"Oh! Bakit ngayon ka lang? Kanina pa kami nagaalala sayo?" "Ang dami kasing pinatapos sa'min kaya gabi na kami nakauwi," sabay higa dahil kanina pa masakit ang likod niya. "Grabe naman 'yan. Unang araw pa lang tinadtad na kayo ng trabaho." "Hayaan mo na, ganun talaga." "Magbihis ka na muna at dadalhan na lang kita ng makakain." "Salamat besh, the best ka talaga." "Bola." "Hehehe." napatawa na lang siya sa sagot nito. Pagkatapos niyang maligo ay nasa kwarto na niya si Jane. "Sige na kumain ka na, kanina pa nagugutom si baby. Alagaan mo naman ang anak mo, parang awa mo na," sermon nito sa kanya. Daig pa nito ang daddy niya kung makasermon sa kanya. "Opo, lola," pangiinis niya. "Sige na apo, kumain ka na," pabirong sagot nito. Nagkatawanan na lang silang dalawa. "Kumusta naman ang

