Chapter 47

1046 Words

Nang magising siya napakasakit ng ulo niya dahil sa kalasingan niya kagabi. Tiningnan niya ang cona ng bata wala na ito roon. Mabilis siyang lumabas ng kwarto at bumaba para hanapin ito. "Manang. Manang." "Bakit ho, senyorito?" "Nasaan si Ali? Nasaan ang anak ko?" "Nasa garden po kasama ng Mommy niya naglalaro sila." Pinuntahan niya ito sa garden, nakita niya itong naghahabulan ang mag-ina. Pinagmasdan niya ang ginagawa nito. Napapangiti na lang siya ginagawang paghalakhak ng anak niya. "Da-da-" sigaw ng anak niya nang makita siya nito, patakbo ito sa kinaroroonan niya. Umupo siya para salubungin ito. Yinakap siya nito. "Da-da, lab lab da-da," sabi nito habang yakap siya nito. "Love you too baby," hinalikan siya nito sa pisngi, yinakap niya ito at kinarga. "Did eat you baby?"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD