Third Person's POV Sa isang beach resort tinuro ng informant ang lokasyon kung saan matatagpuan ang pamilyang Yao. Dahil sa delikadong misyon ay limang sasakyan ang kinailangan na isama ni Nathan. Nasa sixty katao ang mga kasamahan niya na tutugis sa kanila. Nagpasya siyang wag nang pasamahin si Mr. Mendoza. Mabuti na lang at pumayag siya. Dahil hindi pa rin nila alam ang kahihinatnan ng gagawin nilang pagsugod sa kuta ng mga kalaban. Bukod doon ay dapat nilang siguraduhin na hindi sila basta-basta maiisahan ng kalaban. Dahil importante pa din ang posisyon niya sa organization at hindi lang ito ang kaso na hawak nila. Pero naka-standby naman sila sa pwedeng mangyari kaya dapat ay panatilihin ang connection hanga’t maari. “Sargent Pascual, sigurado ka bang ito yung lugar na tinuro ng

