Dali-dali akong naglakad papunta sa kwarto. Inis na inis ako sa kanya. My entire body were trembling in rage. Pagdating sa kwarto, halos napasigaw ako sa sobrang inis. Nang may kumatok sa pinto ng kwarto ko. "Senyorita, pinapatawag na kayo ni senyorito. Kumain na raw kayo." "Pakisabi sa kanya, kumain siya mag-isa!" galit kung tugon dito. Umalis na ito pagkatapos kung sabihin 'yon, dahil dinig ko ang mga hakbang nito papalayo. Pumasok ako sa loob ng banyo at doon nagbabad sa bathtub. Ipinikit ko ang aking mga mata, dahil parang hinihila na ako nito sa antok. Sa sobrang pagod at antok, dahil ilang gabi na ring hindi ako nakakatulog nang maayos, hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Hindi ko alam kung gaano na ako katagal nakatulog, nagising na lang ako na parang may bumubuhat sa'kin

