Chapter 5

1526 Words
Nakaupo ako sa lobby ng One Aldwych Hotel habang hinihintay ang magpapa-pasok sa akin sa event room. Kinakabahan ako at pinipilit kong ayusin ang aking dress na wala namang gusot. Nakasuot ako ng above the knee, white dress na may black belt. Nakalugay ang kulot kong buhok at simple lang ang make-up ko. Si Mika ang nag-ayos sa akin at ang nagpa-hiram ng suot kong pearl jewelries. Nananalangin ako kay God na nawa ay bigyan nya ako ng lakas ng loob at sana ay wag akong pumiyok. "Ms. Katrina from Frontier Restaurant and Events Center?" Napatingin ako sa nagtanong at napanganga ako. Grabe. Anghel ba ang kaharap ko? Black yung buhok nya pero may accent ng blonde, halatang natural. Kayumanggi ang balat pero ang mukha ay British. More or less six foot and three inches ito at lean ang katawan at higit sa lahat blue ang mga mata. Sobrang contrast sa kayumangging balat nito pero ang lakas ng appeal. Letse, ang gwapo, walang sinabi si Papa Piolo! Ok Rynelette. Gwapo lang yan. Dapat masanay kanang nakakakita ng mga magagandang lalaking sobrang lakas magpakawala ng pheromones. Ngumiti ako at tumayo. Buti na lang medyo matangkad na ako sa six inches kong height thanks to my tatay na six one ang taas kaya hindi ako masyadong nanliit sa kanyang presensya. Malaking bulas akong babae at sa suot ko, hindi masyado akong halatang obese, parang big-boned lang. "Yes sir" mabilis kong sagot. Hindi ngumiti sa akin si pogi at tumalikod "Follow me." Nagsimula itong maglakad at sumunod naman ang yours truly. Buti na lang sobrang ganda din ng hotel. Ilang stars kaya ito? Sobrang mamahalin ng mga display. Kailangang mag picture-picture din mamaya bago umalis. Remembrance din! "Here we are," biglang sabi ni angel-in-disguise. Tumingin ako sa room at napanganga ako ng wala sa oras. Black and white ang theme ng reception. May mga real butterflies na nalipad-lipad sa room at punong-puno ng white rose ang paligid. Meron nang mangilang-ngilang mga bisita na ang suot ay alinsunod sa motif ng kasal. Kaya pala black and white ang pinasuot sa akin ni Mrs. Recella. "My friend will be here any minute. Go to the stage and do your thing." Yun lang at iniwan na ako ni pogi. Tiningnan ko naman ang stage kung saan ako mag-peperform at huminga ng malalim. This is it Rynelette de Toryago, the turning point of your career. All you gotta do is do your best and ATAPANG ATAO! Mabilis kong umakyat sa stage at inayos ang tablet na magsisilbing lyrics guide ko at control ko sa mga kakantahin ko. Nilagay ko sa kantang requested at nilipat sa final chorus ang seeker. "Ladies and Gentleman. The newlyweds, Mr. and Mrs. Elsworth!" malakas na announce ng M.C. Bumukas ang pinto. Cue ko na yun. Plinay ko ang kanta at bumirit. From this moment As long as I live I will love you I promise you this There is nothing I wouldn't give From this moment... I would love you... As long as I live... Nakita kong naiyak ng bigla yung magandang bride at yung mga magulang kaya lalo akong ginanahan. From this moment on... Pagkatapos ng kanta ko ay nagpalakpakan ang mga tao at kumaway sa akin ang bride at yung groom nya. Nag-bow naman ako. Fulfilled na fulfilled naman ako. Napapaiyak na din ako pero pinigil ko at sinimulan ko ng kantahin ang unang kanta sa first set ko. -0- "Your songs are very beautiful Ms. Olitoquit" masayang puri sa akin ng nanay ng bride. Austrian pala yung girl while British yung guy. Maganda yung nanay ha? I mean bakas na bakas ang dating ganda. Ngumiti naman ako at nag-bow ulit, "Thank you Ma'am. I'm glad you like my songs." "Mrs. Recella speaks highly of you and correct me if I'm wrong, this is your first wedding performance right?" "Yes Ma'am." "I can't believe it. You sang like a pro!" puri ulit nito na halatang na impress sa akin. Syempre na-boost ang confidence ko ng makinig kong pinagmamalaki ako ng employer ko at pinupuri ako ng may pakasal! Tapos na ang kasalan at nag-sisimula ng mag-uwian ang mga bisita. Mga malalapit na kamag-anak na lang ang natitira. Lumapit sa akin yung bagong kasal at inabot ang isang makapal na sobre. Sabi ng dalawa kasama na daw yung mga tip galing sa ibang mga bisita. Syempre nagpa-picture ako kasama yung mag-asawa for remembrance. Nasa gitna ako ng dalawa. Nakayakap sa akin yung bride at naka-akbay sa akin yung groom. Masaya akong naglakad palabas ng hotel. Makakapamili na ako ng mga matitinong dress para sa mga susunod kong performance at kung kakasya ay bibili na din ako ng mga alahas para hindi na ako manghiram kay Mika. Malapit na ako sa exit ng biglang may humarang sa dinadaanan ko. Lo and Behold! Si angel-in-disguise. Ang gwapo talaga nito sa suot na coat and tie. Sayang lang at hindi kami bagay. Hay buhay. "Hey!" malakas nitong tawag ng pasimple akong umiwas. Kunwari hindi ko sya nakita habang may binubungkal ako sa bag ko. Kunwari nagulat ako at napatingala. Nakita kong matamis na nakangiti sa akin si pogi at naglabasan ang mga dimples nito. Maganda ata ang mood ngayon. Baka gutom lang kanina. "Ahhh... Yes? How can I help you?" magalang kong tanong ng hindi ito naalis sa harap ko. Lalong ngumiti ito sa akin, "How can I make a reservation in your restaurant?" "Oh..." dismayado kong simula. Akala ko hihingin nya number ko! Hehe. Ilusyonada din ako paminsan-minsan. Inayos ko ang tabas ng mukha ko at ngumiti, "You can go to our Main Branch in Greater London for your reservation every Saturday only sir. You can find the exact address here," inabot ko yung business card ng Frever. "Thanks!" masaya nitong sabi sabay bulsa ng card. Tumango ako at lumabas na ng hotel pero pakiramdam kong nakasunod pa rin sa akin ang mga mata nito. Pero syempre feeler ako kaya baka feeling ko lang yun haha. -0- I thought we'll always be happy, happy I though you'll always good for me Guess I was wrong Guess you'll always be my... Happy, happy... Happy never after... "That's Happy Never After by Megan and Liz. Please enjoy the rest of the night with us here in Frever's Blue Wednesday, thank you" sabi ko sa mga parokyano namin pagkatapos ng set ko. Kumaway ako kay Lyra, ang kasunod na kakanta pagkatapos ko dahil "opening act" lang ako. Mabilis naman itong lumapit at nagpasalamat sa akin dahil nakapamahinga sya ng matagal-tagal dahil kakagaling lang nya sa sakit. Actually, pagkababa ko ng stage, may mga nagpa-picture sa akin at yung ibang couples ay nag-request na makikain ako sa kanila. Magalang akong tumanggi at dumeretso sa kusina kung saan alam kong medyo stressed na ang mga tao dahil tatlo sa mga kitchen staffs ay nagkasakit bigla gawa ng panahon. Sinuot ko yung apron at hair net pagkatapos ay dumeresto na ako sa lababo kung saan nagsimula na akong mag-dayag. "Hay salamat naman at dumating ka Ryn. Hilong-hilo na kami ni Kaycee dito!" pagod na reklamo ni Tina habang mabilis na nagtutuyo ng mga pinggan. "Ugh! Well at least we are getting paid handsomely, Tina" alo ni Kaycee sa best friend sabay deliver ng bagong hugasin sa akin. Napangiti naman si Tina sa narinig at tumango, "Tomo! Mabibili ko na din sa susunod kong pag-uwi yung dream house ko para kay nanay at tatay!" "Wow! Ikaw na nga Tina!" sabi ko dito habang binabanlawan ko ang mga kubyertos. Tumingin sa akin si Kaycee at nagtanong, "How about you Kat? You are raking in cash everytime you sing! Any plans for your money yet?" "Wala pa eh. May bahay na naman ako sa Quezon tsaka wala naman ako masyadong luho o gustong puntahan kaya ayun. Nakatiwangwang parin sa bangko ang pera ko." "Saving for the future huh? Well as for me, I will use my money to buy a house like Tina here. I really need to settle down with Brent" sabi sa amin ni Kaycee sabay turo sa cook na kumindat sa aming tatlo habang nagluluto ng soup. Nagkatinginan na lang kami ni Tina. Maagang nagpakasal sila Brent at Kaycee pero hindi naman dahil sa nagka-anak silang bigla kundi dahil sa atat lang talaga ang magkasintahan. Nakakainggit din para sa aming mga single ang makita ang dalawa na sobrang sweet. "Oi Ryn, tawag ka ni Mrs. Recella! May nagpa-reserve na naman sa iyo!" sabi ni Mika na bigla na lang sumulpot sa tabi ko at mabilis na kinuha ang suot kong apron at hair net. Mabilis akong nagpa-alam sa mga katrabaho ko sa kitchen at dumeretso agad sa office ni Ma'am. Ayaw nito na pinaghihintay sya kaya sa oras na ipatawag ako nito ay dali-dali akong napunta agad ora mismo. Naabutan ko itong nagbabasa ng mga papeles. Gaya ng dati hindi ito mahilig ngumiti pero alam ko naman na deep inside ay caring ito at mapangunawa. "Good, you're here. I've got another re quest for you at a certain plaza downtown. It's for the Alumni Party of batch sixty one of a certain university." Wow, bagong experience 'to. Matatanda naman ang kakantahan ko. Dati puro kasalan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD