Chapter 8

2178 Words
 Dumating na ako sa point na hindi ko na alam ang gagawin ko sa lumolobo kong bank account. Siguro tama din sila Mrs. Recella at iba kong katrabaho na hindi naman masama kung mag-luluho ako paminsan-minsan. Pumunta daw ako sa mamahaling restaurant o di kaya ay mag-shopping ng mga gamit o remembrance dahil wala naman daw makakapagsabi makakabalik ako pag natapos na ang one-year contract ko. Well, tatanggapin pa rin naman daw ako. Pero we never know diba? So heto ako, nag-lalakad sa sidewalk. Naniningin-ningin ng pwepwedeng pagtapunan ng sobra kong pera. Pero satin-satin lang ha? Lampas na ng four million pesos na naiipon ko promise! Halos gabi-gabi ay may event akong pinupuntahan. Ang daming nagpapa-reserve sa amin nila Mika at Lyra ngaun. Ang gagaling daw namin. Kadalasan ay sa mga kasalan at anniversary si Mika, si Lyra naman ay sa mga school, proms at reunions samantalang ako ay sa mga parties, events at kung ano-ano pang kasiyahan. Syempre tuwang-tuwa si Mrs. Recella at iba kong katrabaho dahil sa bawat kanta namin sa gabi ay may parte ang buong restaurant. Bongga diba? Hindi lang kami ang nakikinabang, pati yung sa restaurant lang naka-base ay may commission din! Maganda ang sistema. Problema lamang ay halos wala ng singer sa Frever branch namin kaya yun, nag-papahanap ulit kay Ma'am Shamcey ang boss namin para makapag-focus kaming tatlo sa events. Nawala ang konsentrasyon ko sa pagmumuni-muni ng may makita (naamoy) na restaurant sa tapat ko. Grabe, parang ang sasarap ng mga pagkain. Steak, meatballs, pasta, sausages at kung ano-ano pang amoy palang ay tatarak na mata mo! Pinasok ko agad ang restaurant. "Welcome to Symone's, do you have a reservation?" bati agad sa akin ng waiter na parang model at sobrang bango pa! YUMMY! Pati mga staff dito mukhang appetizing din! (grabe ano na nangyayari sa aking utak? Liberated na rin!) Ngumiti ako at umiling. Medyo sumimangot si cute waiter, "I'm sorry lady but you must have a reservation first before you can dine here." "Oh I see. I guess I'll just leave then" malungkot kong sagot. Sayang mukha pa namang pwede na akong mamatay pag nakakain ako kahit minsan sa ganitong restaurant na pang-mayayaman lang. Well better luck next time Rynelette de Toryago! Akmang lalabas na ako ng restaurant ng biglang may humawak sa aking balikat. "Hey wait, Ryn!" Alam ko na kung kanino yung kamay at boses dahil sa unang word na sinabi nito kaya hindi na ako nag-abalang lumingon pero hindi ako nito binitawan. "She's my guest Drake" Kumunot ang noo ko at hinarap ko na ang tampalasang lalaki. Naka-maong at shirt lang si Cykren pero dahil siguro sa may aura itong mayaman (which obviously wala ako) ay mararamdaman siguro ng kahit sino na importante itong tao. Halatang hindi naniwala si cute waiter pero mukhang wala itong masabi dahil high-profile ang kaharap nya. Nag-bow na lang ito. "Please forgive my rude behavior and ignorance Lord Galesor. Shall I personally assist you and your guest back to your table?" magalang nitong offer. "Oh, no need. We can manage. Come, Ryn," magiliw na sabi sa akin ni Cykren sabay hawak sa kamay ko at iginiya ako papunta sa upuan nito. Hindi naman ako makatanggi dahil marami nang pasimpleng nakatitig sa aming dalawa at ayaw ko namang lumabas na mal-edukada akong tao kaya go with the flow na lang ang peg ko. Inassist pa ako ni Cykren sa pag-upo. Yung tipong sa commercial at series na napapanood ko sa mga cable channels dito sa U.K. "So what do you want to eat?" tanong ni Cykren sa akin ng inabot na ng waiter yung menu. Binuksan ko ito at natuyo agad ang bunganga ko. Umatras ang laway ko at biglang nawala ang gutom ko. Grabe, bakit nga ba ako nandito? Busog na busog pa ako! Magkakasala ako sa Diyos tiyak pag kumain ako dito. "A plate of crumpets, mango tart, steak rare and your finest wine, oh and something to nibble while I wait." sabi ni Cykren sa nag-aabang na waiter sa tapat ng table namin. Mabilis na nilista ng waiter ang order, "For your dessert sir?" "Frozen Haute Chocolate and soda" masaya nitong sagot sabay abot pabalik ng menu sa lalaki. Naku po! May ayawan naman diba? Sabihin ko na lang kayang naiwan ko yung wallet ko sa apartment ko o di kaya ay bigla akong nagta-tae? Nararamdaman ko na ang malalamig na butil ng pawis na natulo sa buong katawan ko kahit sobrang lamig ng air-con. Nanunuyo ang aking mga labi at alam kong namumutla at nauubusan na ng kulay ang mukha ko. Lunok na ako ng lunok kahit wala ng laway akong nalulumod. Pasimple akong tumingin sa mga katabi kong alam kong nakikiramdam sa akin at pasimpleng nakiki-osyoso. Diyos ko! Ano ba itong napasok ko? Napaka-tanga ko talaga! Simpleng Garlic Bread ay TWO HUNDRED EURO na! YUNG TUBIG ONE HUNDRED TWENTY-FIVE EURO. Grabe pwede ko kaya yung isangla? "Are you all right? You look pale" alalang tanong ni Cykren. Napatingin ako sa kaharap ko at mukhang magpa-panic na ito pag hindi pa ako umimik. Kunwari kayang himatayin ako dito para mailabas ako ng restaurant? Mukha naman akong madaling mag-hyperventilate. Pero syempre dumali na naman ang pride ko at kasing laki kong ego. "Oh, I---I'm fine, fine. Ahm... I want the Garlic Bread and water thank you" mabilis kong tinitigan yung waiter. Trinatry kong gawin yung willpower na nakinig ko sa isang nakaka-antok na seminar nung college ako. "Yan lang order ko wag ka na magtanong at umalis ka na agad. Yan lang order ko wag ka nang magta---" "Your main dish?" inosente nitong sunod na tanong. I'VE GOT THE EYE OF THE TIGER A FIGHTER DANCING TRHOUGH THE FIRE CAUSE I AM A CHAMPION AND YOU'RE GONNA HEAR ME ROOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOARRR OOOOOOARRRRR!!!!!!!!!!!!!!! Parang nagha-hyperventilate na nga ako at gusto ko nang sakmalin si kuya at bigtihin sya gamit ang large intestine nito. "Uhmmm...." (MAPAPATAY NA TALAGA KITA) "Hmmm. I guess I can't blame you Ryn. Even I don't know much of these dishes here. Let me order for you huh?" matamis na sabi sa akin ni Cykren. (ROAAAAAAAAAAAAR MAGSAMA KAYONG DALAWA SA IMPYERNO! DIE SMILING!) "Sure" yun lang naisagot ko. Masamang panaginip lang itong lahat Rynelette. Magigising ka na maya-maya lang at magpapasalamat kay God na nagising ka pa sa bangungot na ito. "Hmm. She'll have Salmon Fillet, Lasagna Royale and a bowl of fresh salad" nakakunot ang noo nito habang sinasabi ang kakainin ko. Tumango-tango naman ang waiter, "And for her dessert?" "Same as mine" Magalang na yumuko ang waiter at mabilis na lumayas sa tapat namin. Nakatitig naman ako sa labas ng restaurant. Kunwari ay sobrang interested ako sa mga nadaang tao pero sa totoo lang ay pasimple na akong nagawa ng rough calculation kung magkano ang mawawala sa akin. "Siguro mga one hundred thousand..." wala sa loob kong naimik habang hinihimas ko sa loob ng bag ko ang kaisa-isang credit card na nahawakan ko sa buhay ko. Visa ang tatak. "Huh? What's with one hundred thousand?" inosenteng tanong ng kausap ko. Lumingon ako dito at sumimangot, "I'm trying to convert the money I'm going to pay here from Euro to Pesos." "Uhmmm... about that" mahinang simula nito. Parang gumana ang woman's intuition ko. Parang may mali, "Is there a problem?" "You see, I--- I forgot my wallet..." halos pabulong nitong sabi "ANO?!" malakas kong hiyaw. Kung wala na talaga akong pakealam ay tinable-flip ko na itong lamesang ito na sa tingin ko ay sa lakas ng adrenaline rush ko ay mapapalipad ko ito palabas ng restaurant. Grabe bangungot nga ito! Sure na sure na ako! This is a NIGHTMARE! God gisingin nyo na po ako! Napatingin ang mga diners na nakakinig sa akin kaya minabuti kong huminga ng malalim at pigilan ang sarili ko na saksakin ng kutsara ang kaharap ko, "You mean to say that the reason why you invited here when you saw me is that you hope that I will pay for your food?!" "No! Not at all!" mabilis nitong tanggi "I just realized I forgot it when we sat down. I really want to talk to you more, we don't have any chance at all" "What if I told you that I don't have enough money in my bag?" mapang-inis na tanong ko dito. Namutla naman agad si Cykren, "Rea---really? I forgot my phone too. Damn it!" Hindi ko akalain na papaiyak na ito. Nakaramdam naman ako ng awa agad. Namumula na ang blue nitong mata at kagat-kagat na nito ang labi nito. Halatang natatakot na. "Joke!" mabilis kong sabi dito sabay ngiti sabay labas ng credit card ko. Nagliwanag naman ang mukha nito, "Don't scare me like that!" "Why are you so afraid? Surely someone from that big excuse for a house of yours will come and help you right?" takang tanong ko dito sabay subo ng garlic bread na dinala ng waiter. In fairness masarap talaga hah? "Well, I sneaked out. I'm supposed to be going somewhere but I'm bored so I went out of the manor without anyone noticing" Minabuti ko ng hindi tanungin kung saan dapat sya papunta dahil nangasim na ang mukha nito. Iniba ko na lang topic. "I've been wondering for a while now. What's with your skin? It's almost brown like Filipinos. Is that fake?" sa tindi ng teknolohiya ngayon ay wala na atang imposible basta may pera ka. Ngumiti ito ng matamis sa akin at kung makikita ko lang siguro ay malulunod ako sa dami ng charm na pinakawalan nito. Black wavy hair, brown skin, face of a British Royalty with blue eyes, every woman's dream talaga. "Nope. It's from my grandfather in my mother's side is a pure-blood Filipino native from Manila!" Ang lakas siguro ng dugo ng lolo nito kung hanggang sa apo ay bakas na bakas parin ang kayumangging kulay nito. "Oh," yun lang ang nasabi ko dahil dumating na yung pagkain namin. Mukha namang masarap. Well dapat lang. Mahal ang babayaran ko dito. Isa-isa kong tinanggal ang mga multi-sized na kutsara at tinidor pati yung kutsilyo sa harap ko at inilagay sa tabi. Itinira ko lang ang regular sized na spoon and fork dahil bilang isang certified Pinay ay yun lang ina-acknowledge kong eating utensils, well maliban sa kamay. "Do you have a boyfriend?" biglang tanong ni Cykren sa akin. Umiling ako sabay subo ng isda ng ubod ng sarap pala pag binalot mo dun sa fresh lettuce tapos dinip mo dun sa mayonnaise na mamahalin talaga ata. Umiral na naman ang kulo ng dugo ko, "Well if you have eyes and you look at me then I think you already know the answer." Tiningnan ko si Cykren at mukhang clueless talaga ito. "You--- you mean, because of your, uhm physical attributes?" ingat nitong tanong na parang takot na baka mag-hurumentado na naman ako. It's my turn para ngumiti ng matamis, "Exactly!" Nagulat naman ako sa expression ng mukha nito. Parang nag-liwanag bigla at mukhang namula pa ang mga pisngi. "What's your problem? Are you sick?" takang tanong ko dito. Mabilis at ilang ulit itong umiling sa akin pero hindi tinatanggal ang mga mata sa akin. Weird talaga. Ganito ba talaga ang ugali ng mga mayayaman sa U.K? Madami akong kaibigang lalaking halos kasing edad ni Cykren sa trabaho pero hindi ganitong kumilos. Parang awan! "I don't think we are formally introduced yet. I'm Cykren Galesor" inabot nito ang kamay nito na malangislangis pa. Kinuha ko naman ito, "Katrina Regio" ang pangalang iyon ang gamit ko lagi pag nagpapakilala ako kahit kanino dito. It's better to protect our privacy daw sabi nila Mrs. Recella at ni Lyra at Mika. Ang tunay na name pala ni Mika Santiago ay Karina Miranda. SI Lyra De Lima naman ay Elizabeth Garcia. Pangalan pareho ng mga babaeng politician sa amin. Lyla De Lima at Miriam Santiago. Lalakas nga ng trip. Yung sakin lang ang kakaiba. Pakiramdam ko kasi ang ganda-ganda ko at sobrang galing ko at talino pag Katrina Regio ang name ko.  "So that's where "Ryn" came from," manghang sabi si Cykren sa akin sabay tango. Napa oo na lang ako. Actually di ko naisip ung "Rin" ng Katrina pero buti na lang may pinaghugutan. Kung ano ano pa napagkwentuhan namin hanggang sa matapos na kami sa pagkain at nabayaran ko na (Jesus Help Me!) ang bill. Ayaw ko na isipin basta pangako sa akin ni Cykren eh ipapadala nya ung payment directly sa account ko as soon as he gets home. "Hey, can we eat again together some other time?" tanong nya sa akin bago kami maglakad sa magkaibang direksyon. Napatingin naman ako sa mala-anghel nitong mukha, "Sure. Just be sure you will pay for it next time," natatawang sabi ko dito. He laughed at me and nodded but not before stealing a kiss to my cheeks before running away. Parang tumigil ang oras sa paligid ko ng kinapa ko ang aking pisngi na nilapatan ng kanyang mga labi ilang segundo lang ang nakakaraan.  Ito ang unang beses kong makatanggap ng isang halik mula sa isang lalaki maliban kay tatay...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD