PROLOGUE
"Maldiva, samahan mo ko pumuntang Mall, may gusto lang akong bilhin para kay Darren." sabi ko sa aking cellphone.
Kausap ko kasi ngayon si Maldiva ang aking pinsan na nakatira lang sa kabilang kanto, magpapasama kasi ako dahil may gusto akong bilhin para sa bestfriend ko, simula kasi nangyari yung sa nakaraan ko, hindi na ako gumagawa ng effort para sa isang tao, ngayon lang ulit, kay Darren.
"What time b***h?" Tanong niya na may halong katamaran na tono.
"Maybe tomorrow after lunch?" Sagot ko sa kanyang tanong.
"Punyeta, anong maybe? Hindi ka sigurado ha? Nako indai siguraduhin mo nga muna!" pagalit na sagot niya sa telepono.
"Teka nga bakit ganyan boses mo ha? Kabuwanan mo ba?" Tanong ko.
"Oo, kaya ayusin mo!" Sagot niya sa akin na may halong iritable sa boses niya.
"Okay sige na, bukas after lunch!" Sagot ko sa kanya at bigla niya pinatay ang tawag.
Naging mabilis lang ang takbo ng araw, hindi ko inakala na mamaya na pala ang alis namin ni Maldiva para makapunta sa Mall.
Yinaya na ako ng ate ko na kumain na kami ng tanghalian, wala sila mama at papa ngayon dahil may aasikasuhin sila sa grocery store namin.
"Ate aalis po kami ni Mal, pupunta kami ng Mall..." pagpapaalam ko sa kanya habang kumakain kami.
"Nagpaalam ka na kanila mama?" Tanong niya sa akin.
"Opo, kagabi po." sagot ko sa kanya.
"Okay sige, ingat kayo. Punta ka mamaya sa akin bago ka umalis may ipapabili ako sayo." aniya.
Pagkatapos naming kumain, ako na ang naghugas ng pinggan kasi si ate na ang nagluto.
Naligo na ako at nag-ayos, nagsuot lang ako ng maong short at sando na itim, at sinuot ko din yung maong na blazer ko, tapos nagsapatos na rin ako. Naglagay lang ako ng sunscreen at lip balm sa aking labi, at hinayaan ko lang na nakalugay ang aking buhok, nung nakuntento na ako sa aking sarili, pumunta na ako kay Ate.
Pagkatapos ko pumunta kay Ate sa kanyang kwarto, nagpaalam na ako at umalis na rin. Dumiretso na ako sa bahay ni Maldiva at nakita ko siya palabas na ng gate nila. Pinara na rin namin yung taxi na nasa tapat lang ng bahay nila.
Pagkarating namin ng Mall, dumiretso kami sa Department Store at hinanap namin yung pwesto sa mga Men's Wear. Balak ko kasi siyang bilhan ng isang shirt at isang shorts tapos bibili ako ng favorite perfume niya, and last anklet, nasira ko kasi yung anklet niya, kaya papalitan ko nalang, tapos chocolates and syempre di mawawala ang letter ko para sa kanya. Balak ko na kasi magsabi ng nararamdaman sa kanya, sabi nila dapat lalaki ang mauuna pero hindi ko na kaya, gusto ko na rin sabihin sa kanya yung tunay na nararamdaman ko.
"Hoy gaga, wag yan panget yan." sabi ni Maldiva nung kinuha ko ang isang shirt na kulay blue.
"Ito maganda kumuha na rin ako ng shorts na pwede i-pair dito sa damit..." sabi niya at pinakita niya ang hawak niya.
"Okay fine!" sabi ko at tinarayan ko nalang siya.
To be honest kaya ko sinama itong pinsan ko kasi magaling siya mamili ng mga damit mas lalo na kung pang-lalaki, mahilig din kasi siya sa mga boyish style.
Binayaran namin ito at dumiretso na kami sa mga perfumes na bench, favorite perfume niya rin kasi ito at sobrang bango!
At wala na rin kaming sinayang na oras ng pinsan ko, dumiretso kami sa National Bookstore at bumili ng box at konting pang-design lamang tapos dumiretso na rin kami sa supermarket para bumili ng chocolates na para kay Darren.
Kumain na muna kami sa foodcourt at naglakad na palabas ng Mall, pero nung papalabas na kami ng Mall. Nakita ko si Darren na may kasamang babae at nakaholding hands pa silang dalawa.
Nung nakita ko silang dalawa, bigla gumuho na ang aking mundo at nahulog ko na rin yung mga pinamili ko, at bigla nalang bumuhos yung luha ko dahil siguro sa sakit na nararamdaman ko.
Nakita ako ni Darren at nakita ko ang gulat sa kanyang mukha pero tumakbo ako palabas ng Mall at dumiretso dun sa parking lot, sinabi ko kasi kay Mama na sunduin nalang kami, tapos ang sabi niya malapit na daw sila kaya binalak na naming lumabas.
Bigla ako hinawakan ni Darren sa pulsunan ko pero binawi ko rin ito.
"Darren bakit... Mo ko sin-undan?" Nauutal na tanong ko sa kanya habang lumuluha ako.
"Sorry Penelope, sorry kasi nag-sikreto ako sayo, sorry kasi sa maling paraan mo nalaman ang lahat-" he said but I cut him off.
"Ayos lang Darren, deserve mo naman sumaya eh, deserve mo rin magmahal at umibig, deserve mo siya, and I'm just here to support you ha, don't mind me okay?" Sabi ko sa kanya
"Penelope, panong don't mind? Bestfriend kita syempre iniisip rin kita" tugon niya sa akin.
"Iniisip mo ko? Pero naisip mo rin ba ako nung tinago mo yung relasyon mo sa akin? Inisip mo ba na hindi ako masasaktan? Okay lang sa akin kung magmahal ka ng iba, ang akin lang ay bakit ka nagsikreto?" Tanong ko sa kanya hanggang sa lumuha na ako ng husto.
Okay lang Darren, pero bakit ka nagsikreto edi sana, nag handa ako para malet-go kita, edi sana hindi ako umiiyak ngayon, edi sana hindi ako nadudurog ngayon.
"Sorry penelope, ayaw lang kitang masaktan-" I cut him off again.
"Ayaw mo ko masaktan?! Eh yung sa ginawa mo Darren, sinaktan mo ko!" Sigaw ko sa kanya, hindi ako galit sa kanya sa totoo lang, nasasaktan lang naman ako.
"Sorry penelope..." He said again at balak niya humakbang papalapit sa akin.
"Don't move, or else tuluyan akong mawawala sa buhay mo bilang bestfriend mo." panakot ko sa kanya.
Magsasalita na muli siya kaso tinawag na siya ng girlfriend niya, lumingon si Darren dun sa babae, at sinenyasan ng babae si Darren na lumapit na sa kanya.
"Darren, pagbilang ko ng tatlo at hindi ka pa lumalapit sa akin, mawawala ako sa buhay mo." panakot naman ng girlfriend niya.
"1....2..." Bilang ng girlfriend niya.
"Sorry penelope, I hope you can find someone whose better than me, sorry I need to go now, take care." huling salita niya bago niya ako tinalikuran.
Bigla nalang ako nanlumo at nanghina, mas nadurog ang puso ko at inilabas ko nalang sa iyak ang sakit ng aking nadarama, ang sakit pala pag hindi ka pinili ng taong mahal mo.