"Mila?" Napalingon sa akin ang may panis na laway pang kaibigan ko na kakalabas lang ng kanyang kwarto at ngayon ay nagbukas ng ref at kumuha ng isang box ng gatas at tinapay bago umupo sa tapat ko at humikab. "Oh?" "May napapansin ka ba kay Rycen?" simulang tanong ko sabay hinanaan ko ang aking boses, "Parang nag-iba ang ugali nya nitong nakaraang mga buwan?" kabado kong sabi sabay silip sa pintuan ng aking anak na thankfully ay tahimik pa at may natunog na radio meaning busy pa sya sa paghahanda pagpasok sa school. Napakunot ang noo ng kaibigan ko at napatigil sa pag-inom ng gatas, "Teenager na si Rycen, babae. Malapit na mag fourteen ang inaanak ko at normal na maging bugnutin, moody at palaban mga teenager. Relax. It's natural." Kahit sinabi na hindi dapat ako mag-alala ay hindi p

