Chapter 13

1526 Words
Dale's Pov Nagising ako dahil may nagtulak sakin para gumising muli... na kailangan pa ako ng mundong ito. Na may taong kinakailangan pa ako. Inaatake nanaman ako ng hemo ko. Hindi ko alam kung paano ito ipapaliwanag. Kapag inaatake ako ng Phobia ko ang iniisip ko mamatay na agad ako pero hindi ito natutuloy. naalala ko tuloy ang sinabi may sakin ni kuya. Kapag hindi mo pa oras. . . wala kang karapatan para itigil ito dahil may taong nag iintay sayo taong mamahalin mo at ang taong itatadhana para sayo. Dahil bata pa ako noon hindi ko maintindihan ang sinabi nito lagi lang akong tango ng tango sa kawalan kapag kausap ako ni kuya. Naintindihan ko ang sinabi niya sakin, ngayon alam kona kung sino ang tinutukoy ni kuya—si Caspian. Ang taong iniligtas ko, ang taong nagsabi sakin na wala siyang pakealam kahit pa sa mga kaibigan niya basta ang alam niya lang ay mahal niya ako yun lang ang mahalaga sa kaniya. Pero natatakot akong magmahal takot akong mahalin si Caspian dahil maraming magagalit maraming mag aaway ng dahil sakin kailangan ko na itong maayos kailangan ko nang maayos ang gusot na ginawa ko. Kailangan kong mapagbati ang Wanna. Napatingin ako kay Caspian mariin niyang hinahawakan ang kamay ko habang umiiyak ito natutulog ito binabangungot siya kaya dapat ko siyang gisingin. Pero masakit pa ang katawan ko paano ko gagawin ang panggigising sa kaniya? "Caspian!" Tawag ko pero umiiyak lang siya. Ilang segundong katahimikan at narinig ko ang paghikbi niya umiiyak nanaman siya. Nagulat ako ng tinanggal niya ang kamay ko sa kamay niya. "No Dale, just picked me because I love you the way you love me too." Saka umiyak na naman ito. Kaya napaawang naman ang labi ko Hala! Ano ba ang pinagsasabi ni Caspian? Piliin ko daw siya dahil niya daw ako katulad ng pagmamahal ko sa kaniya? Ansarap sapakin ang kumag na'to mananaginip na lang magsasalita pa! Haha pero para talaga siyang binabangungot! Takte ako talaga ang panaginip mo Caspian? Err Eto nanaman si kelegraities ko. Kinikilig na naman ako. Nyeta ka Caspian! "Uy! gising." Saka kinutingting ko ang tenga niya. At di parin siya nagigising, Isa pa kutingting pa. . Sige lakasan mo pa. . At sa wakas nagising kona ang kumag. Kunwari natulog ulit ako at ginalaw ko ang Index Finger ko tanda ng may buhay na ako. Nakakaistres gisingin huh. Ano gusto niya magbale- balentong ako dito tapos ano reaksiyon niya iyak? Wait what iyak? Kanina oo! Bakit siya umiiyak? O.A huh?—baka binangungot siya or what akala niya patay na ako. Utot niya may sa pusa ata ako. Hinawakan niya ng magigpit ang kamay ko sobrang higpit! Parang hindi na niya ako kayang patakasin. Dinampian niya ako ng halik sa pisnge. Err kenekeleg ne nemen eke! "Akala ko totoo na'yung panaginip ko kanina that was the worst dream i have, ayokong mawala ka sakin ayokong hindi mo ako piliin sa huli." Saka pinunasan niya ang kaniyang luha sa pisnge. Agad ko namang ginalaw ang Index Finger ko. Halatang gulat na gulat siya, kaya halos magwala siya sa kakatawag ng mga doktor. "Dok!Gumalaw po yung kamay ni Dale!" Sigaw nito kaya dumating naman agad ang mga doktor. "Mr. Heritage alis po muna kayo kami na po ang bahala sa kaniya."mahinahong saad ng isang Doktor. Agad naman napatingin sakin si Dale na sinasabi ng kaniyang mga mata ay 'magpagaling ka mamahalin pa kita.' *** Binilisan ko ang paglalakad ko kasi may sumusunod sa likuran ko mga apat at ang mas matindi pa ay lalake ito wala akong laban sa kanila kung may mangyayaring masama sakin. Oo nga pala taewondo player ako bakit ako matatakot?—kaya ko ba? Agad kong pinaputok ang daliri ko sa kamay. I'm ready come here! Mga talong! Sumusunod parin sila sakin kaya napahinto ako. Malapit na sila papalapit ng papalapit, malapit na. . . "AT NANDITO ANG MAGANDANG BABAE NAG IISA AT WALANG KASAMA,WAG KA NG PUMALAG IBIGAY MUNA SAMIN ANG GUSTO NAMIN!"saka hinawakan ako sa magkabilang braso ko, napatingin naman ako ng masama rito. "Pakawalan niyo ako!" Mahinahon kong saad sa kanila pero tinawanan nila ako. Makakatawa pa kaya kayo kapag binali bali ko ang mga buto niyo? Akma naman akong susuntukin sa tiyan ng lalake pero bago ko pa man ginawa ay mabilis kong inikot ang kanilang kamay sa magkabilang kong braso. Kaya napasigaw sila sa sobrang sakit saka ko sinapa patalikod ang dalawa kaya sumuka sila ng dugo. At hindi ito tinignan naglabas naman ng kutsilyo ang lalake hindi nila alam magaling akong magdepensa lalo na sa kutsilyo. "Ayusin mo a, baka malaglag yang kutsilyo mo." Saka tinaasan ko siya ng kilay at hinanda ko ang kamay ko. Sinugod niya ako ng kutsilyo at sasaksakin niya sana ang mukha ko. Pero nakaiwas naman ako. Nyeta ka! Wag yung magandang mukha ko baka gusto mong tanggalin ko yang palong mo sa ulo. Mukha kasi siyang manok at pula pa ang kulay ng buhok nito. "Pre, tinarantado kaba sa gupit mong yan?" Saka ngumisi ako pero nanlisk naman ang mga mata nito. Sinipa ko ng malakas ang kaniyang braso para matapon sa malayo ang kutsilyo. Pero bago ko pa man sipain ang lalake at may bumato sa akin ng isang pulang panyo para siyang naging weapon. Again? Ginawang weapon? At napatingin ako sa malayo na nagbato sa akin ng panyo magtangkad na lalaki ito at gwapo ito pero hindi ito si Kuya Yolo kasunod pa ng lalake ang isang Kalaban nanaman? Iisa lang ang pwedeng gumawa nito para batuhin ako ng ganun—si kuya Yolo? "Let me hundle this Binibini." Saad ng gwapong lalake Walang anu-ano'y malakas na sinapak ang lalake na dahilan para bumagsak ito sa lupa yung kaganinang nangbabalak saking manggahasa. Pinagtulungan nila itong lima marami pang dumati kaya tumulong narin ako sa kanila alangan namang nakakanganga ako sa kanila habang pinapalakpakan sila syempre hindi no. Kaya nga ako naging taekwondo player para mailigtas ko ang sarili ko sa panganib. Violet Belter palang ako pero kaya kona ang ginagawa ng mga black belter. Hininto ko kasi ang pag tetaekwondo ko dahil na nakakakita ako ng mga dugo kapag sinasampulan ng punishment ang isang taek-player minsan ang punishment ay susuntukin ka sa likod o sa braso kaya pagdating ko sa bahay tulog na tulog ako dahil sa mga knock-out na tinatanggap ko. Akala ko natanggal na dati ang sakit ko na Phobia pero nagkamali ako, mas lumala pa ito mas naging worst pa. Tumakbo naman ang mga lalake papalayo samin habang hinahawak nila ang kanilang matinding iniindang sakit sa kanilang katawan. Agad naman napatingin sa akin ang lalake ang parang may lahing lalake. "Are you okey? hindi kaba nasaktan?" Saka hinawakan niya ang pisnge ko at sinipat pa ang mukha ko kung may bakas ng sugat o galos. "Y-yeah I'm okey!" Saka pumikit pikit pa. Napaangat ako ng tingin at tumingin ako sa lalakeng nakahawak sa aking mukha, gwapo ito, matangkad siguro ang tantya ko sa 6'0" kaya hanggang balikat niya lang ako. Mapunghay ang mga mata nito at may matangos ang ilong nito at pinkish lips niya. "Kung siguro hindi kami pumunta dito baka may nangyari na sayong masama." Pag aalala nito "Kaya ko naman mag-isa."tipid na saad ko. Saka isinakbit ko ang bag ko sa likuran ko. At naglakad papalayo wala akong balak na magpasalamat sa kanila dahil nagmamadali akong pumasok sa University para mag-practice ng taekwondo. Dahil nakapag-unat unat na ako kani-kanilang ay handa na ako para ilabas ang sama ng loob ko. "Dale." Tawag nito pero hindi pa ako humarap dito. "Yung belter mo!" Napaatras naman ako yung Belter ko! At dali-dali akong bumalik. "Nag te-taekwondo ka pala?"tanong niya "Oo kaya akin na yan!" Saad ko. "Ibabalik ko 'to sayo kung sasamahan mo akong magpractice ng taekwondo." Saad niya saka itinaas ng bahagya ang belter ko. Saka inilahad niya ang kamay niya. "Okey deal." Saka tinanggap ko ang pakikipag-kamay niya. "One round?"tanong niya saka nagtaas baba ng kilay "Ako pa talaga hinamon mo ah?" Saka tinaasan ko siya ng kilay kaya naman tumawa siya. "Watch your mouth, binibini baka umiyak ka sa sobrang sakit kapag pinatikim ko sayo ito."napalaki ang mata ko ng itinaas niya at inilabas niya ang kaniyang—kamao (anong iniisip niyo?) "Anong belter kana ba?"saka umirap ako sa kaniya. "Secret!" Saka ngumiti siya sakin. "Ako nga pala si Edward Celestial, call me ward for short." Pahayag niya. "Edward pa'no mo nalaman ang pangalan ko?" Nacur-ious na saad ko sa kaniya. "Correction, kakasabi ko lang diba, kanina Ward?!" Saka tinaasan niya ako ng kilay. "Sorry na!" Kaya ngumiti naman agad siya. "Dahil famous ka sa buong campus?!" Patanong na medyo sagot nito. "FAMOUS? SINO AKO? SURE KA? HINDI KA NAGBIBIRO?"saka tumawa pa ako saka umiling. "O-Oo ang ganda mo kasi e." Saka ngumiti siya sakin. Alam ko naman na maganda ako Edward pero wag munang ipakandakan pa. Tyaka grabe famous agad? Hindi ba pwedeng popular? O di kaya Normal Student lang? "Saan banda?" Tanong ko sa kaniya "Edi babawiin kona." Saka nagtaas baba siya ng kilay. "Sinabi ko ba, sinabi ko ba?"saka inirapan ko siya kaya tumawa naman agad siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD