"Masarap po?" tanong ni Serena sa akin. Medyo nalilito pa ako sa kanila ni Selene pero mukhang mas madaldal si Serena kaysa kay Selene na kain lang ng kain. I was a bit at first because of their treatment for us. Kami ang pinaunang kumain, gusto kong sabay kaming lahat kasi nakakahiya but they said we can't all fit in dahil sa maliit lang ang mesa nila. Iyong panganay nilang lalaki ang naghihimay ng pagkain sa mga kapatid niya. He would also looked at me sometimes kapag nakikita niyang nahihirapan ako. "Thank you," sabi ko nang paghimayin niya rin ako. Wala namang masyadong tinik pero hindi kasi ako masyadong kumakain ng isda. "Ikaw, bossing? Hindi ka rin marunong po?" tanong ni Serena. We all looked at Clarence who decided to start eating. Kanina pa siya walang imik. Well, hindi naman

