"Miss de Toryago kailangan po naming mailagay ang name ng ama ng anak ninyo for archiving purposes. Limang taon na pong nag-aaral sa school namin ang bata at wala pa rin kaming natatanggap na information about his father," magalang na paliwanag sa akin ng school registrar. Pagkatapos ng meeting ay sarilinan akong kinausap ng adviser ni Rycen para sabihin sa akin ang status ng anak ko. Siguro mana sa akin kaya walang problema sa grades ang baby ko. Tahimik at merong pagka introverted daw sya. Hindi nagpaparticipate actively sa discussions pero alam ang isasagot pag tinatanong. Medyo nalungkot ako ng sinabi nya na walang masasabing kaibigan ang anak ko. Good thing is never naman daw napapa-away dahil hindi namamakialam sa buhay ng iba. Mabait, magalang at aloof kaya pinapabayaan at hindi

