Chapter 14

1270 Words
Dale's Pov Nandito kami ngayon sa gym magpapa-practice kami ng taekwondo alam kong dis-oras na nang gabi pero kaya ko naman ang sarili lalo pa't kasama ko si Edward. Nag punta siya sa C.R kaya nag warm up muna ako. Well nakakainis dito dahil ang daming lamok kaya naisipan dun muna kami sa judo room aircon don kaya hindi ako papawisan at lalamukin pwera na lang kung magaling talaga ang makakalaban ko baka mapagod ako ng husto kapag lalake ang nagiging kalaban ko. Lalo na si kuya dahil pasa at pinaliguan pawis ang natatamo ko sa kaniya dagdagan pa ng sakit ng katawan 'da best.' Black belter na si kuya ibig sabihin siya malakas na siya kasi ako Violet belter palang malapit na ako maging black belter kapag may nakalaban ako na black belter at natalo ko siya nakasuot na ako ng suit saka tinali ko ang buhok ko. At isinuot kona ang violet belter ko. Hindi muna ako uminom ng tubig dahil kapag uminom ako ng tubig ay baka antukin ako masama yun sa resestensya ko. Nagsalamin pa ako sa malaking mirror na nasa dingding. Tiningnan ko ang repleksiyon ko sa salamin. "Bat ang ganda mo Dale?" Saka kinausap ang salamin Nag pout pa ako at nagpalinga-linga sa kaliwat kanan nung masigurado kong walang tao ay nagsmack ako sa salamin. "Muah!" Saka tumunog pa ang halik ko. At itinaas ko ang ilong ko saka bumuntong hininga. para akong baliw sa ginagawa ko kaya itingil ko na ito tinanggal ko ang ipit ko sa buhok saka tumuwad para itali ulit. Nagulat ako ng may biglang nagsalita malapit sa pintuan. "Anong ginagawa mo?" Saad ng kung sino kaya napaangat ako ng tingin dito lagot—si Edward nag init tuloy ang pisnge ko nakakahiya nyeta. Agad naman akong napatunghay saka tumawa. "A-ah kasi ano—" pinutol niya agad ang sasabihin ko. "Wag kanang mag explain," saka tumikhim ito bago magsalita. "ganyan naman kasi kayong mga babae mahilig tumuwad ng walang dahilan."saka isinuot niya ang itim na belt. Parang iba yung nasa isip ko sa sinabi niya parang ang spg nung nasa isip ko. Punyemas na Edward to parang hindi babae ang kausap niya nawala tuloy ang pagka inosente ko sa sinabi niya. Wait lang black belter?!! na si Edward? Is this real so Senior ko na siya ganun ba? Pero dapat mas matanda siya sakin or kasing tanda siya ng kuya ko. Agad na tumungo ako hanggang parang mamabali ang buto ko sa likod. "You don't have to do that." Saka yumuko din siya para tingnan ang mukha ko. Agad naman nag init ang pisnge ko. "Black belter ka pala," saka inayos ang pony tail ko. "Yeah!" "By the way, How old are you na ba?" Saka unat unat pa. '14" maikling sagot niya "Sure ka?"pang uulit na tanong ko. WHAT? Again? 14 palang siya? Mas matanda pa ako sa kaniya ng dalawang taon? Pero black belter na agad siya. What the! Hindi ito makatarungan! Akala ko kaidaran lang niya si kuya pero hindi pala! "Bakit may problema ka doon?" Saka kumunot siya ng noo. "Unbelievable! Edward hindi nga! Kasi diba yung mga black belter dapat you know alam muna gurang matanda mga—" "Hindi lahat, base yan sa performance." Saka umirap siya. Ayan nagiging grin nanaman ako paano kasi itong si Edward eh kabata bata e andami nang alam. "For your information, Ms Saviena magkasabayan lang kami ni. . ." hindi na niya tinapos ang sasabihin niya. Kasabayan nino? "Sino?"tanong ko rito kaya naman naningkit ang mata nito. "Hindi muna kailangan malaman pa!"saka kinuha niya ang tiako "Bakit hindi?" "Long story tyaka ayoko ng pang usapan pa, it's all about Yolo tyaka hindi muna kilala yun e." What about kay kuya tama ba ang narinig ko? Si kuya! "A-ano yung tungkol kay kuya?" Tanong ko kaya hininto niya ang pag-gamit ng tiako. At nanlaki ang mata nito. "Kuya mo s-si Yolo?"paninigurado niya. Halatang gulat na gulat siya. "O-Oo!" Saka ngumiwi ako. "Sa pagka-alam ko walang kapatid na babae si Yolo." Paliwanag nito Anong ibig nyang sabihin na walang kapatid si kuya ang gulo huh! Ang hirap ma-gets! Parang nag pa-process pa sa utak ko ang sinabi niya. "May kapatid siya at ako yun!" Saka pumay-awang pa ako. "Siguro nga nagkamali lang ako." Saka para siyang napaisip siya. Kaya inaya niya na lang ako mag umpisa "Ready?" Saka humanda na ako at pumwesto sa aking posisyon. Agad ko siyang sinipa ng malakas pero umiwas siya tumalikod ako at umabante bumwelo pa ako saka tumalon saka sinipa at sisikmuraan ko siya pero ako ang natumba dahil sinuntok niya ako sa likod. Agad naman niyang inilahad ang kaniyang kamay para tulungang akong tumayo. "Care to help you Binibini?" Saad niya saka ngumiti pa. At tinanggap ko ang kamay niya. "Naka-chamba ka lang." Saka umatras ako at bumwelo "Chamba lang ba ang pagkakadapa mo?" May halong pang aasar ang sinabi niya kaya naningkit ang mata ko. Agad niya akong inambangan ng sipa. Kaya umilag ako takte muntikan na ako dun ah. Napahiga ako ng malakas niya akong sinipa kaya nasa ibabaw ko siya. Kaya sinipa ko ang bandang likod niya saka nag middle punch ako sa dibdib niya pero bago ko paman nagawa yun ay blinock na niya agad yun. That moment napatigil ako nakatingin lang siya sa mata ko. Para siyang may sasabihin. Bumuntong hininga pa siya. "Pwede ba manligaw?" Saka inilapit niya ang mukha niya sakin kaya napangiwi ako. Pwede ba manligaw? Paulit ulit sa utak ko ang sinabi niya ambilis naman ng taong ito. Akala mo makasabi ng manligaw e kadali dali. Agad kong pinigilan siyan ng hintuturo ko. "Hep hep!" Saka inikot ko siya kaya nasa ilalim ko na siya. "Ligaw agad?" "Edi sagutin muna ako kung ayaw mong ligawan kita." Saka ngumiti siya kaya namula naman ang pisnge ko. "Sa panahon ngayon pinapadali na ang panliligaw at dapat na mas matagal ay ang relasyon." Kaya mas lalong uminit ang pisnge ko. "Pinagsasabi mo?" At akmang tatayo ako ng biglang hinila niya ang braso ko kaya natumba ako at mabilis siyang kumilos at pumatong sa ibabaw ko. "At sa'n mo balak pumunta?" Saka lumapit pa ang mukha niya sakin. Hindi na ako makapagsalita. "Ano ba! Pakawalan mo nga ako." Saka nagpumiglas ako at tinanggal ko ang kamay niya sa magkabilang braso ko. "Hindi kita papakawalan hanggang hindi mo ako sinasagot!" "Sagot agad? I'm not easy to get, Mr. Celestial." Saka tinulak ko siya gamit ang kanang hintuturo ko. Nagulat ako ng bumukas ang pintuan kung saan ang kinaroroonan namin. Napatingin ako rito at nalaki ang mata ko—si Caspian napanganga siya na tumingin sakin at nabitawan niya ang dala niyang bag. " auh-oh." Saka napatingin siya sa kanan bago sa kaliwa. "N-nakakaabala pala ako Sorry!" Saka umalis siya ng parang galit kaya itinulak ko si Edward at hinubad ko ang taekwondo suit ko at naka uniform na ako. Hinanap ko si Caspian nakatayo siya malapit sa puno ng narra. Napaupo ako sa sobrang pagod at napangiwi ako bumuntong hininga ako saka tumayo. "Tsk!" Saka ibinato niya sa malayo ang bato. Rinig na rinig ko malalim na pagbuntong hininga niya. "Anong pake mo dun Caspian? Wala kang nakita!" Saka ginulo niya ang buhok niya "At wala ka ring karapatang magselos okey?"babala niya sa sarili niya kaya napangiti naman ako. Nagulat ako ng malakas niyang sinuntok ang puno ng narra dumugo ang kamao niya sa lakas ng pagkakasuntok niya. At binalewala niya lang ito. Galit na galit siya nagseselos ba siya?totoo ba? Selos? "Mahal kita Dale, no matter what kahit dimo ako mahal mamahalin pa rin kita. . ."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD