Third Person's POV “Kumusta na ang anak ko?” Tanong ni Mr. Yao sa doctor na tumingin kay Zax. Nasa sekreto silang hide-out upang itago si Zax sa mga autoridad. “Okay naman ang anak niyo. Malakas ang katawan niya kaya kahit dalawang tama ng baril ang naging pinsala niya ay kakayanin pa rin ng katawan niya.” Sagot ng pribadong doctor ng pamilya. Matapos na makatangap ng tawag ni Mr. Yao kanina mula kay Zax ay gumawa agad siya ng hakbang para mailayo ang kanyang anak dahil paniguradong hindi titigil ang mga authoridad na mahanap siya. Pagkatapos silang kausapin ng doctor na tumingin kay Zax ay lumabas na rin sila sa kwarto nito para maka-pagpahinga. “Dad? Totoo ba yung sinabi ni Kuya?” Tanong ni Sophia. Kakatulog lang din ni Zax. Pero bago ito matulog ay sinabi niya kay Mr. Yao ang

