Dale's Pov
Nakakainis! Bakit kasi yun pa ang naisip ni Zayn? Pwede naman libre or what else. Paniguradong away to kapag nalaman ito ni Caspian at hindi lang yun siguro baka kumalat ito sa loob at labas ng Campus Sheminay! Ayoko na maging maganda ang sakit sa Anit kakaisip kung paano ko ito matatapos ng walang mag aaway paano na Dale? Mag isip ka! Isang mali lang mag aaway ang lahat.
"Contract 5 days dating with him.'
"Thank you talaga Dale for saving my life." Saka niyakap niya ako ng mahigpit at yumakap din ako pabalik.
Nakita ko si Liz na nakatingin sa'kin ng masama mga ilang araw narin kasi siyang ganyan kaya nakakatakot na. Natatakot naman ako na kausapin siya dahil baka mas wild pa sa inaakala ko ang gagawin niya isa rin kasi siyang Fangirl ng Wanna. Kakausapin ko lang siya kapag hindi na mainit ang ulo niya. Bakit kaya siya nagagalit?
"Wala yun basta sa bespren ko gagawin ko ang lahat." Saka mahina ko siyang itinulak.
"Ang saya ko Chin, kasi—si OMG!nakan no..may Zayn sa Wanna siya nagsalin ng dugo para sa'kin hindi talaga ako makapaniwala promise! Cross my pretty heart." Salaysay nito
Pinilit kong ngumiti sa kaniya pero sinasabi ng mga mata ko ang totoo na napipilitan akong ngumiti kahit merong kapalit ang pagsasakripisyo ko sa kaniya. Napatingin ako kay Liz pero masama parin ang tingin niya na yun parang may masamang binabalak.
"Basta magpagaling ka yun lang ang mahalaga!" Sambit ko rito saka ngumiti pero napalitan ng ngiti ang kaniyang mukha at binalot ng kalungkutan.
"B-bakit Cielo? May sinabi ba akong masama?" Tanong ko sa kaniya. Agad naman niya kinuha ang kamay ko at hinaplos ito.
"I-i'm sorry Dale sa nagawa sayo ni Vince lately, Ako na ang humihingi ng tawad!" Saka namuo ang luha sa kaniyang mga mata.
"Cielo A-ano ba? wag ka ngang umiyak! Okey lang yun! Konting pagkakamali lang naman 'yun." Saka itinunghay ko siya. At pinunasan ko ang luha niya sa pisnge gamit ang magkabilang kamay ko.
"Naikwento sa'kin ni Liz ang nangyari kung bakit nagwatak-watak ang Wanna ay dahil—" pinutol ko agad ang sinabi niya alam ko naman ang sunod nun
'sayo."
"No Cielo! nagkakamali ka , kahit ako nagulat rin ng nalaman ko yun promise! Wala akong alam dito." Paliwanag ko pa
"You don't need to explain all of that, Alam kong nagmamahal lang sila para sa isang babae na may gandang tulad mo." Saka ngumiti ito sa'kin ang ngiti na'yun ay pasasalamat.
"Sana naging panget na lang ako." Pambibiro ko kaya natawa na lang siya "Ang tae neto." Saka umirap siya
"Pakilala muna naman kami sa kuya mo, Chin!" Kaya naman napalaki ang mata ni Liz at napatungo siya kinikilig sa kuya kong mamaw!
Oo nga pala hindi ko nasabi sainyo 'chin' means tawagan naming magkakaibigan yung katulad sa korean term na friend 'chinku' pero sabi ni Alaiza mas maganda na 'chin' na lang para maiba. Ewan ko ba sa mga baliw kong mga kaibigan. Napatango na lang ako.
"Ang pogi niya kasi." bulong niya napailing nalang ako
pogi daw ang kuya ko? hala kilabutan ka sana Cielo! kapag sinabi ko yan sa kuya ko baka lumaki ang ulo niyan.
"Sige sasabihin ko," nagtawanan naman kami ni Cielo "Ah, Chin alis muna ako pupuntahan ko muna si Alaiza sa kabilang kwarto." Salaysay ni Liz kaya napatango na lang siya.
"Liz!" Tawag ko
"Bakit?" Paanas niyang tanong.
"Ingat ka!" Saka ngumiti ako.
Pero sinarado niya lang ang pinto. Namutawi ang katahimikan sa silid napatingin naman ako kay Liz na nakakunot.
"It's smell fishy!" Sambit niya kaya napatingin ako.
"What do you mean?" Tanong ko ulit.
"Look, Liz was so weird,"sagot niya, siguro kahit siya ay wi-wirduhan kay Liz sa kilos nito.
"Paanong naging weird?"
"Simula kasi ng nagtransfer ka sa Section namin biglang nagbago si Liz, hindi mo ba nahalata malapit siya kay Ella? Yung Ex-lover ni Zayn?" Napanganga na lang ako hindi ko alam ang isasagot ko.
Parang narinig ko na yang pangalan na yan Ella, E-lla? Sa'n kuba yun narinig? Ella. . . Ella. . Ah yung ex ni Zayn yung sinabi sa'kin ni Liz last time so bakit ngayon dikit naman siya ng dikit kay Ella may masama talagang mangyayari e, I swear!
"Sinabi yun sa'kin ni Liz last time." Sagot ko
"Nagsisiraana ang mga tanga." Saka umiling iling siya. Kaya napatawa na lang ako.
"Hayaan mo na nga basta ang mahalaga ligtas ako." saka tumango na lang ako.
"Ikaw kasi, wag kana ulit mag laslas hah! pinakakaba mo ako." saka sinuklay ko ang buhok niya gamit ang daliri ko
"Hindi na po lola." kaya napataas akong kaliwang kilay rito.
"Sinong lola huh?!" saka kiniliti ko siya kaya tumawa siya ng tumawa.
"waaaah! Aray!Aray! yung sugat ko." saka hinipan niya ito pero napatinhin siya sa'kin at ngumisi.
patay na! kikilitiin ako ng kumag!
***
Takbo lakad ang ginawa ko papunta sa Gym, naiwan ko kasi yung tubigan ko roon nung nag practice kami ng sayaw. Saan na ba yun nagpupunta? saka tiningnan ko ang backstage kung saan ko ito nalimutan pero nawala na lang ito bigla. Mahalaga sa'kin ang tumbler na'yun dahil ibinigay yun sa akin ni kuya Yolo. May tatak picture pa 'yon ni Min Ho. Hinanap ko pa at nagpatuloy pa ako sa paghahanap pero wala talaga. Magaganutan talaga ako ni Kuya ng wala sa oras. Pinag pagan ko pa ang kamay ko at inayos ang buhok ko, putek nakakainis na! masasabunutan ko talaga ang kumuha ng Tumbler ko!
Nakita kong may naglilinis ang janitres sa may taas ng stage kaya lumapit ako rito para tanungin ito. Sana naman nakuha ni Ateng janitres!
"Ahm-ah Ate may nakita po kayong tumbler?" tanong ko rito kaya napaharap siya sa'kin "Yung may tatak na mukha nung poging lalake? yung Silver?" dire-diretso niyang sabi
Ay detalyadong-detelyado talaga ateng?
"Opo dun ko po kasi yun naiwan e." saka itinuro ang white stairs sa ikatlong hakbang.
"Ay! kinuha nung matangkad na gwapong lalake, yung maputi hindi pa 'yun nakakalayo." sabi nito kaya napakunot naman ang noo ko.
"Ganun po ba, ah sige po salamat po." saka tumungo ako at umalis din ako.
ibig sabihin kung wala kay Ateng? asan? sino kaya yung sinabi ni ateng kanina tall white handsome! makakarate ko yun ng wala sa oras e.
Sheminay shemay! Nagulat ako ng may umihip na hangin sa tenga ko kaya napalingon ako at napairap ako si Caspian ito.
"Ginugulat mo naman ako." sigaw ko pero hindi pagalit. "Ginugulat agad grabe ka!" saka tumawa siya at uminom sa isang tumbler.
again? what did i last say tumbler?
Tumbler! Tumbler!?
Napatingin pa ulit ako rito. kulay Silver ito na may—na may picture ni Lee Min Ho.
"Ang sarap naman ng tubig na'to manamis namis!" saka uminom pa ulit. "Hep! Hep! nagpaalam kaba sa may ari ng tubig na yan?" saka tumikhim ako kaya napanguso siya.
"Edi-pa-a-lam! " at mukhang pinag kadiininan niya pa yun sa'kin.
"Nakita mo ba yan sa Stairs sa back Stage?" saka napataas ang kilay ko.
"Ye-yes what's the matter?"
"Kilala mo ba yang may ari ng tubigang yan?" saka pinandilatan ko siya.
"Pakisabi sa may ari ng tumbler na'to 'ang burara niya." nanliit naman ang mata ko saka tinarayan siya. pero may naisip ako.
"Alam mo kung sino ang may ari n'yan." saka dinuro duro ko ang tumbler ko. "Ako lang naman ang may ari ng tumbler nayan." saka ngumiti ako pero fake lang.
"Painom huh!" saka akma siyang iinom. "kadiri ka yung laway mo maghahalo sa tubig."
"Bakit? hinalikan naman kita a, anong problema sa laway ko e, natikman mo din naman—" tinakpan ko ang bibig niya baka kasi may makarinig na iba sa pinag uusapan namin. namula bigla ang pisnge ko. Bakit kasi pinakikilig ako ng sobra netong ung
"Bakit? hinalikan naman kita a, anong problema sa laway ko e, natikman mo din naman—" paulit ulit sa utak ko ang sinabi niya
"Akin na nga yang tubigan ko." pero itinaas niya ito para hindi ko maabot alam niya kasing pandak ako nang aasar pa!
"Abutin mo!" saka itinaas niya pa lalo para hindi ko maabot.
"akin na sabi!"
"whoop! oh muntikan na!"
"akin na sabi e."
"Caspian, yung tumbler k—" naputol ang sinabi ko ng biglang may dumating na gwapong lalake may hawak siyang Skyblue na Kuala teadybear. Ang cute! Si ano?
—si Zayn
Nakadilaw ito na jacket at nakaayos ang buhok nito sobrang gwapo niya sa suot na yun dagdagan pa ng cool then bem! Ampogi niya!
"Hi Zayn." Bati ko saka ngumiti sapilitan lang!
Nakita ko naman si Caspian na masama ang tingin nito kay Cloud. Kaya kinuha ko ang Tumbler ko at hindi na siya nakapalag. Nakanganga siya sa sobrang pagkagulat kay natawa ako si Zayn todo ngiti habang si Caspian ayon parang sasabog na ewan!
"Hello Kim." Bati nito pero naningkit ang mga mata ko. Alam niyo naman kung bakit. Dumikit sa'kin bigla si Caspian.
"Anong ginagawa mo dito, Zayn?" Anas na tanong ni Caspian saka tumingin ng masama rito.
"Oww! Nice too meet you Caspian my brother—" pinutol ni Caspian
"Diretsuhin muna ako Zayn, inaantok na'ko." Saka naghikab pa ang ungas.
"Hindi naman ikaw ang pinunta ko dito e, si Dale!" Saka tumingin siya sa'kin.
Sinamaan ako ng tingin ni Caspian alam ko ang tingin na'yon 'selos.' Si Zayn naman todo tingin sa'kin baka matunaw na ako Zayn sa ginagawa mong yan. Sinumpong na naman ng selos si Caspian! nakakuyom na agad ang kamay niya. Galit na galit na si Caspian.
"Tapos?"naiiritang saad ni Caspian
"Kasi may usapan kami last Friday ni Dale tungkol sa Date namin." Saka ngumiti ito.
Lagot na!
"Hindi siya pwede ngayon e,"nagulat ako sa sinabi ni Caspian. "Bakit!?"
"May Date din kasi kami e," pagsisinungaling nito kaya kinonotan ko siya ng noo. "Huh—"angal ko pero tinakpan niya ang bibig ko para hindi ako makapagsalita.
"A, ganun ba edi trio date na lang!" Sabi ni Zayn at ngumiti ito
"Masakit daw yung ulo ni Dale e.."
"H-hmm dii."bulol kong sabi kinagat ko ang palad ni Caspian.
"Aray!"palahaw niya saka hinipan niya ito. Tinarayan ko naman si Caspian. Ngumiti ulit ako kay Cloud.
"Ahm! Teadybear for you!" Saka ibinigay sa'kin ang Cute na Kuala Teadybear. Ang sweet ni Zayn may pa Teadybear pa! Eto namang isang to puro pasakit na lang sa'kin ang ibinibigay.
"Thank you ah." Saka niyakap ko siya s**t ang bango ni Zayn! Hinila naman ako ni Caspian papalayo sa kaniya.
"Oh tama na!"pampapatigil ni Caspian
"Wag ka ngang makipag landian sa lalakeng yan." Mahina niyang sabi itinulak ko siya pero mahina lang.
"Let's Date Kim Dale Saviena." Saka kumindat ito sa'kin kaya namula naman ang pisnge ko.
"Sasama ako." Saad ni Caspian at nakita ko naman ang galit na mukha ni Cloud.
Selos!