"Uwi na muna ako besh. Kukuha lang ako ng mga gamit ko sasamahan kita rito. Mag-grocery na rin ako para may stock tayo. May gusto ka bang ipabili?" "Hindi na okey lang." "Sige alis na ako." "Sige, magiingat ka." Dahil sa linggo na naghanda na siya ng mga susuotin niya para kinabukasan. Hapon na rin nanb dumating ang kaibigan niya. "Musta kan a besh? Marami akong pasalubong sayo?" masayang bati nito. Binuksan niya ang dala niyang mga grocery bag. "Ang dami naman ng pinamili mo." "Para sayo lahat 'yan at ito," sabay abot sa kanya ng isang latang gatas para sa nagbubuntis. "Ano 'to?" Gatas 'yan para sa inaanak ko. Diba baby?" sabay hawak sa tiyan nitong wala pa namang umbok. Napangiti na lang siya sa ginagawa nito, mas-excited pa ito kaysa sa kanya. "At ito pa. Tingnan mo ang gan

