Chapter 11

2036 Words
Nandito ako ngayon sa aming tinutuluyang silid ni Mika. Solo ako dahil may shift ang kaibigan ko ngayong gabi. Lumipas ang dalawang araw at parang wala lang lahat sa akin. Wala pa rin akong maisip o maramdaman maliban sa kirot ng aking puso na hindi ko maipaliwanag. I continue on with my life. I work, I sing, I smile and I laugh. But I'm empty. Compeltely empty. Devoid of feelings that I ought to feel. Nothing just nothing. Kung meron man siguro akong nararamdaman ngayon ay inis siguro iyon. Kanina pa ako sa tapat ng lababo at pilit kong inaalis sa aking daliri ang engagement ring na isinuot dito ni Cykren. Nasubukan ko na ang lahat, mantika, olive oil, sebo de macho, alcohol, tubig, coke, calamansi, suka, grasa at lubricant ng motor na nakita kong nakapatong sa bedside table ni Mika pero ayaw talagang lumuwag at matanggal sa mataba kong daliri ang pesteng singsing na ito. Susuko na sana ako pero nahagip ng aking paningin ang nakasabit na kutsilyo sa tapat ng electric stove namin at tiningnan ko ang aking daliri. Napaisip ako, ang panghabang-buhay na alaala na dala nitong singsing o ang pagkawala ng isa sa sampung daliri ko? No brainer. Kinuha ko ang kutsilyo at iniayos ang aking daliri at akmang ibabagsak na dito ang hawak ko ng makakinig ako ng isang nakakagulat na irit. Sa gulat ko ay nabitawan ko ang hawak ko at napalingon ako sa aking likod. Nakita kong nakatayo doon si Mika na gulat na gulat na naglalakad papalapit sa akin. "RYN?! ANO BANG NAIISIPAN MO? HINDI SULOSYON YAN SA PROBLEMA MO! WAG MONG KITILIN ANG SARILI MONG BUHAY!" naiiyak na sigaw nito sa akin sabay alog sa aking mga braso. Napakunot naman ang noo ko, "Hindi ako magpapakamatay. Hindi ko lang matanggal ang singsing na ito sa aking daliri. Naisip ko putulin ko na lang," wala sa loob kong sabi sabay kibit balikat at balik sa harap ng bukas na maleta sa kama ko. Ngayong araw na ito ang araw ng pag-uwi ko sa Pilipinas. My last day sa work pero pinayagan ako ni Ms. Recella na lumiban para makapaghanda ako ng mga gamit ko. Ang hindi ko na lang naiimpake eh ang aking mga sapatos at ang dalawang paper bags sa gilid ng kama ko. Napasip ako bigla at bigla kong nilingon si Mika na alalang nagbabantay sa akin, "Mika pwede favor?" "Anything Ryn," mabilis na sagot nito sa akin. Ngumit ako sa aking mentor at close friend na tumulong at sumama sa akin sa buong buhay ko dito sa U.K, "Pwedeng ako na lang ang mag finale song ngayong gabi? Last song bago ako umuwi ng Pilipinas?" "Of course. Iready mo lang ang minus one mo at ako na ang bahala sa lahat," sagot nya agad sa akin sabay lakad palabas ng kwarto not before giving me one last hopeful look before leaving me alone again. -0- Tiningnan ko ang sarili ko sa harap ng salamin at kahit ako ay nagandahin sa aking hitsura. Suot ko ngayon ang aking damit pangkasal at naka full make up ako na talagang ginandahan ko fitting for today's event. I am also wearing the garnet jewelries na binili namin ni Mika two days ago. Ang ganda nito at bagay na bagay sa akin. Tatay tingnan mo ako ngayon. Ang ganda-ganda ng anak mo na nakatrahe de boda. Na emphasize ang aking cheekbones at ang aking natural na mahahabang pilik mata dahil sa ganda ng aking make-up. Kasing pula ng garnet ang aking mga labi at mukha akong prinsesang tingnan. Maganda din naman pala ako pag naayusan. Kinuha ko ang belo sa kama at isinuot ito. Iniangat ko na ito dahil wala namang groom na hahawi nito for me. Hinila ko na ang aking maleta at nagsimula na akong maglakad palabas ng silid na naging tahanan ko sa banyagang bansa na ito at puno ng masasayang alaala namin ni Mika na alam kong hindi ko makakalimutan. Paglabas ko ng room ay nakita ko ang boquet na inorder ko para sa kasal ko sana ngayong gabi. Wala sa loob kong tinanggal ito sa lalagyan at hinawakan ito ng mahigpit sa aking kanang kamay habang naglalakad ako papunta sa likuran ng Frever. Come to think of it, Blue Wednesday ngayon. Perfect. Nasa likod lang ng pinagtatrabahuhan namin ang tinutuluyan naming mga empleyado kaya mabilis kong narating ang backstage at kita ko ang gulat sa mata ng mga Briton kong katrabaho na nakatoka sa sound system. Nginitian ko sila at inabot ang USB na naglalaman ng kakantahin ko, "Please play this for me 'kay? Also one last favor from the bride herself. Bring my luggage at the front door." Mabilis na nagsisunuran ang mga ito sa pakiusap ko at huminga ako ng malalim bago ipinikit ang aking mga mata at naglakad na papunta sa unahan ng madilim na stage kung saan jampacked as usual ang Frever. Nagsimula nang tumugtog ang huling himig ko at nagsitahimikan na ang lahat matapos silang mapasinghap at magulat sa hitsura ko ngayon sa harapan nila. -0- Funny how a lonely day, can make a person say: What good is my life? Walang emosyon kong kanta sa sarili ko... Tinanong ko din iyan sa aking sarili paulit-ulit... Ilang beses, pero wala akong maisagot... Funny how a breaking heart, can make me start to say: What good is my life? Ano pa nga ba ang kwenta ng buhay ko na hindi lang winasak kundi pinagpirapiraso pa ang aking puso hanggang sa wala na akong maramdamang sakit... Funny how I often seem, to think I'll never find a dream In my life... May kakayahan pa ba akong mangarap? Umasa at maghanap ng panibagong buhay matapos ng nangyari sa akin? Till I look around and see, this great big world is part of me And my life... Ang lawak ng mundo... Hanggang dito na lang ba talaga ang isang Rynelette de Toryago? This is my life Today, tomorrow, love will come and find me... Pinipilit kong isipin na makakahanap pa ako ng pagmamahal na para talaga sa akin... Ngayon, bukas o kahit kailan pa man... Kahit imposible... But that's the way that I was born to be This is me This is me... Ako ito... Ako pa rin ito... Pinanganak na isang Ryn... This is my life And I don't give a damn for lost emotions... Kinukumbinsi ang sarili ko na wala na dapat akong pakialam sa mga naramdaman kong pasakit at pagkabigo... I've such a lot of love I've got to give Let me live Let me live... Nagmamakaawa ako sa tadhana... Hayaan ninyong mabuhay pa ako bilang ako... Pakiusap... Sometime when I feel afraid, I think of what a mess I've made Of my life... Natatakot akong sumubok muling mabuhay... Hindi nga ba't nasira ko ang buhay ko sa pagkakamaling aking nagawa? Crying over my mistakes, forgetting all the breaks I've had In my life... Gusto kong iyakan lahat ng katangahang nagawa ko... Nakalimutan ko na nga bang bigyan man lang ng pahinga ang aking puso? I was put on earth to be, a part of this great world is me And my life... Naniniwala pa rin ako na may kwenta ang buhay ko sa mundong ito... Hindi ako nakaligtas sa baha para lang sa wala, diba? Guess I'll just add up the score, and count the things I'm grateful for In my life... Siguro nga nakalimutan ko nang bilangin ang mga biyayang natanggap ko at ang tangi lang alalahanin ang mga masasamang pangyari sa aking buhay... This Is my life Today, tomorrow, love will come and find me But that's the way that I was born to be This is me This is me... Hindi man kahapon, makakahanap pa din ako ng pagmamahal na nararapat sa akin... Maaring hindi lang sa pag-ibig... Sa ibang bagay din... Pinanganak akong ganito... Lumalaban... Ako ito... Nagsimula akong lumakad papauna ng stage at tiningnan ko lahat ng nakatingin sa akin ngayong gabi ng aking pagkasawi. Hindi ko kailangan ng papuri ninyo o awa... Ako ito... AKO ITO! THIS IS MY LIFE! Malakas kong kanta para ipaalam sa lahat na hindi ako magtatago sa pagsubok ng buhay! AND I DON'T GIVE A DAMN FOR LOST EMOTIONS! Wala na akong pakialam sa pasakit at poot na naramdaman ko... Walang kwentang bagay na nawala na sa agos ng panahon! I'VE SUCH A LOT OF LOVE I'VE GOT TO GIVE! Nasaktan ako pero hindi ibig sabihin noon ay titigil na ako sa pagmamahal... Sa pagmamahal sa aking sarili... Sa aking buhay! LET ME LIVE! Mabubuhay ako.... LET ME LIVE! Babangon ako! This is my life... Nakangiti kong kanta ng pabulong kay Mika na naiyak na ngayon sa likuran... This is my life... Paalala ko sa lahat ng nakakakinig ng awit kong ito ngayong araw ng kasal ko... THIS... Ngayon... IS... Malaya na ako! MY LIFE! Malakas kong birit at tapos sa aking pamamaalam na awitin sabay tapon ng hawak kong boquet sa ere at bumagsak ito sa basurahan sa likod ng restaurant as I intended. Nakakinig ako ng masigabong palakpakan at taas noo akong bumaba sa stage at nahawi sa gitna ang mga tao at naglakad ako sa gitna nilang lahat. Buong tapang at dignidad. Wala akong dapat ikahiya. Wala... Sinalubong ako ni Mika na niyakap ako at bumulong, "Congratulations Ryn. Congratulations..." -0- "Mika. Eto, tanggapin mo. Sa iyo talaga ito," iniaabot ko ang kahon na naglalaman ng alahas na binili namin para sana ngayon sa kasal ko. Nasa labas kami ng airport at wala pang isang oras pagkatapos ng huli kong kanta sa mahal kong pinagtrabahuhan ay lumisan na din ako para habulin ang flight ko papauwi sa Pinas. Papauwi sa realidad. Isang malaking panaginip lamang ang buhay ko bilang isang O.F.W dito sa isang U.K. At gaya ng isang panaginip, oras na para magising ako sa katotohanan ng aking mundo. "Hindi Ryn, Regalo ko iyan sa iyo. Sana isipin mong simbolo yan na magkaibigan tayo at kasama mo ako palagi," nakangiting sabi nya sa akin sabay siksik sa maleta ko at isinara ulit ito, "Wag mong ipapanakaw sa mga kawatan sa MIA ha?" Napatawa naman ako at niyakap ko ang aking kaibigan, "Oo gaga. Mahal iyan. Pwedeng isangla sa Cebuana sa oras ng pangangailangan." Nagtawanan na lang kami hanggang sa nag-iyakan. "Ihahatid na kita sa loob, Ryn..." Umiling ako at itinulak sya palayo, "Wag na... Dito tayo sa labas unang nagkita. Dito rin natin huling makikita ang isa't isa. Wala akong address o phone number. I'd rather not give it to you. Pero magkikita tayong muli. Tingin-tingin ka lang sa mga karinderya at isawan, malay mo nandun ako at nanginginain." Tumango na lang si Mika sa akin at sa huling pagkakataon ay niyakap ako bago ako tinalikuran at hindi na ako nilingon pa hanggang sa mawala na sya sa aking paningin. Naglakad na din ako papasok sa airport. Ang daming nangyari sa akin sa pakikipagsapalaran ko sa ibayong dagat... Naranasan kong mapangakuan at maiwan... Hindi ko na nalaman ang kaibahan ng kasinungalingan at ng katotohanan... Nagkaroon ako ng isang tunay na kaibigan, ng minamahal... Narating ko ang mga lugar na gusto kong bisitahin at nakain ko ang mga pagkaing sa pangarap ko lang dati natitikman... May mga katanungan pa ding bumabagabag sa akin ngayong nakasakay na ako sa eroplano at nakasilip sa papaliit ng papaliit na syudad ng London... Minahal ba talaga ako ni Cykren? Totoo ba ang mga sinabi nya? O ako lang dahil sa pagkabulag ko ang naniwala sa kanyang kasinungalingan? Pinagkatuwaan lang ba nya ako at ginawa lang pampalipas oras? Ano nga ba ang magiging isang buhay ng tulad ko? Mga katanungang iiwan ko na ngayon sa bansang ito, kasama si Cykren ang aking nakaraang akin sanang makalimutan kasama ng aking boses sa pag awit na hindi ko na muling gagamitin sa aking buhay... Isang panibagong buhay na ulit ako pagdating ko sa Pinas... Madaming pwedeng mangyari sa buhay ko sa pagbabalikbayan ko. Hindi ko alam kung saan ako pupuluting karinderya o kung may trabaho ba akong makukuha... Napatingin ako sa suot kong mamahaling singsing at malungkot na napangiti... Sigurado ako sa isang bagay though... Dumating akong mataba at dukha ngunit umalis akong mataba at mapera... This is the end of my big thing....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD