"Naayos ko na ang bill mo. Pwede ka nang lumabas ngayon," sabi ni Bob. "Curtney? Nakikinig ka ba?" Napatingin siya rito, nakatingin lang kasi siya labas ng bintana ng kwarto niya habang lumilipad ang utak niya. Kaya hindi niya namalayan ang pagpasok nito. "Ano nga ulit ang sabi mo?" tanong niya ulit rito "Ang sabi ko pwede ka nang lumabas ngayon?" "Ahw, okey," tanging naisagot niya. Tatlong araw na rin kasi siyang nasa ospital. "Uuwi ka na ba ngayon? Hinahanap ka na kasi ni Brint. Gabi-gabing naglalasing ang asawa mo, dahil hindi ka makita." "Hindi na muna. Saka ko na siya harapin. Alam kong mahahanap niya rin naman ako kahit saan ako magpunta. Kaya hayaan mo na natin siyang maghanap." "Eh, saan ka uuwi ngayon?" "Maghahanap pa ako." "Hindi na. Sa'kin ka na lang muna tumuloy." "

