Humihingal na lumabas siya ng elevtor. "Ano'ng nangyari sa'yo? Bakit pawis na pawis ka?" takang tanong ni Kat sa kanya. "Inutusan kasi ako hanggang 25th floor ni Ms. Carmen." "Ano? Ang matandang 'yun? May lihim na galit ba sa'yo 'yun?" "Ito oh, uminum ka muna," sabay abot nito sa kanya sa baon nitong tubig." Itinungga niya ito hanggang sa maubos niya ito. Na halos hingal na hingal ako. "So, nakita mo ba ang itsura ni Mr. Salvador." Napa-ubo siya sa sinabi nito. "Bakit mo naman naitanong?" "Hindi ba't nagpunta ka sa floor ng big boss natin? Ano nakita mo ba siya?" kinikilig na tanong nito. "Hindi eh! kay Mr. de Mesa ko lang ibinigay ang folder." "Kilala mo si Mr. de Mesa?" Napalunok siya dahil sa pagkakadulas ng bibig niya. "Hindi kanina ko kang siya nakilala doon sa taas," p

