Chapter 7

1636 Words
"Oh God. Bahay ba ito o palasyo?" malakas kong sambulat ng makarating ako sa address ni Cykren Galesor Heir Apparent to the House of Galesor. Akala ko costume party ang pupuntahan ko na ang theme ay Prince and Princess ng England pero parang totohanan na ang peg! Grabe sa mamahal na sasakyan ang mga nagpapasukan sa "Manor". Kasinglaki ata ng Whitehouse yung mansion. Minabuti ko na pumasok sa auxiliary entrance sa halip na sa main entrance dahil, grabe! Sobra na akong na-iintimidate, lalo na ng makita ko si Queen Elizabeth na bumaba ng sasakyan! Daanan ng mga staff ang napasukan ko. Mabilis kong hinanap yung guard at nagpakilalang isa sa mga performer. Matagal akong tinitigan ni Kuya. Mukhang ayaw maniwala sa akin. Pinakita ko na lang yung papeles ko at visa tsaka yung introduction letter ni Mrs. Recella tsaka lang ako pinapasok. Itinuro sa akin kung paano makakarating sa backstage na nasa garden. Pero sa sobrang komplikado ng mga directions at sobrang slang sa English ay wala ako halos naintindihan. Habang naglalakad ay mabilis kong inayos ang suot kong Filipiniana dress. Iyon ang pinasuot sa akin ni Mrs. Recella. Blue ang motif nito at aquamarine ang suot kong set ng alahas na parehong bago kong bili. Naka-modern bakya ako na gawa sa kahoy at ang buhok ko ay naka-style na Imelda Marcos. Matapos akong ayusan ng mga babae kong kaibigan ay mukha na daw akong First Lady. Buti na lang talaga at sa tamang ayos at clothing illusion ay naitatago ang pagka-obese ko sa tulong na din ng aking tangkad. Ang make-up ko ay pinagmukha akong big-boned na babae dahil finocus ni Mika ang aking cheekbones para mag-mukha daw akong skinny kahit papaano pag natamaan ng ilaw. Ng mapadaan ako sa isang salamin ay napangiti ako. Na-iimagine ko na ang hitsura ko kung sakaling hindi ako mataba. Bumalik ako sa katotohanan ng makinig ko ang M.C na mag-sisimula na daw ang party. Sabi ni Mrs. Recella ay nasa sampu kaming performers na tig-iisang set ng tig-sasampung kanta. Pop love song ang laman ng set ko. Pang-lima ako sa mga kakanta at kailangang naka-standby na ako. No room for mistakes. Pangalan din ng Pilipinas ang dinadala ko. Pero hindi ko talaga akalain na ganito kaiimportanteng mga tao ang dadalo sa party at lalong higit di akalain na saksakan pala ng yaman at importante ang kakantahan ko. Nerve-wrecking experience talaga. Nang makadating ako sa backstage ay abalang-abala na ang mga singers. Syempre ako lang ata ang pipitsugin sa kanila. Mga international stars ang iba. Syempre nagpa-autograph ako at nagpa-picture. Ilan lamang sila Micahel Buble, Adelle, Elton at Phil Collins sa kanila. Yung iba sobrang prima donna at mga isnabero at isnabera. Mga bawal man lang malapitan, baka matetano ata sa akin. Lalo na yung sikat na boy group at yung international singer ng U.K. Matagal din akong nakaupo sa backstage at nakatitig sa kawalan, nakikinig sa mga speech, pag-bati, kantahan at mga yabag ng sayawan. Iba parin pala talaga ang birthdayan sa Pinas. Talagang magkaiba ng definition ng "saya" ang bawat bansa. Dito wala akong makinig na tawanan na malakas, mga kantyawan, maiingay na kubyertos na natama sa pinggan at mga makukulit at maiingay na bata. Parang sobrang "sosyal" at "stiff". Boring siguro para sa aking hindi sanay sa ganito pero mukha namang nag-eenjoy ang mga royalties. Ang hindi ko lang talaga akalain ay si angel-in-disguise pala ay big time boy. I mean, madaming pakalat-kalat na mga magagandang guys at girls dito na halos hindi mo na madifferentiate kung sino yung blue ang dugo at kung sino yung pula. Or hindi lang talaga ako marunong kumilatis ng ganung tao? "Ms. Kat, your next" biglang sabi sa akin nung event organizer. Napatayo ako at kinilabutan na parang next in silya elektrika ang nakinig ko. Umuurong dila ko at pinapawisan ako ng malamig. For the first time ngayon lang ako kinabahan talaga ng ganito pag nag-peperform ako. Dahil siguro sa ibang level ng tao ang makikinig sa boses ko at iba lang talaga ang aura na nilalabas nila. Yung tipong intimidating at humbling ang effect sa iyo. Huminga na lang ako ng malalim at nag-dasal sa Diyos. Umakyat na ako sa hagdan at tumango ako sa maestro na nag-simula ng patugtugin ang live band/orchestra sa saliw ng kanta na napili ko. Nag-simula na ang musika at nag-lakad ako papunta sa gitna ng stage. May spotlight pa talagang nakatutok sa akin. Tiningnan ko yung mga nanunuod at lalo ata akong kinabahan. Ang gaganda nila sobra. Syempre merong mukhang mababait at merong mukhang nasusuka sa aking bilbil. Dinedma ko na lang sila. Nandito ako para kumanta hindi para pansinin ang mga masasama ang tingin sa akin. Binayaran ako para ngumawa kaya ngangawa ako sa ayaw nila at sa gusto. Minabuti kong pumikit na lang at ialay kay Jesus Christ ang kanta ko. Maintindihan nila o hindi ay bahala na sila (may subtitle naman ata sa plasma screen sa likod ko pero, what the HECK) Sa ngayon, si Jesus lang ang audience ko... Ikaw lamang ang pangakong mahalin Sa sumpang sa'yo magpakailan pa man Yakapin mon'g bawat sandali Ang buhay ko'ng sumpang sa'yo lamang alay At mapapawi ang takot sa 'kin Pangakong walang hanggan Unti-unti akong nakakaramdam ng kapanatagan at lakas ng loob. Nakapikit ako at ang nakikita ko lang talaga ay ang nakangiting si Jesus na nag-eenjoy sa kanta ko kaya lalo kong pinilit gandahan ang aking kanta. Ikaw lamang ang pangakong susndin Sa takbo sakdal, liwanagan ang daan Yakapin mong bawat sandali Ang buhay kong sumpang sa'yo lamang alay At mapapawi ang takot sa'kin 'Pagkat taglay lakas mong angkin Ng minulat ko na ang mga mata ko ay nakita ko na lang na nakatitig sa akin si angel-in este Lord Cykren sa akin. Sobrang seryoso ng mukha, hindi ko malaman kung napapangitan sa kanta ko o naaadwa sa hitsura ko. Lalo ko na lang siyang iinisin dahil lalo kong gagandan ang boses ko habang nakatitig sa kanya. Ikaw ang syang pag-ibig ko Asahan mo ang katapatan ko Kahit ang puso ko'y nalulumbay Mananatiling ikaw parin... Hindi ko na maatim na titigan ang kanyang walang ekspresyong mukha kaya minabuti ko ng pumikit na lang kesa mawalan pa ako ng momentum ay magkanda letse-letse ang kanta ko at mawalan pa ako ng pinagkakakitaan. Ikaw lamang ang pangakong mahalin Sa sumpang sa iyo magpakailan pa man Yakapin mo'ng bawat sandali Ang buhay kong sumpang sa'yo lamang alay At mapapawi ang takot sa'kin Pangakong walang hanggan... Nang imulat ko ulit ang mga mata ko ay parang nag-iba ang aura ng paligid. Parang gumaan at ang mga nanonood ay parang titig na titig sa akin. Siguro nagandahan sa boses ko. Well, ganyan talaga ang mga pinoy, basta pagkakakitaan sa abroad kahit ano pang trabaho yan gagawin ng todo. You will always get what you paid for from Filipinos! At mapapawi ang takot sa'kin Pagkat taglay mong lakas angkin... Nagpalakpakan ang mga bisita at syempre, magalang at maingat akong nag-bow dahil baka mapunit ang aking hapit nang gown. Paano pa kaya kung kumain ako kanina?! -0- A part of me will always be... With... You... "The Frontier Restaurant and Events Center sends their heartfelt greetings to Lord Cykren Galesor, Heir Apparent to the House of Galesor who celebrates his birthday tonight. More blessings and may fair fortune be with you always. It is a great honor for me on behalf of my company to perform in front of you all. Thank you." Nagpalakpakan sa huling pagkakataon sa akin ang mga bisita ng matapos ko ang aking huling kanta. I consider it a mission accomplished. Mukhang ayos naman ang aking raket ngaung gabi. Mabilis akong pumunta sa backstage at dumeretso sa comfort room. Dali-dali akong nagpalit ng damit at nag-tanggal ng make-up. Nine pa lang naman ng gabi at gusto ko ng makauwi ng maaga at humilata. Ng nag-lalakad ako papunta sa employee's exit ay "muntik" ko ng makasalubong si Cykren sa pasilyo. Buti na lang at nag-sharp turn ako. Nakaka-awkward kaya dahil may naka-sabit na very, very pretty and classy blonde sa kanya na para atang na mighty-bond sa katawan nito. Mukhang ihahatid sa parking lot ni Cykren si girl. Well, no use wallowing over self-pity na walang mag-hahatid sa akin pauwi kundi ang sarili ko lamang. Ng makalabas na ako ng gate ay nakahinga ako ng maluwag. Nagunat-unat ako at nag-c***k ng mga buto. Masyado talagang na-stiff ang aking kawawang kawatan. Oh my poor bilbils, naipit sa lintis na gown na yun! "AY KAPRE?!" malakas kong sigaw ng may tumalon pababa ng puno. Tapos bigla kong naisip na wala pala ako sa Pilipinas, "Teka paano magkaka-kapre dito ay London ito?!" "Hoy! Wag ka ngang manggulat! May topak ka ba?! Huh?" Napatigil ako sa pag-huhurumentado ng maaninagan ko kung sino ang nasa harapan ko. "Hey, calm down! I'm sorry for startling you." Si Cykren lang pala. Grabe ano ang ginagawa nito sa taas ng puno?! At, teka... parang mas gwapo ata sya pag maamo ang mukha nito at nakasilay ang ngiting matamis... (Teka, x-rated na ito para sa aking inosenteng utak, erase-erase-erase!) Naalala kong bigla ang customs sa U.K. Nag-bow ako ng mabilis, "Appology accepted Lord ahmmm... ano nga ba... eh... Lord Galesor, sir. I'll leave now." Ayoko nang mag-tagal. Mauubusan na ako ng English dito. Ng aktong tatawag na ako ng cab ay humarang agad ito sa harap ko. "Hey wait! Let me thank you first for coming Ryn. I really, REALLY love your voice" sabi nito habang nililipad ng summer wind ang buhok nitong mukhang silk sa lambot. Voice lang? Hindi pwedeng ako din?! AY letse! Ano, ano na naman ba ang pumapasok sa madumi kong utak! Kailangan ko ng mag-general cleaning ASAP! "Thank you sir and happy birthday again." Yun lang at mabilis na akong sumakay sa cab na tumigil sa tabi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD