Chapter 9

1789 Words
Dale's Pov Nasa Clinic kami ni Xenon, Vince, Liz at Alaiza dahil nawalan siya ng malay ng yakapin ito ni Vince puro dugo na pala ang Uniform niya. Kaya nataranta kaming lahat lalo na si Vince na sobra ang pag aalala. Dinala ni Vince ito yung nakababa sa likod niya pero sabi ko maikli ang palda niya kaya pinahiram ko ito ng Jacket ni Caspian yung pinahiram sa akin ni Caspian lately, Answerte ni Cielo dahil nagamit niya ang Jacket ng bias niya she's lucky girl kaya dapat pinakikilig ang mga fangirl at fanboy.. Napatingin ako kay Vince habang umiiyak siya nakaupo sa isang couch habang ang iba ay nakatungo. Heto ako ngayon at nakatayo sa may tapat ng bintana kung saan ginagamot siya ni Nurse Cha ang Nurse ko dati nung nag colapse ako. Lumabas si Nurse Cha "Nurse Cha si Cielo po kamusta?" Tanong agad ni Vince pero sumimangot ang mukha nito. "I'm sad to say, pero kailangan may isang mag donate sa inyo ng Blood type AB, We need as soon as possible." Paliwanag ni Nurse Cha "Ako po." Sagot ni Vince "Me too!" Dadag ni Lis at Alaiza "Same here!" Sabi ni Xenon kaya wala narin akong nagawa kundi nag presinta din. "Rare ang Royal blood type na AB, mostly iisa lang dito o baka dalawa sa University ang may Blood type na AB." Paliwanag ni Nurse Cha "Nurse Cha, please i'm begging now! please do it all." Mangiyak ngiyak na saad ni Vince Kinuhanan na kami ng Blood Sample sa daliri namin at si Xenon at huling kukuhanan pero namumutla siya pawis na pawis. "Are you ready?" Tanong ni Nurse habang pinipitik-pitik ang Cirrage mas lalo pang namutla siya "Araaay!" Sigaw ni Xenon nagtawanan naman kaming lahat dahil hindi pa naman pinapasok ni Nurse Cha sa daliri ang karayom ng Cirrage. "Wala pa easy!" Natatawang sabi ni Nurse Cha "Anngggg Bagong taon, ay sumapit araaay!" Saka nawalan ng malay si Xenon. Nagtawanan naman kami pati si Nurse Cha itinuloy parin ang pag kuha ng dugo niya. Parang kagat lang naman ng langgam ka lalakeng tao takot sa Cirrage! *** Malungkot kaming umalis lahat dahil natatakot kami dahil pwedeng mamatay si Cielo. Naglabas na ng result si Nurse Cha. "Xenon and Liz has a blood type of A, while Vince is B." Nanlumo kami ng marinig namin yun. "H-how about me?" I asked " Your blood type is 'O." " We need to find Royal blood Type as soon as possible." Sino kaya ang may blood type na AB?kailangan naming makahanap ng Blood type kung hindi mamatay si Cielo. "Ano ang gagawin natin?" Sabi ni Vince "Baka may kilala kayo na ang Blood Type ay AB please guys, gusto ko pang mabuhay si Cielo." Saka lumuhod ito sa harapan namin umiiyak siya, nagmamakaawa sa amin. Napatingin agad ako kay Liz na parang nag iisip inayos niya pa ang reading glass niya. "May kilala ako Vince, pinsan ko siya kaso private na tao siya—" pinutol agad ito ni Vince "Kahit sino pa siya sabihin mo magmamakaawa ako kung kinakailangan hahalikan ko pa ang paa niya, basta mailigtas lang si Cielo." Saka pinunasan ang namumuong luha sa kaniyang mata at niyakap si Liz. "His name is Zayn from Wanna Luv!" Nagulat naman kaming lahat Whoah! May pinsan pala si Liz sa Wanna Luv ang Unique ng name nun Who's Zayn? "But, hindi ako ang gagawa kundi sino ang pinag-aagawan ng Wanna at kung bakit sila nagkawatak-watak." Napatingin sa akin si Liz Masama kung tumingin at lahat sila napatingin narin sa'kin. Nagulat ako ng sinakal ako ni Vince. "Tumigil kana Vince—" walang ano anu'y sinampal si Alaiza ni Vince kaya napahiga siya sa sahig sa sobrang lakas ng pagkakasampal nito. Pumigil din sina Liz at Xenon pero malakas si Vince. "Wala siyang kasalanan!" Sigaw ni Xenon "I DON'T NEED YOUR EXPLANATIONS!" sigaw ni Vince "Ikaw pala ang dahilan kung bakit naglaslas si Cielo kung hindi sana nagkawatak watak ang Wanna baka hindi siya nasa hospital ngayon.." Pinagkadiinan niya pa ang pagkakasakal sa akin. "A-ackk P-please I-i don't know hindi ko alam kung bakit nagkawatak watak sila promise W-wala a-akong alam!" Hirap na hirap ako huminga Biglang lumuwag ang pagkakasakal sa akin ni Vince ng malakas na sinuntok ito ng lalakeng matangkad at napahandusay naman agad ito sa sahig. nasa tantya ko ang lalake ay 5'8 ang height nito gwapo ito matangos ang ilong at Angelic face ito Artistahin ito. Dumudugo ang ilong ni Vince dahil sa malakas na pagkakasapak nito sa kaniya. "Your so pathetic para saktan ang babae." Sigaw niya rito. Akma ko namang lalapitan si Vince. Pero pinigilan ako nung lalake. "ANO ba Dale muntik ka nang mamatay tapos lalapitan mo pa!" Medyo galit na wika nito. Naestatwa naman ako sa kinalalagyan ko at parang nag e-echo sa utak ko ang sinasabi niya. ANO ba Dale muntik ka nang mamatay tapos lalapitan mo pa! Tama siya halos maghihingalo na ako sa pagmamakaawa sa kaniya pero parang hindi na siya si Vince na nakilala ko yung masiyahin at kalog. Iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig para pala siyang lason na kapag tinikman mo para kang isang sunod-sunuran dito. Kahit hindi muna alam ang ginagawa mo. "Z-zayn." Bulalas ni Liz kaya naman napatitig ito sa akin. Ito pala ang sinasabi ni Liz na pinsan niyang si Zayn, hindi nakapagtataka pero mukhang totoo nga magka mukhang-magkamukha silang dalawa mula kilay hanggang labi kaso may nunal si Liz sa ilong at thick lips I to samantalang si Cloud Softy reddish angelic lips siya. "Are you okey, Dale?" Nagulat naman ako ng hinawakan ang kamay ko mahigpit at mariin. Tiningnan ko siya mababakas sa kaniyang mga mata ang takot bakit ang gwapo mo? " I'm okey." I lied pero sobrang nanakit ang leeg ko sa sobrang lakas ng pagkakasakal ni Vince. I knew it from the start may kutob na agad ako kay Liz minsan iniiwasan niya ako o nagiging mataray siya sa'kin. Kahit ako nagulat din ako nung nalaman ko na ako pala ang dahilan king bakit nag ka watak-watak ngayong ang Wanna it's also me kung bakit nasira sila. Sana naging panget na lang ako di ko deserve ang pagiging maganda gusto ko lang naman ng matahimik na pamumuhay yung mabuhay ng normal. Ayokong makasira sa pakikipag-kaibigan sa Wanna alam kong matagal ding ang kanilang pagsasama pero bakit ako pa? Andaming mas maganda pa sa akin. Bakit ako pa? Ayokong dumating sa point na mag away sila ng dahil sa'kin. "You need to used this thing!" Saka inabot sa'kin ang asul na bagay malamig ito. Agad ko naman itong kinuha "Thank you," Agad ko naman itong dinampi sa aking leeg masyadong nangingirot kaya minsan na papaaray ako. Nakatitig sa akin si Zayn he looks obvious kung makatitig siya. Dinala din sa Clinic si Alaiza dahil may injured ang kaniyang pisnge lomobo ang pisnge nito dahil sa malakas itong sinampal ni Vince, Si Liz naman pumunta sa 24/7 para bumili ng makakain namin. Kaming dalawa lang ni Zayn ang narito palakad lakad siya at hindi mapakali. "S-sure ka talaga na okey ka?"pag uulit niya. "I'm okey Zayn don't worry." Pahayag ko kaya napangititi ito. "Ahm, By the way my name is Zayn Imperial." Saka inilahad ang kamay niya at ngumiti ito agad ko naman itong tinanggap. "Kim Dale Saviena 'Dale for short." Saad ko napangiwi nmaan ako dahil sa higpit niyang humawak sa kamay ko. "A-ano yung KAMAY ko kasi—" " I'm Sorry Kim." Medyo napalaki ang mata ko ng biglang sabihin niya ang pangalan ko na 'Kim' i hate calling my first name masyado kasing baduy para sa akin ang 'Kim' lalo na kapag pinagsama ang 'Kim Dale' magkakapatayan tayo. "Call me Dale! Not Kim! Not, Kim Dale!" I explained "But i want calling your first can I?" He answered "But—" inilagay niya ang hintuturo niya sa labi ko. "Shs! Ayaw mo nun ako ang unang tatawag sayo sa first name mo?" Saka kumindat ito Saka lumapit siya sa'kin punyemas bakit kasi ang Ha-hot ng Wanna yung panti ko malalaglag na. Kabanas huh! Nag init naman ang magkabilang pisnge ko. Sheminay Shemay!! Nilalandi nanaman ako! "Are you kidding me? Hindi mo ba naintindihan ayoko sa pangalan na'yon." Saka ngumiti ako ng kaunti saka umiling-iling Sheminay Shemay!! "I don't care!, tyaka gusto kitang tawagan sa First name mo masama ba?" Saka lumapit pa siya sa akin kaya napaatras ako. "M-masama kaya don't call me—" hindi na njya ako pinatapos ng pagsasalita. "Dale?!" Mas lalo pa akong nainis kaya p-noint ko siya siya dibdib niya. "Ikaw wag mo akong tatawagin Sa first name ko." Tyaka p-noint ulit ang kaliwang dibdib niya para siya naman ang umatras at hindi ako. "Pero gusto ko kasi Kim e, ano'ng magagawa mo!" At hinuli niya ang kamay ko sa dibdib niya. "Hindi dapat sa dibdib dapat dito." Saka pinapunta ang kamay ko sa tiyan niya sa matigas niyang tiyan sa abs niya pero para akong nakuryente natameme! Maglalaway na ako! "Ano bang nasa-isip mo Dale nasa Hospital ka wag ka makipaglandian dito nakita mo na ngang nasa mamatay na ang kaibigan mo—" pinutol ko agad ang sinabi ng utak ko "I know," Agad ko namang tinanggal ang hintuturo ko sa tiyan niya nakakainis tong kumag na'to. Napangisi naman siya kaya naningkit naman ang mata ko. "Sa pagkakaalam ko kasi sinabi ni Liz na kailangan niyo daw ng dugo ng AB sayang kung hindi ako makakatulong e mamatay yang si Cielo at baka tawagin pa kita sa First name mo." Salaysay nito kaya napatingin ako sa kaniya habang nakangiti siya. "Okey deal—" hindi nanaman niya ako pinatapos "Shs! Quite my Baby!" Pang aasar nito. " eww! I'm not your baby." Saka tinarayan ko siya. "Maka eww! Huh halikan kita diyan e, tanggal yang pag eww! eww mo sa akin." Agad naman namula ang pisnge ko. Tumikhim ako bago magsalita "Pero marami-rami ang gagamitin na dugo sa'kin at mahal ang dugo ko, makipag date ka sa'kin within 5 days." Halos mag protests ako sa sinabi niya. "5 days?" "Yes 5 days, ayaw mo ata e, edi mamatay si Cielo tapos!" Saka akma na siyang lalakad papalayo "Zayn!" Sigaw ko pero hindi galit humarap agad ito at ngumisi. "Yes.' " I accept kahit labag sa kalooban ko basta para kay Cielo." sigaw kaya ngumit naman ito. "So start na bukas!" Saka ngumisi ito na parang kinikilig. " Paano kapag. . . hindi ako sumipot?" Tanong ko "Tinatanong pa ba yan edi hahalikan kita o baka naman magiging girlfriend kita!" Saka nag cross siya ng arm "Ano?!" "Angal ka?" "Hindi a!" Sana umirap ako "That's my baby!" Sheminay Shemay! Wala na akong takas dito punyemas!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD