Nagmamadaling napasugod sa ospital si Mr. de Mesa para sa isang masamang balita. "Mr. Salvador," tawag niya rito habang busy ito sa pakikipaglaro sa anak. "Sa labas tayo," utos niya rito. "Manang, ikaw na muna dito." Sumunod naman ito sa kanya sa labas. Habang si Nica naman ay nakaupo sa isang sala at busy sa pagbabasa ng mga magazine. "Ano'ng balita?" "Sir, wag sana kayong mabibigla. " "Deritsuhin mo ko," seryosong sabi nito. May iniabot ito sa kanyang plastic bag. "Ano to?" dahan-dahan niya itong binuksan. "Yan po ang naiwang gamit ng bangkay na ipinadala sa isang lab school." Natulala siya nang makita ang laman nito. Halos mawalan siya ng balanse sa mga nakita niya. Inilalayan naman siya ni Mr. de Mesa. Isang black shorts at black sando at ang isang pares ng tsinelas ang

