Pagkatapos kung kumain, nagpahangin na muna ako sa may pool. Nang makaramdam ng kaunting lamig nagpasya na akong bumalik sa kwarto at baka maabutan pa ako ni Brint dito. Habang nasa kwarto, hindi ako makatulog. Siguro namamahay lang ako at hindi rin mawala sa isip ko kung ano'ng buhay ang naghihintay sa akin sa mansyon na ito. Ang daming tumatakbo sa isip ko. Hindi ako makatulog kaya tinawagan ko si Jane. "Hello besh." "Hello besh, kumusta ka na diyan? Sinasaktan o pinapahirapan ka ba niya? Okay ka lang ba?" sunod-sunod na tanong nito. "Okay lang ako. H'wag kang mag-alala. Hindi pa nga kami nagkikita ng lalaking 'yun." "Mabuti naman kung ganun. Sobra ang pag-aalala ko sa'yo. Akala ko may masama ng nangyari sa'yo kaya napatawag ka," napabuntonghininga ito. "Pasensiya ka na kung hindi

