Chapter I
"Francis Khate David, napatunayan sa korteng ito ang pagkakapatay mo kay Binibining Zavidra De Costa." Anunsiyo ng Hukom. "Ikaw ay sinisentinsiyahan ko ng limang taong pagkakakulong." Dagdag pa nito. Masama ang tingin sa kanya ng mga nasa kabilang panig ng korte habang ang kanyang mga magulang ay dismayado sa kanyang. Kahit umiyak siya sa harap ng maraming tao ay wala rin iyong kwenta. Masama din ang tingin sa kanya ng taong kanyang minahal.
"Anong klase kang tao ha!? Ang lakas ng loob mong patayin ang kapatid ko! Anong karapatan mo para gawin ang bagay na iyon ha!? Ganyan ka ba talaga ka desparada sa akin!" Sumbat sa kanyang ng nakakantandang kapatid ni Zavidra.
"Iyan lang ba ang kaya mong ibato sa akin, kulang pa ang mga iyan." Matamlay niyang sagot, alam niyang kahit na ipagpilitan niya na wala talaga siyang kinalaman ay hindi siya nito papakinggan. Sininghalan siya ng binata at bigla siyang hinawakan sa leeg at pinilipit iyon."Sige lang ituloy mo, mas gugustuhin ko pang mamatay, kaysa ipagpilitan ko ang katotohanan dahil wala `di niyo naman ako papaniwalaan." Hindi na siya nanlaban pa dito. Bigla siyang ihinagis nito at tumama sa kanto ng pader ang kanyang buong katawan. Kahit na malakas ang impact nang pagkakahagis sa kanya ay tumayo pa rin siya. Nakaramdam na siya ng kirot sa kanyang sikmura, ininda niya ito, dahil ayaw niyang may nakakita ng kanyang kahinaan.
"Hindi lang iyan ang mararanasan mo!" Pagbabanta ng binata bago lumabas. Napasapo siya sa kanyang sikmura dahil hindi na niya Kaya ang sakit halos pilipitin nito ang kanyang sikmura sa sakit. Pakiramdam niya ay may umaagos sa kanyang binti. Nanlaki ang kanyang mga mata ng makakita ng dugo."T-tulong." Aniya ngunit hindi siya tinulungan ng mga guwardiya, tinitingnan lamang siya ng mga ito na namimilipit sa sakit.
Na gising lamang siya ng marinig ang tinig ng kanyang ama.
"I couldn't believe it that you could do this kind of thing!" Singha ng kanyang ama. "Hindi kita pinalaki upang maging mamamatay tao! Wala akong anak na katulad mo!" Sabi nito at sinampal sa lakas ng sampal sa kanya ng kanyang ama'y nabuwal siya sa upuan. Pinagtitinginan na sila ng ibang mga priso at bisita maski na ang mga nakabantay na pulis ay pinagmamasdan lamang siya. Walang may gustong tulungan siya. Pinilit niyang tumayo kahit na nanlalambot ang kanyang tuhod dala na rin ng mga pasa at sakit mula sa pamamalo sa kanya, bago niya harapin ang kanyang mga magulang. Sa halos pagbisita ng kanyang mga magulang ay puro paninisi at panunumbat ang kanyang naririnig mula sa mga ito. Kaya hangga't maari ay ayaw niyang harapin ang mga ito mas gugustuhin niya pang harapin ang p*******t ng mga kapwa babaeng priso sa loob ng selda kaysa harapin ang mga mapanakit na pananalita ng kanyang magulang sa kanya. Sa papanitili niya sa loob ng selda'y walang araw na lumilipas na hindi siya nagkakaroon ng sugat, pasa, pilay, at pilat na bumabaon hanggang sa loob ng kanyang. Lahat ay ininda niya kahit na alam niya sa sarili niya'y wala siyang kasalanan. Ngunit ano nga ba ang magagawa niya halos lahat ng ebedinsiya ay siya ang itinuturo.
Napabuntong hininga siya habang naglalakad pabalik sa kanyang selda. "Nandito ang Reyna." Anunsiyo ng mata ang babae ng pumasok siya sa loob ng selda. Nagngisian ang mga tao sa loob ng selda.
"Anong reyna ka diyan. Hindi na siya iyon, reyna na siya ngayon ng walis at dustpan." Sabi ng isa, lahat ay nagtawanan. Yumukod siya habang patuloy sa paglalakad patuloy sa kanyang kama.
"Aba't lakas naman ng loob mo daanan na lang kami!" Sabi ng mata ang babae at bigla hinila ang kanyang buhok.
"Argh!" Daing niya. Bigla siya nitong dinamba at may hinugot mula sa tagiliran. Nahintatakutan siya sa maari ng gawin nito sa kanya.
"Hawakan niyo siya!"Utos nito.
Pinagtulungan siyang Hawakan ng iba pa nitong mga kasamahan at binusalan ang kanyang bibig upang hindi siya makasigaw.
"Hawakan niyo ulo nito!" Aniya saka siya nginitian. "Ito na ang huling araw na mo na makikita ang maganda mong mukha." Sinimulan nito ibaon sa kanyang pisngi ang kutsilyo na hawak nito. Gusto niyang sumigaw sa sakit na kanyang nararamdaman ngunit hindi niya magawa, pinigilan niya rin maluha. Kailangan niyang tiniisin ang masalimuot niyang karanasan sa selda upang mabuhay lamang.
Makalipas ang limang taong....
Ngumiti siya ng mapait ng tuluyang siyang Maka labas sa loob ng bilang guan. Ngayon ay kailangan na lamang niya magsimula ng bagong buhay. Kahit puno ng pangangamba'y kailan niyang magpakatatag upang mabuhay dahil wala na siyang aasahan mula sa kanyang mga magulang. Hindi na rin siya dinalaw muli ng mga ito.
"Kaya mo iyan Francis! Lahat nga ng sakit nakayanan mo sa loob ng limang taon, ito pa Kaya ang mabuhay sa labas ng selda." Pangungumbinsi niya sa kanyang sarili. Huminga siya ng malalim atsaka naglakad upang makarating sa kanyang paroroonan.
Dinaanan niya ang dati niyang kaibigan. Bago siya magpa tuloy sa kanyang destinasyon.
" Hey, Zav how are? Have you been doing well?" Ngumiti siya habang sinsindihan ng kanila. "You were supposed to be my partner to help me raise my child. You accepted me, even I sold my soul to the devil just to survive." Aniya. "And you know what I can't show anymore most of my emotions, I feel like I've lost them for a long time. By the way here's my most precious gift to you." Aniya saka may inilagay na envelope sa ilalim ng bulaklak.
"Alam kong hindi mo naman na ito makikita, at maski ako'y hindi ko na rin siya makikita pa. Well baka sakali ay makasalubong mo siya kung saan ka man naroroon sana ay alagaan mo siya para sa akin." Hinaplos niya ang puntod nito. Bago tuluyang lisanin ang puntod.
Nahanap niya ang kanyang sarili sa Benguet. Doon lamang siya ng ganoon saya, kahit papaano'y unti-unti niyang naiaalis sa kanyang sarili ang mga masasakit na alaala niya. Tanggap siya ng mga tao kahit alam ng mga ito ang kanyang nakaraan.
"Magandang Umaga hija." Bati sa kanyang ng matandang babae na nakasalubong niya sa daan.
Ngumiti siya. "Magandang Umaga din po Nanang. Ang aga niyo naman po ngayon?" Aniya.
"Ay mabuti nang maaga at nakakapaglakad lakad ako upang tumibay ang mga binti, alam mo naman ako na hindi mapakali kapag ka hindi nakakapaglakad di ba." Sagot ng matanda.
"Sabagay maganda rin hi iyan sa sirkulasyon ng dugo." Sagot naman niya.
"Hay naku hija, mas lalo kang gumagana kapag ka nakangiti ka ng ganyan." Puri ng matandang.
"Naku Nanang, binibiro niyo na naman ako." Tudyo niya.
"Hindi kita binibiro hija, sayang maganda ka na. At kung hindi mo lamang tinatakpan ang kalahati ng iyon mukha'y tiyak kong marami ang makakandarapa na ligawan ka." Dagdag ng matandang.
"`Nang alam niyo naman po na hindi ko kayang ipakita sa lahat ang kabilang bahagi ng aking mukha. " Nginitian niya ito.
"Wala kaso iyon sa amin. Alam namin na may mabuti kang puso." Aniya.
"Kayo talaga Nanang. Siya sige po mauuna na po ako." Paalam niya rito.
"Oh siya, mag-iingat ka." Sabi naman ng matanda at kinawayan niya ito habang papalayo.
"Sir." Aniya ng babaeng sekretarya.
"Yes?" Aniya ng binata.
"Sir, the Jail Warden just called." Aniya.
"Okay, I'll just call him." Sabi niya at kinuha ang telepono.
"Hello Sir Zenox." Bati ng kausap niya sa kabilang linya.
"Warden, my secretary told me that you made a call. What is it Warden?" Tanong niya.
"Well, sir I'm just here to inform you that. She'll be out in the afternoon." Bigla nag-iba ang kanyang timpla sa ibinalita ng Warden sa kanya.
"What is exact time?"
"In less than seven hundred hours from now sir." Sagot ng kausap.
"I'll take a note on that. Thank you Warden."
"It is a pleasure, Sir." Sagot nito at pinatay na niya ang tawag.
"Miss Zen." Tawag niya.
"Yes sir." Sagot ng babaeng sekretarya.
"Can you clear my schedules in the afternoon." Aniya.
"Yes sir." Aniya saka muling bumalik sa lamesa nito.
He's been following her since she get out of the prison. Then she went to the cemetery while holding a candles ang a yellow rose. He just watch her from afar. It took him few hours before she leave. After she leave he went to the tomb.
"How dare her to give you this kind of flowers, when she's the one who took your life." With his anger, he took the flowers and he was about to threw it when an envelope fell from it. With his curiosity he picked up the envelope and open it. He's hand was shaking while reading the letters.
Hey Zavy,
I don't know where to start... But this is all I can say, I'm sorry. I can't attend your funeral. Because I know that they wouldn't let me. My heart is shattered into pieces, you were supposed to be my partner in crime raising my child. But now I couldn't do it because you two left me without a word. I didn't had the chance to met my little one. It's hard to endure all the pain. But I need to be strong to survive in all of this. You know that you are my only hope, when I'm down you're always there by my side. When I sold myself and soul to the devil you still accepted me. When I'm in doubt of myself, you still stay with me. You know that my Thank you's wouldn't be enough words of how I am thankful and grateful to have you as my friend.
Xoxo,
FRANCE
Nanginginig ang kamay na tiningnan isa-isa ang mga litrato sa loob ng envelope. Nakita ang ultrasound at may note na nakadikit doon.
Zavy,
You're going to be an Aunt soon, I'm having a twin. It's a boy and a girl.
Tiningnan niya ang sumunod at ganoon din na may note na nakalagay.
Zavy,
This is my first time I've heard there heartbeats. I'm so happy.
Ang huling litrato ang mas lalong nagpagimbal sa kanya.
Zavy,
I've lost the twin, I don't know what to do. I don't know how cope up without the twin, I did everything just to save them but no one dared to help me. I think I'm going to lose my mind also. They were all the treasures I had why they were supposed to leave me also.
Another letter left in the envelope.
Zavy,
Hey Zavy, I'm hanging on the moment. They should have just killed me rather than beaten me to death. I've been suffering from all of kind torture. When they ain't satisfied on what they're doing. They're just going to throw me in dungeon for weeks, no food nor water sometimes. But I still manage to survive in this hell,because I don't want to someone else to suffer in this. I know I should have told them the truth but instead of saying that. I just took the liberty of sacrificing myself. Just to make them satisfied, this is my downfall for everything.
Nilukot niya ang huling papel, dahil sa galit.
"Why!? Why!?" He shouted in the midst of rain. "I wonder why she look so thin, she suffered a lot of trouble and pain that wasn't supposed to be her." He shouted again. "But why she took all, why!? Is there anyone who would tell me!" Napaluhod siya at pinagsusuntok ang lupa. At very least I should have listen to her."
She was on her way home.
"Pauwi ka na ba hija?" Tanong ng tindera sa kanya.
"Opo." Nakangiting sagot niya.
"Ito iuwi mo na ito." Inabutan siya ng repolyo.
"Naku, Manang Ella ang dami ko hong gulay na dala." Tanggi niya.
"Ano ka ba, tanggapin mo na tiyak kong matutuwa ang mga niyan." Sabi ni at pilit na inaabot sa kanya ang gulay.
"Maraming salamat po." Ngiting sagot niya.
"Ano ka ba, hija hindi ka na iba sa amin." Aniya.
"Maraming salamat po talaga." Sabi niya at kinuha na ang repolyo. "Mauna na ho ako at baka hinihintay na ako ng mga bata."
"Aba'y mabuti pa nga. Sumakay ka na Kaya at ng makarating ka kaagad." Sabi pa nito.
"Maglalakad na lang po ako, sayang lang ang Pera ko kung ipapamasahe ko pa malapit lang naman." Sabi naman niya at kinawayan na lamang ito.
Face to face
Eye to eye
So close that it's all blurry lines
Kiss my cheeks, say goodnight
Turn your back as you turn out the light
Tell me, why you try to hide it if you got something to say?
What's going inside your mind?
Feels like I'm miles away
She's been singing it while walking down the road. When a car passed by her and stopped in th middle of the road. She knew that something was wrong. While shaking in fear she tried to calm herself and continued to walk. Good thing nothing happens when she get through the car, she walks fast, and soon after she run towards her house.
"Mama." Tawag ng dalawang bata sa kanya at sinalubong siya ng mga ito sa labas ng bahay. "Pasok-pasok sa loob Dali." Aniya sa dalawang bata,agad na tumalima ang mga bata.
"Aiva." Tawag niya.
"Mama, maaga kang nakauwi ngayon." Aniya ng tinawag niyang bata.
"Aiva, I-lock mo na ang pintuan sa likod pati na ang mga bintana at siguraduhin mong naka-lock ang lahat." Bilin niya.
"Bakit parang ang aga naman nating magsara?"
"Huwag nang maraming tanong tulungan mo na lamang ako. Kayong dalawa akyat na muna sa kwarto niyo huwag kayong bababa hangga't hindi ko kayo tinatawag." Aniya sa dalawa pang mga bat na agad namang tumango at nagtungo kaagad sa ikawalang palapag.
"Aiva, tapos ka na ba diyan?" Sigaw niya.
"Malapit na."
"Dalian mo bago ko patayin ang mga ilaw." Nanginginig siya sa takot dahil baka nasundan siya kanina ng sasakyan na huminto sa kalsada. Kanina pa siya hindi mapakali.
"Mama ano ba kasing nangyayari?" Tanon ng Aiva.
"Shh... Huwag kang maingay baka nasundan nila ako dito." Sabi niya at tinakpan ang madaldal nitong bunganga. Dahil narinig niya ang pagdaan ng sasakyan at huminto muli iyon. "Papakawalan kita, pero huwag kang maingay. Puntahan mo Yung kambal sa itaas." Sabi niya at tumango-tango si Aiva. Pinakawalan niya ito at sumilip siya sa bintana. Abot-abot ang kanyang kaba dahil sa tapat ng bahay pa niya huminto ang sasakyan. Mabuti at umalis din ito kaagad. Hinintay niya na muna makalayo ito bago binuksan ang ilaw, nakahinga na siya ng maluwag. Nagbabaan na ang mga bata.
"Mama." Sinalubong siya ng yakap ng dalawang bata.
"Mama bakit tila nakakita ka ng multo kanina?" Tanong ni Aiva.
"Kanina habang pauwi ako, may humintong sasakyan sa unahan ko natakot ako baka kung ano ang gawin sa akin Kaya naman nagmadali akong umuwi, at tama nga ang kutob ko na sinundan ako. Kaya kaagad kong pinasarado ang lahat." Sabi niya at napa buntong hininga siya."Tara na maghahaing na ako ng hapunan Natin." Sabi niya at nagtungo sa kusina.
"Gaano na po siya katagal na naninirahan dito?" Tanong niya sa matandang babae.
"May lima o anim na buwan na hijo, noon una'y pinapangilagan siya ng mga tao dahil sa nagawa noon. Pero sa huli'y tinanggap din siya ng mga tao dito ng makita ang kabutihan niya. May mga batang siyang kinukopkop sa kasalukuyan. Dala siguro ng pangungulila niya sa kanyang mga anak. Napakabait niyang bata ngunit ipinagkait sa kanya ang maging masaya. Kahit na ngumingiti siya'y hindi iyong umaabot sa kanyang tainga, mababakas pa rin sa mukha niya ang kalungkutang kanyang napagdaanan." Paliwag ng matandang babae.
"Saan niya nakuha ang mga batang kanyang inampon?" Tanong niya.
"Ang mga batang iyon, ay dating batang kalye lamang. Naawa siya sa mga ito kaya naman ay kinupkop niya ang mga ito, itinuturing siyang ina ng mga bata." Nginitian siya ng matanda, tumango-tango lamang siya habang nakikinig dito.
"Huling tanong na lang po bakit natatabingan ng buhok niya ang kabilang bahagi ng kanyang mukha?"
"Ay naku hijo, napakalaki ng kanyang pilat sa pisngi. Naawa ako sa batang iyan at dinanas niya ang masalimuot na araw niya sa loob ng selda. Napakawalang hiya ng mga taong sinugatan ang maganda niyang mukha." Galit na sagot ng matandang babae.
"Maraming salamat po." Sabi niya saka tumayo na at kinuha ang mga pinamiling gulay. Nang maisakay niya ang gulay sa compartment ng kanyang sasakyan ay kinuha niya ang kanyang telepono upang tumawag. "Hey Clem, I have something to ask you to do." Aniya.
"Oh sure, what is it?" Sagot ng kanyang kausap.
"I want to know everything happened to Francis David in the prison six years ago and everything about her."
"It well only took me a day for that, so what is your payment for this time?" Aniya ng kausap.
"You knew what it is." Sagot niya.
"Okay then, gonna go then and start my work."
"Okay." Napabuntong-hininga siya ng matapos ang tawag, may dumaan sa likod niya Kaya napalingon siya. Kilala niya ang bulto na iyon, kaya naman agad siyang sumakay ng sasakyan at sinundan ito.
Mabagal lamang niyang pinapatakbo ang kanyang sasakyan habang sinusundan ang dalaga. Napahinto ito ng bahagya at muling nagpatuloy sa paglalakad. Mukhang nahalata siya nito kaya naman nabinilisan niya ang takbo at ihininto niya ang kanyang sasakyan sa unahan nito. Pinagmamasdan niya ito sa side mirror. Mababakas sa mukha ng dalaga ang takot habang pa tuloy sa paglalakad ng malagpasan nito ang sasakyan niya'y nagmadali na itong maglakad. Hinayaan niya na munang makalayo ito bago niya muling pinaandar ang makina ng sasakyan. Habang sinusundan niya ng tingin ang dalaga'y nakita niyang pumasok ito sa bahay na gawa sa yero at mukhang may ikalawang palapag ang bahay. May sumalubong dito na tatlong bata ang isa'y sa tingin niya ay teenager na at ang dalawang bata ay naglalaro ang edad ng mga ito sa anim o kaya pito. Hindi na siya umusad pa ng isarado ni Francis ang bintana, pinto at pinatay din ang ilaw sa kabuan ng bahay. Doon niya lamang napagtanto ang takot ng dalaga. Kaya siguro ito nagtungo sa Benguet upang makalayo sa mga tao.
Nagulat siya ng bilang tumunog ang kanyang telepono.
"Clem, napatawag ka." Sagot niya.
"I found something interesting about her." Sagot ng kausap.
"Remember the party? Six years ago in Inspectum?"
"Yup, why?"
"She was there."
"What!? What she's doing in there?"
"She was supposed to be a waitress, but unlucky she became a victim of human trafficking."
"What! What do you mean by that? Why she's working?" Sunod-sunod na tanong niya rito.
"`Di ba nga anak siya sa labas ni Congressman Decad. Her stepmother didn't gave her allowance. That's why she need to work to earn money. So she can pay for her tuition. "
"Does her father knew it?"
"No, none of them. Her stepmother threatened her."
"I-I didn't know that." Nauutal niyang sagot.
"And you know what she was also a victim of r**e. She doesn't remember what happen in there because of shock, and after that incident she keep on meeting your sister, after a few months she discovered that she's pregnant." Paliwanag nito, "She just keep into herself about her pregnancy, well only her and your sister knew. If her parents knew what happen to her they'll disowned her." Tumikhim ito, "Hey Zen, are you still in there?"
"Yep, just continue."
"And I found some of the footage when your sister died. Before that time come, she and your sister met in a boutique. They were about to buy some baby clothes and beddings, they're both happy while looking on to those clothes, then in a snap. Your sister Zavy went missing while Francis still looking for some clothes. She didn't notice that Zavy was gone. It is really caught my curiosity whereabouts her at that moment. The next thing I see is Francis is crying, while trying to save your sister's life. But no one tried to help her. "
"Wait Clem, I thought you'd be taking a day for you to look for her whereabouts."
"Ah, Dayson is helping me."
"Okay, continue."
Ang huling sinabi ni Clem sa kanya ang nagpayanig ng kanyang buong pagkatao. Hindi niya alam kung saan kakapain ang kanyang isasagot.
"Someone is trying to frame her up, with that kind of scheme. The day that you went to met her. Is also the day that she lost her child's life. She went through a lot of stress, and she was about to get crazy after that happened to her. Good thing that she pulled herself back. Oh poor thing, why she needs to suffered in that kind of situation. "Aniya at mababanaag ang lungkot sa bosses nito. "Do you want to continue?" Tanong sa kanya.
"No need I'll just be there in your house." Sagot niya at pinutol ang tawag saka ihinagis ang kanyang telepono. Napahampas siya sa kanyang manibela, hindi siya makapaniwala sa mga pinagdaanan nito. At siya rin ang may kasalanan kung bakit nawalan ang anak nito.
"Ang tanga mo, Zen!" Sabi niya sa sarili niya. "Bakit mo kasi pinairal ang pride mo." Sigaw niya. "Ahh!!!" Sigaw niyang muli. "D*mn it!!" Mura niya.
Pinaandar na niya ang kanyang sasakyan upang makausap ng harapan si Clem.
"Mama." Tawag ng batang babae sa kanya.
"Ano iyon Aviana?" Tnong niya rito.
"Bakit kailangan ppo niyong isarado kanina ang buong bahay?"
"Ahm, may sumususnod kasi sakin anak, natakot lamang ako na sundan niya dito bahay at baka kung ano ang gawin sa atin." Sagot niya, "Kaya kayo kapag ka may estranghero na lumapit sa inyo'y huwag na huwag niyong papansinin at kakausapin! Nagkakaintindihan ba tayo?" Aniya sa mga bata.
"Opo." Sagot ng tatlo.
"Siya dalian niyo nang kumain, nang makapag hugas na kayo ng iyong mga katawan." Sabi niya sa mga ito. "Teka tapos niyo na ba ang mga aralin niyo?"
"Opo, tapos na po namin tinulungan kami ni ate Aiva." Nakangiting sagot ng batang lalaki.
"Mabuti naman kung ganoon. Siya sige kain pa ng tumaba naman kayo." Pinagmasdan niya ang mga ito na maganang kumakain ng hapunan.
Hindi natatapos ang araw ni Francis na hindi pinupuntahan ang kwarto ng mga bata upang samahan ang mga ito hanggang sa makatulong ang mga ito.
"Mama."
"Ano iyan munting prinsipe Azenith ko?" Tanong niya sa batang lalaki at ginulo ang buhok nito. "Okay lang po ba talaga na dito kami tumuloy at tawagin ka naming Mama?" Ngumiti siya bago saguutin ang tanong.
"Oo, ayos na ayos lamang sa akin iyon at inaayos ko na ang lahat ng dokumento upang tuluyang ko nang makuha ang kustodiya ninyo. Ayaw ko nang makita kayong muli na naglalagi sa kalye kasi dito." Itinuro niya ang bahagi ng kanyang dibdib kung saan naroon ang kanyang puso." Parang pinilipit siya sa sakit." Sumimangot siya upang ipakita na nalulungkot siya."Kaya naman lahat ay gagawin ni Mama, upang makasama kayo." Nagsimula nang umagos ang kanyang mga luha.
"Mama, wag ka pong umiyak." Aniya ni Aviana at Nagsimula na rin itong umiyak.
"Hindi-hindi umiiyak ang Mama, masaya ako." Sagot niya at niiyakap ang dalawang bata.
"Eh kung masaya ka Mama bakit kailangan may tumuloy na luha sa mga mata mo." Naiiyak na saad ni Azineth. Nag-iyakan na silang tatlo. Naramdaman niya na may yumakap sa likuran niya.
"Maraming-maraming salamat po sa lahat." Bulong ni Aiva sa kanya. Kinabig niya ito upang mayakap din.
"Ako ang dapat na magpasalamat sa inyo, dahil binigyan niyo ng kulay ang mundo kong dati'y akala ko'y itim na lamang ang makikita ko." Tuluyang na siyang humagulgol, nag-iyakan silang lahat.
"Clementine!" Tawag niya mula sa labas ng gate.
"Good thing your here, I've completed the work. Come on in." Pag-iimbinta nito sa kanya.
Nang makapasok siya ay kaagad niyang sinundan ang dalaga patungo kung saan ito nagtatrabaho.
"You know what Zen, you should have done this six years ago." Sabi sa kanya ni Clementine.
"I couldn't bring it up, and I never got a chance to look at it. I was blinded with my anger and I was planning on having a vengeance of make her life miserable."
"I know, I understand you. But if I were on your shoes. I will seek for the truth not just hearsay."
"Well I can't undo it now but I can still get the chance to change everything from this day forward."
"That's the spirit, but I doubt it that you'll be able to get the chance to meet." Aniya saka itinuro ang bakateng upuan. "Come here I'll show you something." Sabi nito at pinindot ang play button.
"Who's that women with Zavy?" Tanong niya.
"I don't know, but she looks like Francis." Komento ni Clementine.
"Have you ever figured out who is she?"
"Nope, not yet but I ask Dayson to look for it." Sagot nito habang may tinitipa sa laptop. "And Zen, there's no sign of them having a bad time. They were enjoying each others company. They were good friends, so what is her motives to kill her and she never had a guts to like you." Sabi ni Clementine.
"Huh!? Then why she was always–"
"Always taking good care of you? Because she look at you as her own brother she was craving for the love of a family that she never had." Tiningnan siya ng masama nito. "You misunderstood all of her good deeds that she did. Hay ewan ko sa iyo Zen, lahat kasi binibigyan mo ng malisya ni hindi mo muna inaalam ang lahat at lagi mo kasing pinapairal iyan napakatayug mong PRIDE!" Binigyan diin nito ang huling sinabi. "Oh one more thing, on the day of party at Inspectum, I saw you one of the CCTV in there. Who's the girl with you?" Aniya saka ipinakita ang video sa kanya. "Oh ano inuusig ka na ba ng konsensiya mo!?" Matamang tanong sa kanya ni Clementine. Hindi siya makasagot dahil pilit niyang inaalala kung sino ang babaeng kasama niya. He knew this built, narrow waist, long limbs, slim and slender figure.
"You seem so serious, do you know that girl with that night?" Tanong sa kanya ni Clementine ng makita ng napakaseryoso ng mukha niya.
Umiling siya, "But her figures I've seen it before I just can't remember well. By the way Clem, you told me that she's pregnant, right?" Binalingan niya ito.
"Yup."
"Di ba dapat malaki na ang tiyan niya lalo na kung kambal?" Aniya.
"Zen, not all woman had a big tummy in their second trimester of pregnancy. Some of them had a small bump, or some of them are just good in hiding their bumps. Just like me when I had Grivel, I'm on my fifth month with him. I had just a small bump." Paliwananag nito.
"It is all my fault."
"Why is it your fau–" Napasinghap si Clementine.
"The day that I get the chance to visit her I-I pushed her. I'm the one who killed her babies." Napasabunot siya sa kanyang buhok, "IF-if I only knew that she's pregnant I shouldn't have pushed her. It's all my fault!" Sa galit niya napatayo siya at nahulog ang laptop na kanyang hawak at patakbong lumabas ng bahay. Tinatawag siya ni Clementine ngunit hindi niya ito pinakikinggan.
Puno ng pagsisisi si Zen, ni hindi niya alam kung makakaya pa ba niyang harapin ang dalaga sa nagawa niyang kasalanan dito.
"Mama, bakit kailangan nating lumipat?" Tanong ni Aiva sa kanya habang naglalagay ng mga gamit sa bag, huminto siya sa kanyang ginagawa.
"`Di ba naipaliwanag ko na ito sa iyo? Ayaw kong isa sa inyo ang masaktan. Kayo na lamang ang natitirang kayamanan ko. Kaya naman hangga't kaya kong iwasan ang lahat ay gagawin ko. Kung ito ang madali ng solusyon sa ngayon." Sagot niya sa bata.
Hindi nakaimik ang dalaga. Bagkus ay ipinagpatuloy na lamang niya ang ginagawang pag-aayos. Binalingan siya ni Francis.
"Pansamantala lamang ito. Kapag ka maayos na ang lahat ay babalik tayo dito." Sabi niya at hinaplos ang pisngi nito. "Para rin naman sa ikabubuti natin ito." Dagdag niya.
Nasa istasyon na sila ng bus patungo Sagada ng may lumapit sa kanila na dalawang lalaki. Pilit niyang itinago ang kanyang mukha sa belong nakatabing sa kanyang ulo. Mabuti na lamang at dumating na ang bus na kanilang sasakyan.
"Tara na." Aya niya sa tatlo, tinulungan niya munang makaakyat ang mga bata saka inasikaso ang kanilang bagahe. Nagulat siya ng nakasunod sa kanila ang dalawang lalaki na kahina-hinala ang kinikilos ng mga ito. Lumapit siya kay Aiva at bumulong. "Aiva, pagdating natin sa terminal ng Abatan Bontoc, doon tayo bababa. Kailangan nating mag-iba ng rota." Nangunot ang noo ni Aiva. "Saka ko na ipapaliwanag kung bakit." Aniya saka pasimleng umupo sa tabi ni Aviana. Kailan lamang nilang maghinta ng ilang oras bago sila makarating sa terminal upang makalayo sa tila sumusunod sa kanila.
Narating nila ang terminal at kaagad silang bumaba upang lumipat ng masasakyan. Kaagad silang sumakay ng van na patungo ng Buguias. Malayo nga lamang ang kanilang iikutan bago magtungo sa Sagada. Mabuti nang iyon kaysa naman makasabay nila ang mga kahinahinalang lalaki sa bus na kanilang sinakyan.
Nakarating sila ng Banaue Poblacion Terminu ng ala-una ng madali ng araw, kaya minabuti niyang mag-book na muna sa malapit na transient house. Upang magpahinga dahil hapong-hapo na ang kanyang katawan at maski na ang mga bata'y makapaghinga din.
"Mama!" Tawag sa kanya ni Aiva.
"Ano iyon?" Binalingan niya ito ng maiyos ang kumot ni Azineth.
"Bakit po kailangan natin mag-iba ng rota?" Aniya saka humiga sa katabing kama.
"May masama akong kutob kanina sa dalawang lalaki na nakatabi natin sa terminal. Hindi talaga ang pakiramdam ko kaya naman sa nakasanayan nating rota eh kailangan nating baguhin, kahit na malayo at mahaba ang magiging biyahe natin ay ayos lang. Masiguro ko lamang ang kaligtasan natin. Kaya naman ikaw kailangan mo na ding magpahinga upang makabawi ng lakas. Bukas din kapag nakapag-almusal na tayo saka tayo tutuloy." Sabi niya at nilapitan ito upang halikan sa noo."Magpahinga ka na."
"Kayo din po." Nakangiting tugon sa kanya ni Aiva.
Inabot na sila ng hapon sa daan, mabuti na lamang at maliwanag pa ng marating nilagang lugar.