Chapter 12

1583 Words
"Dale! gumising ka!"saka niyugyog ko ang balikat niya. Huminto siya sa pagco-colapsed. "Dale. . did you hear me?"Saka niyugyog ko ulit ito. Pinulsuhan ito ni Cloud at nanlaki ang mga mata nito. "Hala bakit wala siyang pulso?" Kaya chineck ko naman ito at totoo nga ang sinabi ni Zayn wala siyang pulso. "ANO BA TUMAWAG NA KAYO NG DOKTOR!!" sigaw ko sa inis habang niyayakap ko si Dale sobrang putla ng labi niya at ang lamig niya. [Hospital] Caspian's Pov Dinala namin sa Hospital si Dale dahil nag-colapse na naman siya sa ikalawang pagkakataon natataranta nanaman ako. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama kay Dale. Natataranta sina Zayn at Jin sa nangyari sa kaniya. Agad naman sumulpot si Kade na tarantang taranta. "Caspian nasa'n si Dale?" "She collapsed again," sagot ko kaya lumaki agad ang mata nito. "Darn it! hindi mo ba alam may hemophobia siya?" Saka kwinelyuhan niya ako. "Kapag may nangyaring masama sa kaniya, humanda ka sakin, hindi kita mapapatawad tandaan mo yan!"pagbabanta nito Hemophobia? May Phobia siya sa dugo? Kaya pala nung nakita niya na sinuntok ko si Jin kaninaat may tulong dugo sa lupa ay yumakap siya sa'kin ng maghigpit, At higpitan niya ang paghawak sa kamay ko. Umiyak siya pero hindi ko siya pinakinggan pero nung tawagin niya ang pangalan ko dun ako huminto na suntukin si Jin galit na galit na ako sa kanila. Basagulero ako dati pero ng makita ko si Dale nagbago ako nagbago para sa kaniya. "Mawawalan siya ng pulso, dahil takot siya sa dugo pero kapag natuluyan si Dale! humanda kayo sa'kin." Saka itinulak ako ni Kade. Ayokong lumaban sa kaniya dahil alam ko kapag nilabanan ko siya ay para narin akong natulad sa isang basagulero na ipinangako ko sa sarili ko na hindi ko na gagawin ulit yun. Kaya ko lang naman sinuntok si Jin dahil napaka-yabang niya ang tingin niya agad sa sarili niya ay mapapasa-kaniya kaagad si Dale, Naalala ko tuloy ang sinabi niya kanina. "Ingat kayo ah! Baka maagawan ko pa kayo kaya bilisan niyo na." Paulit ulit sa isip ko ang sinabi ni Jin. Alam kong mabait si Jin pero nagbago siya ng makita niya si Dale. Matalik na kaibigan ko sila pero simula ng makikilala namin si Dale at pinag aagawan namin siya. Sana ako nalang ang nakakita kay Dale, Sana ako na lang ang nakita ni Dale. Selfish oo makasarili ako sa babaeng tinitinok ng aking puso! Ayokong mag away-away kami ng ganito ayokong dadating sa punto na kaming lahat ay magpatayan ng dahil sa kaniya. Maganda siya oo sobra! Palangiti at sobrang bait. Hindi ako tumingin sa physical appearance ng isang babae dahil dati ko pa siyang minahal mas nauna pa ako kaysa sa kanila, kaya gagawin ko nag lahat para mahalin din ako ni Dale kaya ng pagmamahal ko sa kaniya hindi ako susuko, hindi ko siya titigilan. Lumabas na ang mga doktor kaya agad naman kaming nagtanong dito. "Doc! Kamusta po yung pasyente?" Bungad ni Kade kaya napatahimik na lang ako. "Umatake na naman po ang kaniyang Hemophobia," sambit ng Doktor saka umiling-iling. "Doc! Ano po yung Hemophobia?" Tanong ni Zayn kaya agad naman nitong sinagot ang katanungan ni Cloud. "Hemophobia, Ito ay isang sakit ng isang tao na takot sa dugo." Tumikhim ang doktor. "I'm sad to say kung paulit ulit siyang makakakita ng dugo ay baka hindi lang sa Hospital ang punta niya." Paliwanag ng Doktor kaya napatungo naman ako. Na-guilt ako sa ginawa ko sana hindi ko na lang nilabanan si Jin. Sana nagtimpi pa ako, Ambobo mo Caspian, ang tanga mo- ang tanga tanga mo Alam ko ang tinutukoy ng mga Doktor sa kabaong. Baka mamatay siya ng maaga kung hindi namin ito sinugod sa Hospital. Nakita ko ang galit na galit na mukha ni Kade ang mukhang yon ang nagsimula ng away namin, galit! "May gamot po ba kung paano matatanggal ang phobia niya?" Tanong ni Kade. "Gamot? Wala ang kailangan lang ay hindi mo dapat takasan ang anumang kinatatakutan mo, kailangan mo'tong harapin mag isa Face your fear kumbaga!" Saka tumawa ang mga Doktor kaya pala nung bata pa kami iwas na iwas siya sa dugo. Fear, ang kinatatakutan ko sa tanang buhay ko ang mawala si Dale at maagaw siya sakin ng kung sino. *** Pinagmamasdan ko ang mala-anghel na mukha niya ang ganda talaga niya. At hinawakan ko ang kamay nito saka itinaas ng kaunti. Humugot ako ng malalim na hangin saka pilit na ngumiti kay Dale. Takot ako na sabihin ang nararamdaman ko para sa kaniya ayokong layuan niya ako o iwasan, ayokong dumating sa point na kapag umamin ako sa kaniya baka balewalain niya lang. Alam kong marami akong kaagaw sa puso niya at puro mga matatalik na kaibigan ko pa. At isang para kong kapatid na pinsan. Dale kung alam mo lang ang mga pinagdaanan ko na hirap noon hinanap kita pero hindi kita makita. Kahit para na akong tangang hinahanap ka. Ngayong nakita nakita hindi na kita papakawalan. Mahal kita Dale! Mahal na mahal. . . Hinalikan ko siya sa kaniyang noo. Saka umidlip habang hawak-hawak ko ang kamay niya. "Ako ang piliin mo Dale! Wag si Caspian." Sigaw ni Kade namuo ang luha ko sa aking mga mata. "No Dale just pick me! because i love you the way you love me too." Garalgal kong saad. Saka hinawakan ko ang braso niya habang umiiyak. "Liar!"sigaw niya kaya tumulo na naman ang masagana kong luha. "Dale ayusin natin ito, sabihin mong mahal mo rin ako—" "No Caspian, hindi kita mahal, You cheated on me! Napaka Selfish mo Caspian! Hindi na ako tanga para balikan kapa ulit you don't deserved to love—hindi na dapat kita minahal." At tinanggal niya ang kamay ko sa braso niya nakaluhod na ako at umiiyak. "Alam mo sana nung una palang si Kade na ang minahal ko hindi ikaw! Niloko mo ako! Caspian, pinag- katiwalaan kita! Pero niloko mo ako." Galit na galit na saad ni Dale "N-no Dale just let me explain—" naputol ang sinabi ko. " Explain na naman? Caspian! Please umalis kana! ayoko na makita ang pagmumukha mo rito Please!" Saka itinaboy niya ako papalayo "H-hindi ako aalis dito hangga't hindi mo ako napapatawad—" "Umalis kana! please!" Sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon sinabayan pa ng malakas na buhos ulan. Paulit ulit ang mga sinabi sa'kin ni Dale galit na galit siya sa'kin umiiyak ako habang naglalakad. Umalis kana! Please! Damn it hurts sirang-sira na ako kay Dale ang sakit hindi ko na kaya parang lalamunin ako ng isang puso ko sa sobrang sakit. Masaya na sila sana hindi ko na sila ginulo pa, Masaya na si Dale sa piling ni Kade ako ang panira sa istorya nila kaya dapat na akong mamatay. Kumatok ako sa pintuan ng bahay ko at sinalubong ako ni Cale ang anak kong Two Years old. "Dada, bata kana ng ulan!" Saka lumuhod ako sa kaniyang harapan. At umiyak. "Dada, bachit ka umiiyak?" Saad ng anak ko kaya napayakap na lang ako rito. "Masaya lang si dada Anak."pagsisinungaling ko saka hinalikan niya ako sa pisnge. "Don't Cry Dada! Diba sabi ni Mommy bawal iyak! Kasi magiging monster ang mukha." Saad nito kaya tumawa ako ng kaunti pero bumuhos talaga ang malakas kong iyak. Hindi ko na kaya! Saka pinunasan ang mga luha ko. "Dada—ti Mommy atan?" Tanong nito saka pumunta siya labas para hanapin ang kaniyang Mommy. " Cale, Anak listen to Dada okey?" Saka hinawakan ang maliit niyang mga kamay. "Bachit po Dada?" "Babalik din si Mommy bukas kaya sleep kana." Saka dinampian ko ng halik ang anak ko sa pisnge at yumakap sakin ito. "Bata dada ko e," saka humalik ito sa aking pisnge. "Dada wala ato katabi matulog kati ti Mommy katabi ko dati peto wala mommy e, tabi tayo dada kasi may mumu sa loob ng kwarto ko." Saka umiyak ito habang papunta sa kwarto ko. Pinatahan ko naman si Cale "Kati ti mommy katabi ko dati peto wala mommy e," napaiyak agad ako sa sinabi ni Cale "Shss! Walang mumu!"saka pinatahan ko siya "Dada tabi tayo!"saka sumuksok sakin si Cale. Kinumutan ko ang anak ko hanggang balikat mahimbing tulog ng anghel ko. Pinagmasdan ko siya habang umiiyak ako. Possible kayang mabuo ko pa ang gusot sa ating relasyon? Mag wowork kaya? "Dada! Bump cars Dada! dali!"Saka hinila ako ni Cale papunta sa bump Cars ng may bigalang madanggi ako sa balikat—si Dale at Kade malaki ang tiyan ni Dale habang magkaholding hands silang dalawa. "Oww! Caspian long time no see ah! I have something to tell you a good news."Saka ngumiti si Dale sa'kin. "Oo nga e! Kamusta na kayo."pilit na tinatago ang sakit ng nararamdaman ko. "Ayos lang naman!"saad ni Kade saka ngumiti ito halatang nang asar ang asta nito. "So may good news pala ang misis ko."saka ngumiti ulit si Kade "Buntis ako Caspian at Ama ng pinag bubuntis ko ay si Kade."saka ngumiti si Dale at Kade "HINDI!!" Sigaw ko at napamulat ako ng dahan-dahan nanaginip lang pala ako akala totoo yung panaginip ko nyeta binabgungot pa ako. May anak daw ako at ang pangalan ay Cale at naging sila daw ni Kade at Dale sila ang nagkatuluyan sa huli. Habang nagkaroon daw sila ng anak at buntis pa si Dale? Ang sama nung panaginip ko Unti-uti kong minulat ang mata ko at nakita ko ang middle finger ni Dale ay gumagalaw. Salamat diyos ko!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD