Tok... Tok... Tok. Mabigat ang katawan na bumangon ako ng higaan nang may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Tumayo ako at pinagbuksan ito. "Senyorita, pasensiya na po pinapagising na po kayo ni senyorito para kumain." Napatango na lang ako at umalis din kaagad ito. Naghilamos ako ng mukha nag-tootbrush at sinuklay ko lang ang buhok ko. Pagkatapos bumababa na ako. Pagdating sa kusina nandoon na ito. Hindi ko siya sinulyapan man lang deritso lang ako sa isang upuan na may nakahanda ng plato. Nilagyan ko ng isang slice ng tinapay ang plato ko at isang ham ng hindi man lang ito sinisipat. "Next time, hindi pwedeng tanghali kang gigising. Baka nakakalimutan mong kailangan mo 'kong pagsilbihan. " Tinitigan ko ito nang matalim. Pero seryoso lang itong nakatuon sa kinakain niya Nawalan na ak

