"Talagang you go for simplicity?" Tumango ako kay Mila na nasa driver's seat sa tabi ko at tiningnan ang aking suot na black thighs, t-shirt galing divisoria (bente lang) at tsinelas. Wala akong balak magamaganda at magmukhang walking display ng Cebuana at Raquel pawnshops gaya ng mga magulang na nakikita ko na naglalabasan mula sa kanilang mga sasakyan at naglalakad papasok ng school. "Anong gusto mo magmukha akong anito pag gumaya ako sa mga iyon? Baka kahit si Rycen ay itakwil ako," natatawa kong sagot dito sabay bukas ng pinto ng pulang Jaguar XJR ng aking kaibigan at hirapan akong lumabas. Bago ko maisara ang pintuan ay nagpahabol pa ang bruha, "Baka ma late ako mamayang hapon ng sundo sa iyo, babae. Mukhang na flat mo ata yung gulong ko at bibili din ako ng spare. Mukhang kailanga

