Gabi-gabing siyang dinadalaw ni Brint ng hindi niya namamalayan. Palagi itong nasa labas ng gate ng boarding house nila nakatanaw lang sa malayo hinihintay na masilayan siya, uuwi lang ito kapag nakapatay na lahat ang ilaw sa loob nito. "Oh, saan ka pupunta? Bakit ang aga mong nagising at nakabihis ka na? Papasok ka na ba?" tanong sa kanya ni Jane nang makita siya nitong nagkabihis na. "Kailangan eh, ayokong matapos ang OJT ko na walang ginagawa at isa pa dalawang araw na akong tambay nababagot na ako dito sa loob ng kwartong 'to," sagot niya. "Sige bahala ka, basta ingatan mo ang sarili mo ha, wag magpapa-stress," bilin sa kanya ng kaibigan. "Opo lola. hehehe" biro niya. "Sige ipaghahanda na rin kita ng almusal at babaunin mo." "Salamat besh," sabay yakap niya rito. Umalis ito at

