Chapter 34 THIRD PERSON "Son," pumasok ang ama ni Austin sa loob nang opisina nito at agad na nilapitan ang anak, "Ano yung narinig ko na inurong na nang mga Fuentabella ang partnership nila sa kompanya?! What's happening? Halos lahat nang board members ay nagkakagulo dahil sa biglaang nangyari." Agad na tumayo si Austin at hinarap ang ama niya, "We don't need them, dad." "We need them,son! You knew that!" napabuntong hininga ang ama nito at umupo sa kalapit na sofa sa opisina. Agad na sumunod si Austin at umupo sa harap nito, "Son, kung ano mang nangyayari sa inyong dalawa ni Maddison, please huwag niyong idamay ang kompanya. Maraming trabahante at pamilya ang umaasa sa atin." wika nang ama nito. Niluwagan ni Austin ang necktie nito at napabuntong hininga. Ito ang pangatlong araw na

