “Pero please… intindihin mo ako.” Nanginginig ang boses niya. “Emotional ako noon.” “Halos sabay kong nawala ang mama ko… at ang katahimikan ng pamilya namin.” Unti-unti niyang sinabi ang pinakamasakit na katotohanan. “Mahal kita, Gibo.” “Napaka mahal kita.” Napapikit siya habang patuloy ang pagpatak ng luha. “Pero mareremata na ang bahay na ‘to.” Hinawakan niya ang dingding. “Ang bahay na kinalakihan ko…” “Ang bahay na pinundar ng mama ko.” Huminga siya nang malalim. “Ayaw kong humingi sa’yo.” Napatingin siya kay Gibo. “Ayaw kong isipin mo… na pera lang ang habol ko sa’yo.” “Im so sorry.” Saglit siyang tumigil bago muling nagsalita. “Pero si Gabi…” Napangiti siya ng bahagya kahit may luha. “Hinding-hindi ko siya ipagdadamot sa’yo.” “Plano ko talagang ipakilala ka sa kanya.” Nagulat si Gibo nang marinig iyon. “Sinabi ko sa kanya… na nasa malayo lang ang papa niya.” Nanahimik si Gibo. Hindi niya alam kung anong mararamdaman. Pero maya-maya ay nagsalita siya. At halatang puno ng emosyon ang boses niya. “Dahil lang sa kailangan mo ng pera… iniwan mo ako?” Nanlaki ang mata ni Maricel. “Hindi—” Pero hindi siya pinatapos ni Gibo. “Dahil lang sa iisipin ko o iisipin ng ibang tao?” Napahawak si Gibo sa ulo niya. “Jusme naman, Maricel…” Halatang hindi siya makapaniwala. “Kahit trillion pa ‘yan… ibibigay ko sa’yo.” Napakuyom ang kamao niya. “Hindi mo kailangang magpagod.” “Hindi mo kailangang ma-stress.” “Hindi mo kailangang maghirap.” Mas lalo pang lumalim ang boses niya. “Pinili mong magpakahirap dahil sa utang na ‘yon?” Napailing siya. “Sana nagsabi ka.” “Sana nagtiwala ka sa’kin.” Tumingin siya diretso sa mga mata ni Maricel. “Hindi ba sapat ang pagmamahal ko…” Saglit siyang tumigil. “…para pagkatiwalaan mo ako sa problema mo?” Tahimik ang buong bahay. Pareho silang sugatan. Pareho silang may hinanakit. Pareho silang nagmahal. Pero pareho rin silang nagkamali. At sa likod ng pintuan ng kwarto— naroon si Gabi. Tahimik na nakaupo sa sahig habang yakap ang laruan niyang fire truck. Hindi niya man lubos na naiintindihan ang usapan ng mga matatanda… pero ramdam niya na may malaking nangyayari sa pamilya nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD