Chapter 11

1796 Words
Continuation. . . [Filipino Restaurant] Dale's Pov Kakapasok pa lang namin ngayon sa isang Filipino Restaurant kasama ko si Caspian at Zayn medyo ang weird kasi dapat mag de-date i mean date namin ito ni Cloud a contract date. Sinalubong agad kami ng mga babae na nakasuot ng damit pang Crew. "Mabuhay, maligayang pagdating Mga Ginoo at Binibini sa aming Señiorita Paella." Saka nag yumuko sila tanda ng pag galang sa aming tatlo. "Mga Ginoo, kayo po'y dapat na nakapaa." Malumanay na sambit ng babae kaya sinunod naman nila ito. Napatingin sa'kin ang isang babae. "Binibini kayo ay dapat na nakabakya."at ngumiti ito sa'kin kaya sinunod ko na lamang. "Binibini nais mo bang tanggalin ko ang iyong sapatos?" Saad ng boses kaya napatingin ako rito—si Zayn. Binibini—pabalik-balik sa isipan ko si Zayn yung sinabi niya sa'kin napaka-gentle man naman ni Cloud nahuhog tuloy yung panti ko sa kilig. "Ah ano kaba kaya ko na 'to." Saka akma ko itong tatanggalin ng bigla niya itong tinanggal para sa'kin. Nakaramdam ako ng pag init ng pisnge ko kaya napatungo ako. Nagulat ng may isa pang kamay na hahawak sa sapatos ko. oh inyo na sabing kaya kona e—si Caspian halatang inis na inis ito sa kaniyang ekspresyon kaya pati mga Crew ay nakatingin na sa'min. Nagkatinginan silang dalawa matalas at galit ang mga mata nito. Napatakip pa ang mga Crew ng bibig. "Ang ganda kasi nung babae kaya kahit ako gagawin ko rin yung ginawa nung lalake." Bulong nung babaeng naka pony tail Ubod ng foundation sa mukha para mag mukhang maputi kahit morena naman talaga. I just describe lang, hindi ako nambubully ok! Nakikita pa yung isa na kinikilig. Hala ate girl kilig over? "Ako na!" Galit na saad ni Caspian saka itinulak niya ito pero mahina lang. "Damn, ako na." Saka itinulak din ito ni Zayn kaya nagpanic ako. "Para walang away ako na may kamay ako oh!" Saka pinakita ang magkabila kong kamay. Kaya naman napatayo sila ng sabay at masama parin ang tingin sa isa't isa. Napataas naman ng kaliwang kilay si Caspian, at nag cross siya ng arm at sumingkit ang mga mata nito si Zayn naman ganun rin ang ginawa ni Zayn . "Tsk!" Sambit nilang dalawa. Magkabilang direksyon ang tinahak nila hala iniwan ako nung dalawa! Saka tinapon ko ang sapatos ko sa labas ng flying sosser. Naka-bakya lang ako papasok sa restaurant hindi ako sana'y magbakya dahil diba sa 'technology.' at makabago ngayon. Pero kaya ko. Maganda ang lugar na'to kaysa sa normal na resto. Maraming pictures na nasa dingding mga bayani ng bansang pilipinas. Konti lang ang tao kaya mahahanap ko ang dalawang puwang! Sinimulan ko na silang hanapin pero dalawa man ang daan pero iisa lang ang papasok sa loob na ito. napatingin ako sa mga sa isang malaking sala na maraming upuan a wooden chair simple ito at may pagka-antigo. Mga puti at pulang tela at mga kahoy na kutsara't tinidor. Maraming nakabaro't saya para sa mga babae at barong naman para sa mga lalake. Kaya napatingin naman ako sa Uniform ko. palda na maiksi na nakabakya? What the? "Nasan na kaya yung dalawa?" Bulong ko Nilapitan ko ang isang babaeng naka baro't saya. "Ahm. Miss? Can i asked—"oo nga pala filipino resto ito dapat tagalog! "Binibini maari po bang magtanong?" Lumingon ito. "Ano po yun?" "May nakita po ba kayong dalawang lalake na gwapo, matangkad, maputi, tisoy, yung parang Heartrob po ganun?" Tanong ko "Ah! nagpapalit sila ng damit roon."saka itinuro pa nito ang isang kwarto. Napatingin pa sa'kin ang babae mula ulo hanggang paa. At napangiwi ito Oo tama ka ang weird ng damit ko! "Nararapat ayusan ang isang magandang binibini, halika't sumama ka sa'kin." Utos nito kaya sinunod ko naman. Lumabas na ako na nakasuot ng isang magandang baro't saya. Kulay puti na may halong lila. Oh ayan Pure-tagalog na ako. Dahan dahan akong bumaba sa hagdan hanggang makarating ako sa baba napanganga ako ng makita ko sina Caspian at Cloud. Naka barong pero hindi mukhang panlamay nag mukha nila isang gwapong mga ginoo. Mga disente ang mukha wala sa ivang naturang mga lalake. Nakatingin ako sa kanilang dalawa ang gwapo talaga ni Cloud tse! Bahala kang Caspian ka manigas ka. Akala mo pogi ka Hindi. Maaa-out of balance ako oh no! No! No! No! Wag— Napamulat pa ng kaunti ang kaliwa kong mata bago at kanan, nagulat ako ng bumungad sa akin ang isang gwapong lalake hindi ito si Caspian o si Zayn sino'to? "Hi.' Saka ngumiti ang lalake sa'kin takte bakit ang pogi niya? "H-hello?" Saka pilit na ngumiti Dahan-dahan niya akong ibinaba at pinapunta ako sa upuan kung saan naroon sina Caspian at Cloud na para bang Galit na Galit ang dalawa. Ano nanaman ba? Oo inaamin ko maganda ako pero ano tatlo na??! s**t nakakairita! "Oh kamusta na Caspian?" Saka tinap niya ang balikat nito at usually hindi ito kinibo ni Caspian A dumb boy! s**t! "Zayn kamusta kana!" Saka ngumiti itong lalake. Ngumisi naman si Cloud at tumikhim muna. "As a matter of fact may ka-date ako ngayon." Pagmamalaki nito Saka tumingin ito sa'kin Zayn. "Oww! Then who is it?" Manhang sambit ng lalake. "Jin, I would like to meet my Date Dale Saviena." He explained napatingin naman si Jin kay Caspian na para bang sinasabi ano'to epal? "Hi, jin!" Saka ngumiti ako ako rito at ngumiti rin siya sa'kin ang cute shemay! "Ingat kayo ah! Baka maagawan ko pa kayo kaya bilisan niyo na." Bulong ni jin kayna Caspian at Zayn lalo namang nairita si Caspian rito. "Shut up," bulyaw ni Caspian sa galit kaya ang buong atensyon ng mga tao ay nasa kaniya. "I just explained lang mga boys kaya wag kayong magalit sa'kin." Tumawa ulit siya pero may galit. Takteng nakaawang na plywood na'yon nangingirot tuloy yung paa ko. Wait lang! So silang dalawa i mean tatlo magkakaibigan sila? Bakit hindi ko napansin kanina pa na magkaibigan pala sila? Or something pero bakit alam ni Jin na doon ako uupo katabi ng Dalawa i mean si Caspian at Zayn? Stalker ko siya? Taga-hanga? What is this real paunahan sila para mapa sagot akong oo ganun ba? "Can i asked?" Na cu-curious na kasi akong tanungin sila e. "Yes what's that?" Saad nilang tatlo kaya napangiwi ako. Napatingin sila sa isa't isa at masama parin ang mga awra nito. "Are you two. .Sorry i mean three are friend—" pinutol ni Caspian. "Sorry I'm just Correcting- ex Close Friends." Saka sinamaan niya ito ng tingin. Tatlo na! ang sakit sa anit. . . -----~•~------- Kumain kami ng adobo at sinigang masama parin ang awra ng tatlo at parang magsusuntukan na sila. Pero dahil bawal mag away sa hapag ay pinilit nalang nilang itago ang kanilang sama ng loob. Katahimikan ang namutawi sa amin lalo na si Caspian na todo ang kain ng Sinigang. Tahimik naman akong kumakain ang sarap kasi ng sinigang halos wala na akong pakealam sa kanilang tatlo. Nanlaki ang mata ni Zayn. "Anlakas mo palang kumain Dale?" Sambit ni Jin kaya nag init ang pisnge ko sa hiya. "Ansarap kasi nitong sinigang." Saka ngumiti ako. "Masarap talagang magluto si Mama!" Pagmamayabang ni Jin. "So kayo ang may ari ng restaurant na'to?" Tanong ko "Oo!" Saka ngumiti ito sa'kin. "Masarap ba?" Tanong niya ulit "Ah-oo e, nakaka tatlo na nga akong sandok na kanin." Saka humigop ako ng sabaw. Ansarap talaga! "Ah! Pag may time ka, Jin ipakilala mo naman ako sa Mama mo magpapaturo ako kung paano magluto ng masarap na sinigang na'to." Saka nag tumb up pa ako. "No—Mama natin correction." Sabi ni Jin kaya nag init ang pisnge ko. Mama daw errr!keleg si ako. "Kumain ka na nga lang Jin." Medyo pagalit na saad ni Zayn. "Tsk!" Caspian role his eye. "After 5 days sasagutin na ako ni Dale." Saka nag wink sa'kin si Zayn nabilanukan naman agad ako. Napatingin ako kayna Jin at Caspian na nakanganga. Di sila makapaniwala sa sinabi ni Cloud Sasagutin? Nanligaw? "T-tubig ackk—" angsakit ng lalamunan ko hindi ako makahinga. Nagpanic ang tatlo kaya mabilis nila akong inabutan ng tubig. "This Drink it." Itos ni Caspian kaya agad ko namang tinanggap ang tubig. Ano daw? Sasagutin bakit nanligaw ba siya? Ang kapal ng Hakdog ne'to. "A freaking Non sense Zayn Imperial." Saka umirap si Caspian. "Right!" Sang-ayon ni Jin Sinasabi ko sa inyo ang hirap maging maganda! Yung tipong pinag aawan ka ng mga gwapong lalake! Meron pa bang daragdag? Kasi ako mag babackout na ako ayoko na maging maganda. Nagpalit na ako ng damit at sinuot kona ang Uniform ko tapos na kami kumain kaya diretso na kaming uuwi kapag kasi pinagal ko pa baka hindi na'to aabot sa timpi kundi sa suntukan na, at ayoko nang mag away sila ng dahil sa'kin. "Nabusog talaga ako." Saka hinawakan ko ang tiyan ko. "Ako rin nga e." Sabat ni Jin "Tsk! Nabusog kana talaga sa lagay mong yan?" Saka umirap si Caspian habang sinasabi ito ni kay Jin. Halata naman kasi na hindi siya kumain as in sabaw lang ang hinigop. "Oo, ikaw ba Caspian?" Gatol ni Jin kaya napaawang naman ang labi ni Caspian. "Syempre naman!" Sagot ni Caspian "Hatid na kita Dale baka MAPAANO ka pa sa daan, mahirap na!" Alok ni Zayn kaya sumama naman agad ang tingin nito sa kaniya. "Hindi, ako ang maghahatid kay Dale." Sabat ni Jin at lumapit sa'kin ito "Dale, let's go home now. I'm f*****g waiting. " Saka umirap si Caspian at itinulak nito ang dalawa. "What the hell!" Malutong na mura ni Jin. Saka kwinelyuhan si Caspian ni jin. Lagot away na'to. "Ano ba tumigil na nga kayo!" Pampipigil ko sa kanila. "Nagtitimpi ako pero nakakasakit kana." Sarkastikong saad ni Jin. "Nakakasakit? Inaano kita?" Saka tinaasan niya ito ng kaliwang kilay "Kung naiinis ka! Pikon ka!" Gatong ni Caspian saka itinulak niya si Jin. "Hayop ka!" Sigaw ni Jin at sinuntok si Caspian sa bibig. Kaya agad naman itong dumugo, nataranta ako kaya umiyak na ako, iniwat namin ito ni Zayn. Si Caspian naman ang gaganti ng suntok at bumulagta si Jin dugo ang bibig at ilong nito akma pa nitong susuntukin si Jin pero sumigaw ako. "Caspian—" hagulgol kong saad kaya napahinto agad si Caspian.Hinawakan ko ng mariin ang kamay niya. At yumakap pa ako sa likuran niya "Tama na Caspian." Hagulgol ko saka niyakap ko pa siya ng mahigpit. "Dale—" mahinang saad ni Caspian "Caspi.." Nahihilo ako Nakapikit ako dahil nagkaroon ako ng phobia sa dugo, Hemophobia. Nanginginig ang katawan ko kaya nawalan ako ng malay at napahiga ako sa semento. Kaya agad silang nagpanic nanginginig ang buong katawan ko. Hindi ako makahinga. . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD