The minute you walk in the joint
I can see you were a man of distinction
A real big spender
Good looking, so refined
Say, wouldn't you like to know what's going in my mind?
Sumigaw ng "YES" ang mga matatanda sa akin ng bigla akong tumigil at nagtanong. Ngumiti ako at kumindat sa audience at nag-flash ang mga camera. Medyo nawala ang hiya ko sa suot ko. Body hugging na red dress. All out red ang attire ko mula fascinator hanggang sa heels. May matching red fur scarf pa ako na pinapaikot-ikot ko pa.
Kung nasa atin lang ako ay tyak na sasabihin na nakaka-suka ang hitsura ko. Mataba na pilit nagpapa-sexy at nang-aakit. Pero dito, kahit yung mga anak at apo ng mga senior citizen ay tuwang tuwa sa aking hitsura at enjoy na enjoy ang pang-iimpersonate ko kay Dame Shirley Bassey.
"You would?" seductive kong tanong ulit.
Naghiyawan ulit ang audience ko na halatang nabitin. Tumango ako sa live band-orchestra ko at tinodo ko na ang finale song ko.
So let me get right to the point!
I don't pop my cork for every man I see!
Tinapik ko ang mataba kong pwet at kumendeng. Habang lumalakad ako ng sexy papalapit sa gilid ng stage.
Hey big spender!
Hey big spender!
Hey big spender!
Spend........
A little time with me....
NOW!
Tinaas ko ang kanang kamay ko at ang aking kaliwang paa sabay pose. Walang katumbas na kaligayahan ang narinig kong palakpakan at papuri ng audience sa akin. Nagpasalamat ako kay Lord at tinulungan na naman nya ako.
Ng bumaba ako ng stage ay inabot pa ako ng thirty minutes bago makarating sa comfort room dahil sa daming nagpa-picture sa akin. May nanghingi pa nga ng autograph at business card ng Frever. Inasure ko silang lahat na mas madami pang magagaling sa akin ang nagtatrabaho sa Frever.
Selling point naming mga performer ng Frever na bigay todo ang performance para satisfaction guaranteed lagi. Kung tutuusin ay mas forte ko ang mga ganitong events. Mas magaling sa wedding events si Mika sa akin samantalang si Lyra naman ay pang restaurant at casual school parties talaga ang forte nito.
Dahil sa ganoong set-up ay naiiwasan ang inggitan at sapawan. Lahat ay happy kumbaga. At speaking of happy. Mukhang madami na naman akong kita ngayong gabi. Di hamak na mas mabigat ang sobre ngayon kesa nung kasalan.
Tapos na ako magpalit ng damit at nung paglabas ko ng c.r ay nakita ko si angel-in-disguise. Alam kong nakita ako nito pero hindi man lang ako pinansin. Mukhang gutom na naman or may pinagdadaanan.
Sayang, akala ko naman magiging "friends" na kami sa ganda ng huli naming pag-uusap. Oh, well. Ganyan talaga ang buhay Rynelette de Toryago. Hindi pwedeng swerte ka na sa pera, swerte ka pa sa pag-ibig! Kris Aquino talaga ang peg ng buhay ko ata.
Habang naglalakad ako papunta sa highway kung saan may matatawag akong cab ay bigla kong naalala na halos six-months na pala ako dito sa London. November ako dumating tapos lumipas na ang fall, winter at spring. Malapit na mag-summer. Regular employee naman ang turing sa amin sa Frever kaya wala kaming problemang ma-endo.
Tuloy-tuloy lang ang ipon. Hindi ko pa alam kung saan ako dadalhin ng kapalaran pero at least, financially prepared ako.
-0-
Two weeks later...
"Huy Ryn, ang gwapo ng nakaupo sa v.i.p" bulong sa akin ni Lyra ng makipagpalit na ako sa kanya ng pwesto sa stage as usual.
"So?" bored kong tanong.
Wala sa audience ang mga mata ko at nasa orasan. Sabado ng umaga ngayon at half-day lang ang restaurant. Pagkatapos ni Lyra ng saktong twelve ng tanghali ay magsasara na ang restaurant at ang open na lang ay ang office at H.R department ng Frever.
Weekly swelduhan na ng mga empleyado at madaming branch ang Frever. Sa U.K pa lamang ay three thousand na. Two hundred sa mga ito ay singers katulad ko. Ewan ko lang sa ibang bansa pero balita ko ay mas madami pa ang employed workers ng Frever.
"Anong so-so? Ryn, nakatitig sa iyo si Mr. Gwapo!" madiin nitong bulong sabay pasimpleng turo sa table sa harap namin.
Pag-lingon ko naman ay napataas ang kilay ko ng makita ko si angel-in-disguise. Nakangiti ito ng matamis sa direksyon ko at pilit hinuhuli ang mata ko na mabilis kong naiiwas papunta sa orasan.
Ng makitang parang wala parin akong matinong reaction ay iniwan na ako ni Lyra at nag-simula ng kumanta sa stage. Dinilaan ako nito sabay kindat.
Napailing lang ako at dumeretso na ako sa exit ng restaurant para mag-gala. Wala akong makakasama dahil nasa kasalan si Mika at si Lyra naman ay tutulog maghapon. Target ko ngayon ay ang London Bridge. Hindi pa rin ako nakakabisita sa famous landmark ng U.K sa sobrang busy ko.
Nakakailang hakbang pa lang ako ay nakinig ko bigla ang boses ni angel-in-disguise.
"Hey, wait up please!" tawag nito.
Alam kong ako ang tinatawag nito pero dedma lang ako. Bakit ako titigil? Wala namang pangalan o stage name ko na nabanggit? What if tumigil ako, lumingon, only to find out na hindi pala ako ang tinatawag? Assuming ang labas ko! Kahiya!
Kunwari wala ako nakikinig at derederetso ako ng lakad habang naninigin ng mga naka-display na mga damit sa mga shoppe na nadadaanan ko. Akala ko wala nang nasunod sa akin pero tama nga si tatay. Madaming namamatay sa maling akala.
Muntik na nga akong himatayin ng bigla na lang sumulpot sa unahan ko si angel-in-disguise sa unahan ko. Syempre hindi nagpahalata ang inyong abang lingkod. Pasimple akong tumalikod, kunwari may damit na nakakuha ng atensyon ko.
Habang nakatitig sa pagkamahal-mahal na damit na suot ng itim na manekin ay pinipilit kong isipin kung paano ako naunahan ni angel-in-disguise at bigla syang nag-iba ng mood. Well, understandable naman dahil hindi ko pinansin sya.
Huminga na lang ako ng malalim at nagkibit-balikat. Minabuti kong sundin ang aking plano at dumeretso nalang sa lintis na pulang bridge na yun ng matapos na ang paghihirap ko.
Pagkalingong-pagkalingon ko ay napaumpog ako sa dibdib ng isang tao. Base sa boses ng suminghap ay binata ito at parang muntik pang tumumba sa lakas ng impact. Syempre, imagine, seventy-eight kilos na babae ang biglang bumunggo sa iyo.
"Ay... Naku... Sorry po... este, I mean, I'm sorry!" mabilis kong hingi ng tawad. Ayokong mapa-deport ng wala sa oras.
"It's all right. It hurts a bit though."
Tumingala ako para tingnan at laking gulat ko ng makita kong nakangiti ng matamis sa akin si angel-in-disguise. Hindi kaya bi-polar ito or merong multiple-personality disorder? No, Rynelette, wala ka karapatan mag-isip ng ganyang. Madaming tests ang pagdadaanan bago malaman kung may pahid nga ba ang tao o wala.
"Sorry again! Goodbye sir!" mabilis kong paalam dito pero bigla na lang ulit itong humarang sa harap ko.
"Hey, why are you always in a hurry? Can we talk?" maamo pa sa tupa ang mukha nito na parang nang-aakit o ano.
Well, bakit nga ba naman ako naiwas in the first place? Ahhh... dahil baka mahalata niya na crush ko sya at masira ang paninindigan ko na ni minsan ay hindi ako mai-inlove sa lalakeng mas maganda pa sa akin ng isang paligo pataas.
Inayos ko ang mukha ko. Poker face mode, "Sure we can. Is there a problem?"
"Oh no, nothing. In fact, I just wanna ask if you can sing for my birthday this coming Saturday?" seryosong tanong nito sa akin.
Napamaang naman ako dito, "Why are you asking me about that? If you want me to perform then all you have to do is go to Mrs. Recella and ask for me personally."
"I want to ask you first. I want to give you a chance to reject my offer."
Hindi ko mapigilang ma-impress sa kausap ko. Napaka-gentleman. Kung normal lang akong babae ay tiyak na magba-blush na ako. Pero sa kadahilanang self-proclaimed abnormal ako ay tumango lang ako.
Sasagot na sana ako pero umimik ulit ito, "I promise I will pay you handsomely. Name any price. I'll make sure you get it after your performance."
"Sure. I want ten-thousand pounds" walang kaabog-abog kong sagot kay pogi.
Hindi ko alam kung magkano ang ten-thousand pounds pero ang pinaka-malaki kong kinita ay seven hundred. Type ko lang mang-trip ngayon kaya binigyan ko ng presyo na tyak aayawan nito... hehehe...
"How do you want to get paid? Through card or cash?" masaya nitong tanong.
Napanganga ako ng wala sa oras. Sinabi ko lang yun para umayaw si pogi. Hindi ko akalaing dadating ako sa puntong mauubusan ako ng bala!
Pinilit kong iayos ang panga ko at ngumiti o ngumiwi sa kausap ko, "It's just a joke! The regular talent fee is enough. If you still want me then talk to my employer. See you!"
Dali-dali akong tumalikod at lumakad na ng mabilis palayo kay angel-in-disguise. Grabe expect the unexpected talaga. May mga tao pala talagang kakagat sa mga pakulo ko. Tsk.