Chapter 33 Yakap ko ang anak ko habang nakaupo sa mahabang sofa rito sa puting kwarto kasama si mom at dad. Nakatingin sila samin nang anak ko at pareho silang nakangiti pero alam kong may kulang. Hindi ko maintindihan ang pinapakita nila sakin ngayon. Tila naging bata ako sa paningin nila dahil sa twing nakikipag-usap sila sakin ay kapansin-pansin ang pagbi-baby nila sakin. Siguro ang anak ko ang gusto nilang e-baby. Tiningnan ko ang baby ko. Ang kanyang mahahabang pilik mata, ang kanyang manipis at mapulang labi, ang kanyang mahabang buhok at ang maliit niyang ilong. Ang ganda nang anak ko. Niyakap ko ito at muling hinalikan. Kanina pagka gising ko ay anak ko agad ang hinanap ko. Nagulat ako nang makitang nasa loob nang karton ang anak ko kaya pinagalitan ko si mom at dad nang makitan

