Madaling araw na siyang nakauwi at halos gumapang na siya sa kalasingan. Nang makarating ng kwarto ay malapit na siyang matumba dahil nawalan na siya ng balanse sa katawan. Pero may sumalo sa kanya. Pilit niyang inaaninag kung sino ito pero malabo ang paningin niya sa nakikita, siguro dahil sa sobrang luha nawala sa kanya. Umiyak siya sa harap ng mga kaibigan sa unang pagkakataon. "Brint, halika kumapit ka." sabi nito. Pilit siya nitong binubuhat pa higa sa kama. Nang makahiga na siya nararamdaman na lang niyang, may tumatanggal sa butones ng suot niya. Mainit na mga kamay ang humahaplos sa dibdib niya at biglang may kiliting bumalot sa buong pagkatao niya. Nanginginig ang buo niyang katawan sa ginagawa nito. Hinahalik siya nito mula leeg pababa, napapaungol na lang siya. Pilit niyan

