Ang taong gusto niyang makita ay pinagmamasdan lang niya habang mahimbing siyang natutulog, binisita niya ito sa ospital kung tulog na ito dahil alam niyang ayaw siyang makita nito. Gustong gusto man niyang yakapin ito, hindi niya magawa, ayaw niyang magalit na naman ito at mapahamak pa ang anak niya. *** "Maaari na kayong makalabas ngayon Mrs." "Salamat po doc." "Basta ang mga bilin ko, iwasan muna ang ma-stress at mag pagod." "Opo doc, maraming salamat ulit doc." "Pwede na tayong makalabas besh. Asikasuhin ko muna ang bills mo sa baba." sabi ng kaibigan niya. "Salamat besh." Pero ilang sandali pa, bumalik din ito kaagad. "Oh, bakit bumalik ka kaagad?" "Bayad na raw ang bill mo besh, baka binayaran na ni Brint." Hindi na lang siya nagsalita pa ulit. Nalulungkot siya kasi hind

