bc

Mr. Black

book_age18+
741
FOLLOW
4.5K
READ
billionaire
dark
sex
powerful
CEO
mafia
bxg
mystery
city
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

What if you meet your one true love at a wrong time? You won’t know it at first but later on you keep on looking for that specific person.

Mia’s ideal guy is far different from the man who keeps on bugging her life.

She keeps on telling herself she doesn’t like him but her heart says the opposite. Her heart beats faster as the man made its way to her heart.

But what happen when he left?

Do really love deserves a second chance? Or love can only be true if you will find another love to fulfill the gap that’s been wasted by your man?

chap-preview
Free preview
Prologue
“Ayaw mo talaga sa ‘kin?”   Inis kong nilingon si Bossing. Iyon ang tawag sa kaniya ng alagad niya at iyon na rin ang tawag ko kasi ayaw niyang ibigay sa akin ang totoo niyang pangalan.   “Hanap ka na lang ng iba, pwede ba? Kagabi ka pa,” inis kong sagot sa kaniya. Nandito ako sa bar. Mag-isa lang ako dahil busy ang mga kaibigan ko at gusto kong uminom ngayon.   “Sungit talaga, Dex tulungan mo nga ako rito. Kanina ka pa ah,” galit niyang sabi sa alalay niyang kanina pa tumitingin sa mga babaeng napapadaan sa table namin. Actually, table ko lang ito pero nakisawsaw lang sila.   “Bossing? Sorry hindi ko marinig,” tanong nito sa bossing niya. Sa inis ni bossing sinuntok niya sa balikat si Dexter pero mahina lang naman. Nakilala ko sila kagabi rito dahil sa nakasabay ko rin sila. Hindi ako regular customer dito at bihira lang kami ng kaibigan ko rito pero bet kong pumunta rito kahit ako lang mag-isa.   “Kung mag-aaway din lang kayo, mabuti pa ay sa labas kayo mag-away. Huwag dito,” mahinahon kong sabi sa kanila pero may pagbabanta. “Ano?” tanong ko nang nakatingin silang dalawa sa akin.   “Lasing ka na ba?” tanong ni Dexter.   “Oo nga, parang kinakausap mo na kami ah, kagabi lang pinabayaan mo kaming magsuntukan sa harap mo,” si Bossing na parang amaze na amaze sa ‘kin.   “Bwisit,” sabi ko na lang. Mukhang lasing na nga ako pero kaya ko pa naman ang sarili ko. “Magsilayas nga kayo,” pero imbes na lumayo ay mas lumapit sa sila.   “Isa,” pagbabanta ko pero mas sumiksik pa sila sa akin. Sa inis ko ay bigla akong tumayo na agad ko ring pinagsisihan. Parang umiikot na ang paningin ko. Hinawakan ako ni Bossing at pinaupo sa tabi niya.   “Ang likot kasi, pero huwag kang mag-alala kayang-kaya kitang alagaan. Hindi pa naman ako lasing,” nakangiting sabi nito.   Inalis ko ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko. “Ang baho ng hininga mo.”   Agad na nanlaki ang mata niya sa sinabi ko. “Mabaho ba ang hininga ko, Dex? Amuyin mo nga,” lumapit ito kay Dex kaya naapakan niya ang paa ko. Medyo lasing na rin siya kaya halos bulag na at hindi na nakikita ang dinadaanan.   “Bossing kaya kitang sundin sa lahat ng utos mo, pero huwag iyan,” may pandidiring sabi ni Dexter. Mabilis itong tumakbo papunta sa kanan ko kaya naapakan na naman ang paa ko.   “Gusto mo ng----”   “Hindi, Bossing, aamuyin ko na nga.” Mabilis itong pumunta sa kaliwa ko kaya naapakan na naman ang paa ko.  “Hindi naman mabaho bossing, may amoy lang,” hininaan niya ang panghuling salita pero rinig na rinig ko naman.   “Hep! Layas!” sigaw ko ng makitang dadaan na naman sana si Dexter. Ang sakit na ng paa ko bwisit. Inis na nilingon ko sila. “Kapag kayo hindi tumigil, makikita niyo,” banta ko. Mabilis naman silang umayos ng upo.   Pagkatapos ng sinabi ko ay bumalik na naman sila sa dati. Kami lang yata ang may pinakamaingay na table sa loob ng bar. Ang iba ay kanina pa sumasayaw pero wala akong gana dahil hindi naman ako marunong sumayaw.   “Bossing, iba na naman ang tingin,” takot na sumbong ni Dexter kay bossing. Sino ba naman ang hindi magagalit kong kanina pa sila maingay. Maingay na nga iyong tugtog dumagdag pa sila. Hindi ko talaga gusto ang mga tugtog ng bar pero adik ako sa inom.   Habang lumalalim ang gabi ay nalalasing na kami. Halos lahat ng sinasabi ni Dexter ay hindi ko na maintindihan. Kanina pa siya salita ng salita pero hindi mo naman maintindihan dahil sa hina at minsan naman malakas pero bulol.   Tumayo na ako at tumayo rin sila. Nakakapit sila sa magkabilang kamay ko. Bali napapagitnaan nila ako. Pinabayaan ko na lang din dahil halos hindi ko na kayang maglakad kung wala akong makapitan.   Halos isang oras kaming naglakad palabas dahil lang sa bigat ng mga kasama ko. “Ayaw kong mag-drive,” rinig kong sabi ni bossing. Tahimik din si Dexter sa tabi nito at walang balak mag-drive. Hindi naman ako pwede dahil hindi na rin kaya ng katawan ko.   “Chicks pre,” napadilat agad ako nang marinig iyon. Tulog na ang dalawa sa tabi ko. Nakaupo lang kami sa sahig at nakasandal sa sasakyan ng dalawa. Mabuti na lang at hindi ako nagsasakyan ngayon dahil alam ko talagang malalasing ako.   “Ang ganda.”   Napapikit ako sa sobrang sakit ng katawan ko. Halos daganan ba naman ako ng dalawa kanina. Isama mo pa ang pagtapak nila sa paa ko. Halos hindi na ako makalalad.   Hindi ko pinansin ang mga lalaking nagsalita at natulog na lang.   Kumunot ang noo ko nang makaamoy ng masarap na luto. Hindi naman ako marunong magluto at wala rin akong kasama sa condo.   Napadilat ako at mabilis na bumangon nang may na-realized. Wala ako sa condo ko. Mabilis kong inikot ang paningin ko sa kabuuan ng kwarto. Halos black lang ang kulay nito kahit kurtina ay black din. Iyong kulay talaga ng kabuuan ng kwarto ay black maging sa pintura sa mga pinto. May tatlong pinto akong nakikita.   Mabilis akong pumunta sa pinakamalapit na pinto sa akin. Closet. Napanganga ako sa nakita ko. Ang ganda ng pagkagawa. Itim rin ang pintura at halos lahat ng mga damit ay itim. Pumunta ako sa malapit nitong pinto. Comfort room. Hindi itim ang comfort room pero glass naman ang design nito. Naghilamos muna ako at nagsuklay ng buhok gamit ang kamay ko.   Kung ano ang damit ko kagabi ay gano’n pa rin naman ang suot ko ngayon. Nagusot nga lang.   Mabilis akong lumabas ng cr at binuksan ang isang pinto. Hallway. Mabilis akong naglakad papuntang hagdan, halos takbuhin ko na ang distansya ng nakita kong pinto. Marami akong pinto na nakikita sa itaas pero hindi ko na binuksan at bumaba na dahil gusto ko ng makaalis sa bahay na ito.   “Who are you?” tanong ko sa lalaking naka-apron at nagluluto ng pagkain. He is tall and a bit whiter than the usual guy who is tan. His complexion is almost the same as mine.   “I should be the one asking you that. You just did something, very not so… pleasant last night,” sabi nito. Halos manlamig ako sa narinig kong boses niya. That voice is so cold and sounds so scary.   And just when he said those words. The memories of last night instantly flashed in my head.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
100.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
75.2K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.3K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook