bc

His Forbidden Desire (SPG)

book_age18+
2.6K
FOLLOW
10.0K
READ
forbidden
possessive
second chance
playboy
badgirl
sweet
bxg
childhood crush
love at the first sight
passionate
like
intro-logo
Blurb

Just how wrong is it to desire your half brother's half sister?

Robert Samaniego, a pretty boy billionaire doctor who loves and enjoys women but avoids complications and commitments, gets into a huge dilemma when the naughty Cassidy Martinez crash landed in his bed. The only woman he desires so much from the first time he saw her. But Cassidy is off-limits! His half and older brother Noah Samaniego will kill him if he finds out that he even dares to desire his precious little sister. Besides, Robert adores and respects his brother. He will not do anything to provoke him. Robert will do everything to resist his desire towards Cassidy, but the more he resists the more he lusts her!

chap-preview
Free preview
Chapter 1
NASA balkonahe si Rob ng kwarto niya sa Samaniego farm. Kwarto niya iyon mula noong bata palang siya. Kahit hindi na siya nakatira doon ay nananatili pa rin ang kwarto para sa kanya. Sabi pa nga ni Noah, nakatatanda niyang kapatid sa ama, mananatiling may lugar sila ni Klynne sa farm kahit anuman ang mangyari.  Nakahawak ang isang kamay sa metal na barandilya ng balkon habang ang isang kamay naman ay dinala sa bibig ang baso ng mamahalin na alak. Nakakailang baso na rin siya mula kanina at mag-isang umiinom. Pagkatapos sumimsim ng alak sa baso ay tumingala siya, pinanood niya ang mga bituin na kumukutikutitap sa langit. Hindi niya alam kung masyado lang ba talaga siyang abala kapag nasa syudad siya at hindi niya maalala kung kailan ang huling beses na nakita niyang ang ganito ka gandang kalangitan kung saan hindi mabilang ang mga bituin na umiilaw sa kadiliman o baka naman dahil sa makapal na usok at polusyon sa syudad ay imposible na talagang makita ang ganito kaganda na tanawin sa langit tuwing gabi.  Ilang taon na rin mula ng huli siyang Mapasyal sa Samaniego farm. Matapos niya kasing mag-aral ng doctorate sa ibang bansa, pagbalik niya sa Pilipinas ay nagsimula na siyang magtrabaho sa ospital na pag-aari ng pamilya ng Mommy niya. Maliban doon ay may mga sariling negosyo rin siyang itinayo kasama ang matalik na kaibigan na si Lucas Thomas. Sa pinagsama nilang talino at galing sa negosyo, matapos lang ang ilang taon ay hindi naging kapanipaniwala ang tagumpay na tinatamasa nila ngayon.  Ang totoo ay hindi naman talaga niya pinangarap na maging doctor. Takot siya sa isipin na ang buhay ng isang tao ay nakasalalay sa mga kamay niya. Kaya pinili niya ang maging orthopedic surgeon kaysa ang maging cardiothoracic surgeon na katulad ng Mommy niya. Para kasi sa kanya ay mas mabigat ang responsibilidad kung puso ng tao ang hawak mo kaysa sa buto nito.  Ayaw naman niyang biguin ang Mommy niya. Siya lang kasi ang inaasahan nito na susunod sa posisyon nito bilang CEO ng Zamora Medical Hospital. Si Klynne kasi, bunso at nakababata niyang kapatid ay malayong sundan nito ang yapak ng Mommy nila. Takot kasi yun sa dugo. Isa pa ay mahilig iyon sa kotse. Kaya nga race track driver ang pinili nitong career.  Dahil sa pagiging doctor at negosyante kaya naging abala si Rob masyado at ngayon nalang ulit nakapasyal sa Samaniego farm. Noong maliit pa sila ni Klynne ay madalas sila dito lalo na tuwing summer. Ngunit noong itayo ng Daddy nila ang real-estate business nito ay naging padalang ng padalang nalang ang pagpunta nila sa Samaniego farm. Sa ngayon ay si Noah na ang namamahala ng farm, nakatatanda niyang kapatid sa ama. Ito rin ang nakatakdang magmana niyon dahil pareho sila ni Klynne na walang hilig sa pagbubukid.  Malalim na napabuntong hininga si Rob, iniisip kung tama ba na dito siya nagpunta para makapag-isip. Kinausap kasi siya ng Mommy niya tungkol daw sa relasyon nila ni Dr. Henna Santiago, anak ng stockholder ng ZMH. Sa tingin daw nito ay panahon na para lumagay siya sa tahimik at alokin na niya si Henna ng kasal. Bakit pa daw patatagalin kung doon din naman ang pupuntahan ng relasyon niya sa dalaga?  Ang problema, paano niyang gagawin ang iminungkahi ng ina kung wala naman silang relasyon ni Henna katulad ng iniisip ng Mommy niya? Isa pa, ang akala niya ay malinaw kay Henna na kung anuman ang namamagitan sa kanilang dalawa ay para lamang sa paningin ng publiko, walang mas malalim pa doon. Kaya lubos niyang ikinabigla ang nalaman niya sa Mommy niya, si Henna pa daw mismo ang nagsabi na gusto na nitong mapag-usapan nila ang tungkol sa kasal nilang dalawa.  Noong una ay akala ni Rob na iba si Henna sa mga babaeng kilala niya. Ngunit nagkamali siya, isa rin pala ito sa mga babae na sinasabi ng bunso niyang kapatid na si Klynne, ang mga babae daw na nakapalibot sa kanila ay walang ibang ambisyon sa buhay kundi ang makapag suot ng mas malalaking diamante kaysa sa mga kaibigan nito. Maliban daw sa katawan nila ay mas habol ng mga ito ang pangalan at dami ng numerong nakasulat sa mga bank accounts nila. Nakomperma niya iyon ng kausapin niya si Henna.  “Do you think I’m just one of those stupid leeches sorounding you, Rob? Akala mo ba talaga ay payag ako sa friendship with benefits na gusto mo? No! Pinagbibigyan lang kita dahil alam kong hindi ka pa handa sa isang commitment. But I have enough. Hindi ako papayag na gamitin mo lang ako para itaboy ang mga brainless leeches na umaaligid sayo. I’ll get what I want and that is to be the ZMH mistress,” iyon ang eksaktong salita na binitawan nito. Mga salita na paulit-ulit na nagpi-play sa utak niya. Henna clearly wants to be his wife not because she loves him but because of his position in ZMH.  “Tsk,” he sighed. Muling dinala ang hawak na baso sa bibig at sinaid ang laman niyon. Pagkatapos ay muli niyang inikot ang paningin sa katahimikan ng gabi. Kay gandang pagmasdan ng karagatan sa ilalim ng bilog na buwan at nagkikislapan na mga bituin sa langit. Napaka payapa at sobrang nakaka-relax sa naguguluhan niyang isip. Ramdam niya rin ang sariwang hangin na nasasamyo niya. Ibang-iba sa syudad.  Hindi nakapagtataka kung bakit ito ang piniling buhay ni Noah. Pwede naman itong magtrabaho noon sa real-estate o kaya sa restaurant business ng Daddy nila ngunit mas pinili nito ang pamamalakad sa farm.  Noong una ay inakala nila na sadyang umiiwas lang si Noah sa pamilya nila dahil hindi ito comportable sa Mommy nila ni Klynne at gusto rin nitong umiwas sa mga taong hinuhusgahan ang pagiging anak nito sa labas. Pero mukhang hindi iyon ang talagang rason ni Noah. Mas gusto lang talaga siguro ni Noah ang tahimik na buhay sa farm, less stress and less drama.  Naisip niya tuloy, bakit nga ba hindi ganoong buhay ang pinili niya noon? Pero as if naman pwede niyang gawin yun... Siya ang panganay na anak ng socialite queen na si Grace Zamora Samaniego. Baka atakihin ito sa puso kung sasabihin niya dito na mas gusto niyang mamundok kaysa ang maging CEO ng ZMH.  Ilang sandali pang binusog ni Rob ang mga mata sa magandang tanawin bago nagpasya na matulog na at ipahinga ang pagod niyang isip. Malalim na rin kasi ang gabi at sigurado siyang tulog na rin ang lahat. Ang nakatatanda naman niyang kapatid na si Noah ay nagpaalam kanina dahil pinuntahan nito ang kasintahan nitong si Stella at malamang na sa bayan na rin natulog.  Hinayaan niyang bukas ang bintana ng balkonahe sa kwarto niya. Gusto niyang samantalahin ang pagkakataon na sariwang hangin ang nalalanghap niya, pagbalik niya kasi sa syudad ay babalik na naman siya sa air conditioner.  Naghanda na siyang matulog. Hinubad niya ang mga kasuotan at nagbihis ng boxer shorts na tanging suot niya kapag natutulog. Pinatay niya ang ilaw at nahiga na sa  kama, sa ilalim ng kumot.  Naalimpungatan siya ng makarinig ng mga boses na nagbubulungan sa may labas ng kwarto kung nasaan siya ngayon nakahiga.  “Bilisan mo na at baka magising si kuya Noah at malalagot ako kapag nagkataon,” turan ng isang boses na pamilyar kay Rob. Sigurado siyang boses iyon ni Cassidy, bunsong kapatid na babae ni Noah sa mother side.  “Dahan-dahan lang, Lance. Baka mahulog si Cassie…” paalala ng isang boses din ng babae.  “Ano ba sa tingin mo ang ginagawa ko?” boses iyon ng isang lalaki.  “Gago. Huwag kang manghipo… Gusto mong matadyakan kita diyan?” boses ulit ni Cassidy.  “Hindi kita hinihipuan… Ang bigat mo kaya! Diet din kasi pag may time, Cassie,” halata ang pagbibiro sa boses ng lalaki.  “I’m not fat, gago! Malaman ko lang kung sino ang nagputol ng maliit na sanga na tapakan ko dito at malalagot talaga siya sa akin… Nahihirapan na tuloy akong umakyat dito,” litanya ni Cassidy.   “Bilisan niyo na at baka mahuli tayo ng kuya ni Cassie. Patay tayong lahat!” boses ulit ng babae pero hindi kay Cassidy.  “Ito na nga binibilisan na,” sagot ni Cassidy. Naririnig ni Rob ang parang hinihingal na boses nito kaya napabalikwas si Rob mula sa pagkakahiga para tingnan kung ano ang ginagawa ng grupo nila Cassidy sa baba ng balkonahe ng kwarto niya.  Tumaas ang isang kilay ni Rob. Sa ilalim ng bilog na buwan ay nakita niya si Cassidy, tinutulungan ito ng isang babae at isang lalaki sa pag-akyat sa puno ng Mangga kung saan may isang malaking putol na sanga ang nakakonekta papunta sa balkonahe ng kwarto niya. Malamang ay tumakas na naman ito sa kuya Noah nila. Minsan nang na kwento ni Noah sa kanya na malaki nga daw ang problema nito kay Cassidy. Mula daw ng magdalaga ito ay nagiging mas matigas na ang ulo nito, rebelde at mahirap pasunurin.  Nakaramdam si Rob ng pag-aalala na baka mahulog si Cassidy sa ginagawa nito. Ngunit agad din siyang nakahinga ng maluwag ng makitang tuluyan itong makaakyat sa puno at madali nalang ang gagawin nitong pagtawid papunta sa balkonahe.  Hindi niya alam kung ano ang naisip niya at bumalik siya sa kwarto at nahiga sa kama, siguro dahil ayaw niya itong takotin at ipahiya sa mga kaibigan nito. Nagkunwari nalang siyang tulog.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.0K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
91.7K
bc

His Obsession

read
72.8K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.3K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.1K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook