Chapter 43 NAKARATING ako sa Pilipinas at agad akong sinundo nang ama ko. Ngumiti ako sa kanya saka ko siya niyakap nang mahigpit. Tulad nang dati ay parang wala paring nagbago sa itsura nang dad ko. Medjo humaba lang ang bigote niya pero siya parin ang dad ko na miss na miss ko. "I miss you dad," bulong ko kay dad. "I miss you too, sweetheart." sagot ni dad. Humiwalay ako sa kanya at yumakap rin siya kay mom. "So how's your flight?" "Tiring.." nakasimangot na sagot ko. "Silly," saka ginulo ni dad ang buhok ko saka ito tumingin-tingin sa paligid namin. "What are you looking dad?" tanong ko nang mapansing hindi parin siya tumigil sa kakalingon sa mga sumusundo sa mga tulad naming mga kararating lang. "He told me that he'll be here." "Who?" ngunit bago pa man masagot ang tanong ko ay

