Saktong alas-syete na ng gabi nang dumating si Brint. "Oh, nandiyan ka na pala, tamang tama ang dating mo at mainit pa ang linuto kung sinigang na hipon at saka beef steak as requested by yours. Maupo kana at maghahain lang ako." "Wow! Nakakagutom ang amoy, mukhang masarap ha," natatakam na sabi nito. "Masarap talaga 'yan, made with love." Nilagyan nito ng kanin ang plato ni Brint, pagkatapos naglagay ng ulam sa pinggan nito. "Ang sweet naman ng babe ko, ganito pala ang feeling ng may asawa kang dadatnan sa paguwi mo," sabay higop sa sabaw. "Masarap ba?" hinihintay niya ang sagot nito habang humihigop ng sabaw. "Ang sarap! Tama lang ang asim at anghang. Your the best babe." "Thank you. Ito pa, tikman mo rin itong beef steak na linuto ko," linagyan nito ang plato nito . Naglagay i

