Lumipas ang walong buwan at sa tulong ni Mila ay naayos ko ang aking finances.
Sa halip na nakahalita lang sa bangko ang aking pera ay ngayon ay nagtatrabaho na sila habang AKO ang nakahalita. Naka invest na sila sa telecommunications company na pinagmulan ng yaman ng kaibigan ng bentahan nya ako ng kanyang prime shares at wala pang six months ay nabawi ko na agad ang puhunan ko at kumikita na rin ako by the thousands daily.
Now I know bakit nagtatrabaho pa din kahit part-time o reliever stewardess si Mila.
Kung hindi sya maghahanap ng ibang trabaho eh matetengga lang sya sa condominium nya dahil nakita na sya ng pera without even doing anything.
Gaya ng ginagawa ko ngayon.
Nakahiga ako sa sofa ng marangyang condominium ng aking kaibigan at walang ginagawa kundi maghintay ng updates ng stock market once in a while at mag binge watching ng mga koreanovelas nung kapanahunan ko sa internet.
Kim Sam Soon, Lovers in Paris/Prague, Save the Last Dance for Me, Boys Over Flowers, His Beautiful, My Girlfriend is a Gumiho, Endless Love Autumn in My Heart, Jewel in the Palace at Spring Waltz to name the few habang nanginginain ng pa deliver kong pagkain from nearby restaurants.
Tuwing M-W-F ay wala maghapon magdamag si Mila kaya naiiwan akong solo dito sa kanyang lungga. T-Th-S-Su naman ay halos kaladkarin na nya ako palabas ng unit para naman daw makalanghap ako ng polusyon ng kamaynilaan.
Nung minsan nga lang ay galing kami sa isang ampunan kung saan pinamigay namin yung mga nakatambak na imported chocolates na hindi ko rin naman pala nakayang ubusin dahil biglang nawala ung cravings ko sa kanila at napaltan ng ultimate aversion instead.
At least hindi na matetempt mag chocolate si Mila at makakahinga na rin ng maluwag ang kanyang kawawang refridgerator na ginawa kong tamabakan ng chocolates at junk foods for at least two months.
Ang nakakatawa eh sinusuka ata ng katawan ko yung pinagkakain kong junk foods dahil almost three months akong suka ng suka pag umaga. Kaso mukhang walang effect dahil nag gain pa ako ng timbang at kung dati ay troso lang ako, ngayon ay bapor na.
Almost nag double ang timbang ko at ang aking mga bilbil ay parang mga pera ko sa bangko na dumami na din. Ok lang sana kaso hindi na din ata kaya ng aking mga binti ang aking bigat. Nahihirapan na ako tumayo nitong mga nakaraang buwan.
Ang bilis ko na rin mapagod at kakakain siguro eh lagi akong tinitibi.
Lagi pa akong kinakabag.
Tulad ngayon, nangangamoy na naman dito dahil sa utot ko na kahit daga at ipis ay susuko.
"Ryn, pa-check up ka na kaya? Baka sakit na yan."
Naalala ko bigla ang sinabi sa akin ni Mila bago sya umalis for her work ngayong nagpapakahirap akong tumayo sa aking kinauupuan dahil na rin sa sakit ng balakang ko at ang aking napapadalas na pagkahilo kasabay ng p*******t ng ulo.
Sa wakas ay nakatayo na din ako at para akong penguin na naglalakad papuntang banyo para magbagsak ng bomba.
Pagkababa ko ng aking shorts at taas ng aking t-shirt ay umupo na ako at nag countdown.
Maya-maya pa ay napakunot ang noo ko ng magawi ang aking mga mata sa aking bilbil na may stretch marks na at sa aking mga binti na may naglalabasang mala bulateng varicose veins. Grabe, kailangan ko na bang mamroblema sa aking weight?
Sa wakas at natapos na rin ako sa aking makamundong gawain at flinush ko na ang toilet bowl na sa awa ng Diyos eh hindi nag Celine Dione (It's All Coming Back To Me Now) gaya nung minsan.
Paglabas ko ng banyo ay napatingin ako sa kalendaryo.
Grabe, ang tagal ko na din palang hindi dinadatnan ng dalaw (menstruation, wala akong lovelife). Normal na namang irregular na ako dahil nga sa katabaan ko at sa stress na din lalo na nung nasa abroad ako.
Five to six months akong hindi dinadatnan nung kasagsagan ng trabaho.
Pero ngayon lang ako umabot ng ganto katagal. Baka naman hindi lang taba reason kung bakit may bilbil ako ngayon. Siguro pag nailabas ko ito baka medyo mabawasan ang aking mga bilbil (para naman magkasya yung mga damit na binili ko a few months ago ang mamahal pa naman).
Nakakailang hakbang pa lang ako ng makaramdam ako ng hindi maipaliwanag na sakit ng aking tyan.
Napaupo ako sa sahig sa sobrang sakit.
"Appendix na kaya yang sayo babae? Lakad ka kasi ng lakad habang nakain. Ilang buwan na ba nananakit yang tagiliran mo?"
Grabe dapat pala sinunod ko na si Milla noon.
Bwisit, aray ko bakit sobra sakit bigla tapos parang kinakabag ako?
Lumingon-lingon ako sa paligid ko at nakita ko yung cell phone na binili ko a few months ago na nakapatong sa coffee table at pilit akong gumapang papunta doon.
Bawat kibo't galaw ko ay nakakangilong sakit ang nararamdaman ko. Para akong kinakabag na hindi ko malaman.
Sa wakas ay naabot ko din ang phone at mabilis at madiin na pinindot ko ang number eight sa screen.
Nag speed dial ito at automatic na tinawagan si Mila na sana lang ay hawak ang cell phone ngayon kundi ay tapos ako dahil ang layo pa ng intercom ng unit na connected sa lobby sa akin at hindi ko na talaga kaya pa umibo.
"Ryn? Napatawag ka?"
"Mila! Ang sakit ng tyan ko sobra! Mila hindi na ako makatayo sa sahig o makagalaw. Appendix ko ata to yung tagiliran nasakit eh!"
"Kapit lang! Papauwi na ako as fast I can!"
Bago maputol ang linya ay nakinig kong nagpaalam sya sa mga kasamahan nya na may emergency.
God, sana makapunta sya dito ng mabilis.
-0-
"God! Ano bang service ito?! Bakit ang tagal!" inis na reklamo ni Mila habang nakaupo kami sa lobby ng emergency room ng St. Lukes sa Taguig.
Huminga ako ng malalim at pilit kong tiisin ang sakit, "Mila, kalma. Kakarating lang natin wala pang one minute."
"Baka sumabog na yang appendix mo eh! Grabe! Nurse?! NURSE! OO DITO DALI!" malakas na hiyaw nito sa isang lalaki na lumabas tulak tulak ang isang wheelchair papunta sa amin.
Umiling naman ako agad ng makita ko ang wheelchair na tumigil sa harap ko, "Kuya, hindi ako kakasya dyan! Magdala ka ng collapsible stretcher!"
"Oo nga kuya tsaka magsama ka mga lima pa kasi hindi natin sya kayang iangat ng tayo lang!" sunod na utos ni Mila na nakahawak lang sa aking nanlalamig na kamay.
Mabilis na sumunod ang nurse at wala pang isang minuto ay lumabas ito na tulak na ang isang heavy-duty stretcher at limang mukhang mga bouncer na lalaki na nagtulong-tulong na buhatin ako pahiga sa dala nilang collapsible.
Hindi ko na halos alam kung anong nangyayari sa paligid ko habang nakahiga na ako. Ang blurred na ng paningin ko at ang gaan ng ulo ko. Nahihilo ako at tanging ang panic na boses lang ni Mila ang nakikilala ko sa halo-halong tunog ng mga pag-uusap ng mga nurses at ng isang doctor ata na kinakapa ang tyan ko at yung parte ng appendix ko.
"Oh my God Ryn! Ryn gising! Ryn! Hoy babae wag mo ako tulugan hinayupak ka!"
-0-
"Cykren, please just answer me why did you left me? Am I too fat? Am I just a joke to you?" pagmamakaawa ko sa kaharap kong lalaki na nakatungo at hindi nasagot, "Please! I beg you! WHY?!"
Magsasalita pa sana ako pero nagsimula nang maglakad ang lalaki sa harap ko palayo sa akin.
Sinubukan kong habulin sya pero kahit anong gawin ko ay hindi ko sya maabutan hanggang nakaramdam ako ng p*******t ng tiyan ko na hindi ko maipaliwanag at nadapa ako sa gitna ng kalye ng London at nawala na sya sa aking paningin.
Nilamon na ng kadiliman ang liwanag sa aking paligid at pakiramdam ko ay nahulog na ako sa isang bangin na walang ilalim...