Chapter 9

1966 Words
"Ryn blooming ka ngayon ah!" puna sa akin ni Mika habang nagsusuklay ako ng mabuti sa harap ng salamin na barely na magkasya ang malaki kong mukha. Sunday at date na naman namin ni Cykren ngayon. Sa buong buhay ko, ngayon lang talaga ako naging conscious sa pagpapaganda ng hitsura ko. Dati kasi ay wala akong pake sa sasabihin ng iba kaya kiber na lang. Ngayon, nahihiya ako para kay Cykren kasi mga curious at incredulous looks ang nakukuha nya pag magkasama kami sa labas at namamasyal. Mataba na nga ako given na iyon pero at least magmukha man lang akong malinis tingnan pag katabi ko ang gwapong royalty na nanliligaw sa akin. Yes. Nililigawan nya ako these last several months. Hindi lang ako ang nagulat kundi pati na rin sila Mika, Lyra at sampu ng mga katrabaho ko pati na rin amo ko sa Frever. Isa sa mga nobilities ng Great Britain, nanliligaw formally sa isang Overseas Filipino Worker or in my own words, Obese Filipino Worker. Imposible talaga. Si Mika na mismo ang garapalang sinabi sa akin na baka pinagkakatuwaan lang ako ng isang bored na Briton na ito. Ang mga westerners kasi pag minsan ay nahanap ng pagkakalibangan sa kanilang masarap na buhay unlike sating mga Pilipino na wala halos oras magdagdag pa ng pasakit sa aming mga hirap na ngang buhay. Hindi naman ako inutil. Alam kong malaki ang chance na hindi sincere si Cykren sa akin. Afterall, tatay ko lang naman ang kaisa-isang lalake na seryosong tumanggap ng buo kung sino at ano ang aking kaanyuan dahil syempre unica hija nya ako. Pero a part of me ay gustong paniwalaan na totoo ang sinasabi nya na mahal nya ako. After all, ang dami na namang instances sa Pinas kung saan hindi din naman kagandahan ang napapangasawa ng mga foreigners na Pilipina o Pilipino dahil hindi naman magkatulad ng tastes ang mga westerners pero masaya naman ang buhay nila mostly. Hindi naman siguro masamang umasa na isa ako sa mga babaeng swerteng makahanap ng lalaking foreigner na magmamahal sa akin diba? "Huy Ryn, dahan-dahan sa suklay! Sige ka baka mapanot ka!" saway sa akin ni Mika ng patuloy pa rin ako sa pagsusuklay. Huminga naman ako ng malalim at ibinaba na sa lamesita ang suklay na kanina ko pa hawak at tinitigan ko ang aking mukha sa salamin bago hinawak-hawakan ang matatabang pisngi at ang aking double chin. Kung dati hindi ko na pinapansin pero ngayong naaligid na sa akin si Cykren ay mas naiinis ako sa aking hitsura. Ang taba ko talaga. Magpapayat kaya ako? Hinarap ko ang aking kaibigan na tahimik akong pinagmamasdan, "Mika tingin mo pag pumayat ako, maganda kaya ako?" Bumuntong hininga lang ito bago umiling at tinulungan akong tumayo, "Hindi ko alam Ryn. Pero tandaan mo, payat o mataba ka man. Pumangit ka o gumanda. Kung mahal ka talaga kahit magmukha ka pang kalansay o lechon de leche hindi magbabago ang nararamdaman ng isang lalaki para sa iyo. Hindi ako sumagot at pilit na ngumiti sa aking katrabaho. "Ayan, smile ka lang. Ang cute mo pag nakangiti ka," sabi nya bago ako maingat na itinulak palabas ng pintuan, "Now go at siguraduhin mong makaka tsansing ka! Sulitin mo Ryn!" birong paalala nito sa akin bago ako pinagsarhan ng pintuan ng kwarto. Napatingin na lang ako sa labas ng bintana at inaninag ang skyline ng London. I enjoy ko na lang siguro ang time at ang moment na may isang lalaki na nakaka appreciate at nagmamahal sa akin. -0- "You sure you have your wallet with you?" maingat kong tanong sa kasama kong lalaki na naka ripped jeans at mamahaling t-shirt na nakatayo sa unahan ko at akmang papasok na sa isang mamahaling restaurant. Napangisi sya sa akin at naglabas ng isang leather wallet galing sa kanyang bulsa, "Yep, no worries. I gotcha covered!" masaya nyang sabi sa akin sabay hatak sa aking kamay at dinala na nya ako papasok sa isa na naman mamahaling restaurant na hindi ko pa nakakainan. Kada labas namin ay sa restaurant lagi ang bagsak naming dalawa. Mahilig din pala sya kumain gaya ko. Lahat ng mga exquisite at mamahaling pagkain ang pinapatikim nya sa akin. Thankfully, lagi na din nya dala wallet nya at nabayaran din nya ako sa utang nya sa akin. Nasanay na din ako sa mga curious looks at glances ng ibang tao pag nakikitang ang sweet nya sa akin. I mean hindi ko naman sila masisisi dahil kung ako ang nasa pusisyon nila ay mapapatitig din ako. Isang napakagwapong lalaki katabi ang isang napakatabang babae ang sweet na nagsusubuan. Dedma na lang ako kesa naman sa problemahin ko pa sila. Bawat oras na magkasama kami parang gusto kong sulitin. "Are you okay?" Napakurap naman ako at tumango, "Ah ano, yes. Yes, I'm fine," mabilis na sagot ko sabay subo ng karne. Grabe kahit pala may dugo pa yung steak masarap pa din! "I'll pay for this. Promise," sabi ni Cykren sa akin sabay labas ng isang Visa Credit Card na may tatak na Palladium. Sabi ni Ms. Recella ultra-rich lang daw ang afford makapag avail ng credit card na ganun. Well, isa naman talaga sa mga nobilities ang pamilya ni Cykren. It's like kung sakali mamatay ang reyna ng Britanya, kasama sya sa top 100 na susunod sa linya para maging hari ng U.K. Ganyan ka noble ng pamilya nila na nag eexist since medieval times. "Why me Cykren? Surely there are women far better than me that seeks your attention. Don't I make you laugh? Why, why waste your time on me?" diretsong tanong ko sa lalaking napatigil sa harapan ko. Nagdilim ang mukha nya at hindi ako sumagot bagkos ay tumawag ng isang waiter at nag bill-out na sya. Tumayo si Cykren at hinatak ako palabas ng restaurant. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin. Basta naglakad lang kaming magkahawak kamay hanggang sa makarating kami sa isang parke. Hyde Park if I'm not mistaken. Kakaunti na lang ang mga tao na nandito at naglilibot. Tumigil kami sa harap ng isang maple tree at binitawan na ni Cykren ang aking kamay at humakbang papalayo sa akin bago tumigil at tumingala sa maulap na kalangitan bago nagsalita. "I love you Ryn. I really do. Many girls love not me but my name and wealth. But you. I know you don't care about anything that I have. I want you because of your talent, your confidence, your resilience, your smile and your voice full of conviction and emotion. I'm under your spell you fat siren," natatawang sabi nito sa akin without looking back. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya. Katahimikan... Nakakarinding katahimikan ang bumalot sa aming panaginip hanggang sa nakakuha ako ng lakas ng loob... "Cykren... I..." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla syang lumingon sa akin at hinalikan ako sa aking mga labi. Hindi ko alam kung gaano katagal naglapat ang aming mga labi. Basta ang alam ko lang ay ang bilis ng t***k ng puso ko at parang binabagyo ang aking ulo. Sa wakas ay naghiwalay na kami pero hindi nya binitawan ang aking mukha at bagkos ay tinitigan nya ako sa aking mga mata. "When I look at your eyes, I can only see our future. Together with our kid, living happily together. Please be my future Katrina. Please be my freedom my love," seryosong pakiusap nya sa akin with his pleading blue eyes. Sino pa nga ba ako para tumanggi? Hindi ko alam ang kahihinatnan ng desisyon kong ito pero atleast, no matter what happen, nasabi ko naman na naranasan ko ding magmahal at magkaroon ng seryosong relationship kahit minsan sa buhay ko. "I will. Yes, I will be what you want me to be Cykre," naiiyak kong sabi ng nakita kong napaiyak sya sa tuwa at niyakap nya ako ng mahigpit. "I promise. I promise I'll make you happy Katrina," pangako nya sa akin as we hugged each other. And I believed him... -0- Unconditional, unconditionally I will love you unconditionally There is no fear now Let go and just be free I will love you unconditionally So open up your heart and just let it begin Open up your heart, and just let it begin Open up... Nakakinig ako ng masigabong palakpakan ng matapos ko ang kanta at nakita ko si Cykren na nakaway sa akin mula sa isang table sa sulok ng Frevr. Pagbaba ko ng stage ay sinalubong ako ng mga guests at nagpaunlak naman ako ng mga selfies at autographs. Nang maubos na ang mga tao sa paligid ko ay dumeretso na ako sa pwesto ni Cykren at umupo na sa tapat nya. "Sorry to keep you waiting," paumanhin ko sa kanya sabay inom sa isang baso ng tubig sa tapat nya. Umiling naman ito at ngumiti, "Not a problem. They adore you Katrina. They really do," masaya nyang sabi sa akin. Nakaramdam naman ako ng pride. Kahit namang ganto ako kataba, basta sa pagkanta sinisigurado kong wala nang mailalait sa akin ang kahit sino. Dito na lang ako nagbabawing puri at kumukuha ng dignidad para sa sarili ko. "Thank you. I'm so happy that they appreciate what I do. Thanks for reminding me," pasalamat ko sa aking kasintahan. Tumango sya sa akin at inayos ang kanyang buhok bago ako tinitigan ng masinsinan, "Happy Anniversary love," bati nya sa akin. Oo, isang taon na kaming magkasintahan. Kahit iilang beses lang kami sa isang buwan magkita, sinusulit naman nya ang bawat sandal na kami ay magkasama. Kahit patago lang kami gawa ng posisyon nya ay ayos lang. Hindi sya nagkukulang sa pagpaparamdam na mahal na mahal nya ako at importante ako sa buhay nya. May hihilingin pa ba ako? "You remember," naiiyak na sabi ko sa kanya. "Of course I did but hold the tears just yet, here," sabi ni Cykren sa akin sabay abot ng isang maliit na kahon sa akin, "Open it," utos nya sa akin as he stands up. Nacurious ako kaya binuksan ko ang kahon at laking gulat ko ng makita ko ang isang ring na pure gold at may diamond sa gitna nito. Kinuha ni Cykren ang ring mula sa kahon na hawak ko at sa laking gulat ko ay lumuhod sya sa harapan ko at kinuha ang aking kanang kamay. "Cykren?" Tinitigan nya ako at naramdaman kong sinusuot na nya sa akin ang singsing na to my surprise ay talagang sakto sa aking matabang daliri, "There are many futures ahead of us and I don't know what will happen but it's okay if I'm with you in each and every step of the way. Please, be my wife. Marry me," pigil hiningang tanong ng isang anghel sa harap ko staring at me with those piercing blue eyes, pleading and seeking my approval. "Cykren, please let me..." "Just choose between yes or yes, what's your answer?" mabilis na sangat nya sa akin. Napatawa na lang ako at bumuhos na ang mga luhang kanina ko pa pinipigian at tumango na ako, "Yes. You didn't give me a choice at all." Napatawa na lang ito at niyakap ako ng mahigpit bago hinalikan sa aking mga labi. Nakakinig ako ng malakas na palakpakan sa paligid naming dalawa. "I love you no matter who you are, where you are or what your weight is," bulong nya sa akin. "I love you too from the bottom of my fatty heart," buong puso kong sagot kay Cykren na tuloy pa rin ang pag iyak sa aking harapan, "Don't cry. Others will think you are forced to do this." Tumawa na lang sya at hinalikan akong muli. This might be the best day of my miserable life. Kahit pala ang isang ++ na tulad ko ay makakabingwit din ng taong tunay na magmamahal sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD